Chapter 11

28 2 0
                                    


Isang buwan na ng makaalis si Ivan papuntang States. Nababaliw na ata ako. Napapabayaan ko na din ang pag-aaral ko. Madalas lutang ako.

Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito. Sampung araw lang naman kami nagkasama. Nakatanggap lang ako ng special treatment sa kanya, minahal ko na siya.

Madali akong ma-fall in love sa tao. And I hate myself for that.

Naririnig kong tumutunog ang cellphone ko. Pero hindi ko lang iyon pinapansinhanggang sa mamatay ito at tumunog muli.


Naggui-guilty na ako sa nangyayari. Dahil sa akin, kaya siya umalis. Kung hindi ko kinwento yung tungkol kay Camille, hindi siya aalis. Hindi niya ako iiwan.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Baliw na ba ako?

I'm more than depressed.

I don't know why I'm like this right now. I'm overreacting. I'm overthinking. I only care about him now. Gusto ko bumalik na siya dito.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko sa loob ng aming bahay.

Hanggang sa mapagtanto ko kung anong katangahan ang ginagawa ko.


"PRINGLES!!!" at nabitawan ko ang kutsilyo dahil sa sakit na nadama ko.


Camille's POV

Tinatawagan ko ngayon ang kaibigan ko pero hindi niya ito sinasagot. Patuloy lang sa pag riring ito. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan.

Ako na ang naging sandigan ni Pringles nitong mga araw. Simula kasi ng umalis si Ivan, sobra niyang sinisi ang sarili niya.


Alam ko, depress na siya.


Sabado ngayon at walang pasok. Nabasa ko ang text ng mama ni Pringles sa kin na ako daw muna ang bahala sa anak niya dahil may inaasikaso siya. Ang kaso lang, late ko na nabasa ito, siguro dalawang oras muna bago ko mabasa ito.


Kaya ngayon, pinagmamadali ko ang tricycle driver sa pagmamaneho dahil baka gawin niya na naman ang ginawa niya noong nakaraang linggo. Muntik na niyang patayin ang sarili niya. Mabuti na lamang at nakita ito agad ng mama niya.

Pumapasok siya sa school pero madalas, pre-occupied ang isip niya.

Minsan nga kapag kinakausap ko siya, it takes seconds bago niya marealize na siya yung kinakausap ko.


Nakarating nako sa bahay nila at binuksan ko kaagad ang gate at dali daling pumunta sa pintuan, kaso nakalock ito. Wala akong susi pano ito?



Ah alam ko na, sinabi nga pala ni tita sa akin na may isang susi sa paso.


Agad agad ko itong kinuha at finally nabuksan ko na ang pinto at pagka bungad sa sala ay walang tao. Pumunta ako sa kusina dahil alam ko na dito madalas may gamit pangkitil ng buhay ng tao.


Nakita ko siya doon at...


"PRINGLES!!! " sigaw ko sa kanya.


Nabitawan niya ang kutsilyo. Dali dali akong pumunta sa harapan niya at nakitang patuloy sa pag-agos ng dugo ang pulso niya sa kamay.



Hinubad ko kaagad ang t-shirt na suot ko at ipinambalot ito sa kamay niya. Sa sobrang pagmamadali ko, naiiyak nako. Naaawa ako sa kaibigan ko.


Ngayon nakabra na lang ako.


"Pringles, dyan ka lang muna," inupo ko siya sa sala nila at tinakbo ko kaagad ang daan papuntang kwarto niya.


Dumampot ako ng kahit na anong t-shirt doon sa cabinet niya at agad na bumaba habang sinusuot ko yung t-shirt.



Nang nakarating ako sa sala kung saan ko siya iniwan. Nakita ko siya habang tahimik na naluluha.


Hindi ako pwedeng umiyak, kailangan kong ipakita sa kanya na nandito ako. Ayaw na ayaw pa naman niyang umiiyak ako.


Niyakap ko siya. Hinaplos ko ang likod niya habang pinapatahan at sinasabing magiging maayos din ang lahat. Hindi ko na napigil ang pagluha at napahagulgol na din ako.


Pringles' POV

Sobrang awang awa na ako sa sarili ko.

Sobrang tanga ko.

Nakayakap ako ngayon kay Camille habang umiiyak kami pareho. Napagtanto ko na kung ano ang ginawa ko. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko.


"I'm sorry," sabi ko habang patuloy pa rin sa paghagulgol.


"Shh! Shh! Everything will be okay. Magiging maayos din ang lahat," pagkasabi niya nun, humiwalay na siya sa akin.


Sobrang saya ko dahil nagkaroon ako ng best friend na katulad niya. Ang tanga ko to think na wala ng nagmamahal sa akin. Wala ng nag-aalala sa akin. Wala ng nagtetreat sa akin na special ako. Pero ang tanga ko. Ang bobo ko.

Hindi ko naiisip na nandyan pa sila mama at Camille.


Nang dahil sa pag-ibig, naging tanga ako.


Matalino ako, tanga lang minsan.

---



Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now