Chapter 14

26 0 1
                                    

Nakakapagod ang araw na ito.

Celebration kase ng graduation ko, plus, engaged na ko hikhok.

Sobrang saya ko talaga.


Umuwi na yung ibang mga classmate ko na inimbita ko. Yung iba, mag-o-overnight naman dito.


Nandito nga pala kami ngayon sa isang resort. Dito na kami nagcelebrate at nagpacatering na lang din para iwas trabaho.



"Oy besht alam mo ba ha? Na shobrang proud na proud ako shayo," lasing lasing na sabi ni best. Sabi ko sa kanya, huwag siyang iinom dahil iba siya kapag nakainom.



At hinalikan niya ako sa cheeks. Sabi sa inyo eh iba yan kapag nakainom yan, SHE'S A KISSING MONSTER!



Nako kapag kinwento ko naman sa kanya yan kinabukasan, kulang na lang isuka niya ako.



Bale ganto na lang, kapag hindi yan nakainom, ayaw na ayaw niyang may nangkikiss sa kanya, o may kinikiss siya. Kahit baby man yan o ako. The heck. Pero kapag nakainom siya, she's totally different. Vice versa kumbaga.




Napailing na lang ako, at ginuide siya sa room naming dalawa. Para makatulog na siya, mahirap na eh.




Nang maihiga ko na siya, may sinasabi pa siyang kung ano ano eh ewan ko ba dun.




Palabas pa lang ako ng room namin, may narinig ako sa kanyang isang pangalang matagal ko ng hindi naririnig.



"Sh-Shi Ivan, nikaus*hik*nikausap niya ako*hik* kanina," sabi niya na siyang nakapagpatigil sa akin.



Tiningnan ko siya sa kinalalagyan niya pero nakatulog na pala siya.


Ano namang paki ko dun? May Connor na ko no.



Lumabas na ako at nag entertain ng mga bisita ko. Congrats sila ng congrats sakin tsaka sinasabi nila na imbitahan ko din daw sila sa kasal ko. Napapangiti na lang ako tsaka tatango.



Hanggang ngayon,  hindi ko pa rin maalis ang bumabagabag sa isip ko.




Uminom ako. Gusto ko nang makalimutan yon. May fiancee nako.



Nakakalahati ko na yung bote ng alak ng may nagtakip sa mata ko. Sino kaya to?



"Hey, sino ka?" mahilo hilo kong sabi. Medyo lasing na pala ako.



"Hulaan mo," ah si Connor pala.



"Hmmm, wait iisipin ko lang," kunwaring nag-iisip na sabi ko. Makikipaglaro pala ah?



"HAHA baliw." sabi niya. Napangiti na lang ako. Tinanggal na niya ang takip sa mga mata ko atsaka tumabi sa akin dito sa may mini bar ng resort.



"Umiinom ka ata ngayon?" tanong niya. Minsan lang kase talaga ako uminom.



"Wala lang, besides, celebration party ko ito. Bawal uminom?" sabi ko, naiinis. Bakit ba naiinis ako sa kanya ngayon?



"Init ng ulo ni taba," hindi ko na siya pinansin.



Hanggang sa tumagal-tagal, alam kong lasing na ako. Hindi ko na talaga makontrol ang mga ginagawa at sinasabi ko.



Teka,  anong nangyayari? Bakit umiiyak ako? Umiiyak ako sa harap ni Connor?



"Shi Ivan huhu. Si I-Ivan," paulit-ulit na sabi ko. Shit. Nasa harap ako ni Connor. Bakit ko binabanggit sa kanya si Ivan?



Unti-unti ay nagdilim na ang aking paningin.


***

Bakit parang napapaso ako?


Iminulat ko ang mata ko at nasilaw ako sa init ng araw. Nakabukas ang bintana at nakahawi ang mga kurtina.



"Best, mabuti naman at nagising ka na?" rinig kong sabi ni best. Napalingon ako sa gawi niya. Nagkakape siya.


Bumangon ako at umirap sa kanya.


"Sinong naghatid sa akin dito?" sabi ko na nakapamaywang pa.



"Si Connor. Nagising ako kagabi nung hinatid ka niya dito. Nakatulog ka na daw don." sagot niya.



Tinanguan ko na lang siya at saka ako pumunta sa banyo. Nagtoothbrush ako. Nasa resort pa nga pala kami hanggang ngayon.



Bumalik ako sa loob ng kwarto ngunit hindi ko na nakita si Camille.


I checked my phone. Madaming nagtetext. Yung iba unknown number na nagcocongrats. Yung iba naman classmates ko din, congrats ulit. Lahat sila nireplyan ko ng thankyou and god bless.

Tapos si mama.

From: Mama

Anak, umuwi na ako sa bahay nitong umaga lang. Tulog ka pa daw sabi ni Cam.

Shet. 11 pm na pala.

I replied to her.

To mama:

Okay ma, labyu :>

Nakita ko naman na nagtext sa akin si best na oorder lang siya ng pagkain kaya siya nawala.

Si Connor man nagtext.

From Connor:

Hi taba, morning wuv you <3

I replied.

To Connor:

Morning labyu <3

Pagkasent ko ng text kay Connor, dumating na si best kasama yung mga pagkain na inorder niya.

Fried chicken, fries, rice, drinks and burger.


Gutom na gutom na siguro siya.

"Hoy, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Gutom na gutom lang talaga ako kahihintay sa iyo." sabi niya na may pairap irap pa.



Napangiti ako. "Kaya mahal na mahal kita eh."

"psh"



Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may nakwento siya.




"Ah best, naaalala mo si Ivan? Parang nakausap ko ata siya kagabi. Hindi ko lang matandaan. Lasing na ata ako nun," sabi niya na mukhang hindi pa sigurado at tinatandaan pa ang mga sinasabi.



Eto na naman, at naalala ko naman siya.


Wait, hindi ko naman siya ininvite kagabi ah? Bakit siya mapupunta doon?

---


Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now