Chapter 1

107 3 0
                                    


Hi, what's up guys. I am Pringles D.Makalunok. Yes, you heard it right. And guess what? Hindi naman sa pagmamayabang, valedictorian lang naman ako last year. High school ako no'n HAHA.

And ngayon, first year college na ko, hoho ^o^

Monie Silver Institute, o mas kilala bilang MSI.

Dito ako nakaenroll ngayong college and I'm taking up Business Management.

And yes, kaya iyon ang kinuha kong course dahil iyon ang gusto ko. Akala niyo gusto ng magulang ko no? No, no.

Hindi naman kami mayaman para magkaroon ng isang company. And I guess, ito lang talaga ang passion ko lols.

Gusto ko lang kaseng magkaroon ng company dahil I know, I'm good at desicion makings.

Err. Sa physical naman, medyo maganda naman ako. Be humble lang dapat tayo.

Okay, back to the earth, makikilala niyo din naman ako sa kalaunan. So as I said, nasa room ako ngayon at nagdidiscuss ang Prof namin. Nakikinig ako, okay? Ako lang naman ata ang nakikinig. Bakit? Halos natutulog na mga classmate ko.

Hindi ko rin sila masisisi. Nakakaantok naman kasi talaga magturo itong guro na ito.

Para ngang okay lang sa kanya ang nangyayari ngayon. Basta makapagturo. Ayos iyan sir.

Pero ako, gusto ko talagang matuto.

"Okay, see you tomorrow."

Totoo ba itong nakita ko? Ang mga ka-classmate ko lang naman, nagsiliwanag ang mga mukha. Wth?! At kinoconsider ito ng gurong ito basta siya ay nagtuturo?

Pumunta na lang ako sa cafeteria dito. So ayun nga isang linggo nakong nag aaral dito at hindi pa rin ako masanay sanay. Fvck. Andaming naglalandian. Pwede ba PDA dito? Diba against to sa rule?

Mga naglalandian naman kase dito, di man lang pumili ng mas pribadong lugar. Mga haliparot.

Umorder na lang ako ng isang pineapple juice, sandwich, tsaka yung spagetti. Gutom lang po sorry na agad.

"Uy Pringles, kumusta? Dito ka pala nag-aaral? Nice to see you friend," si Dancy Sengnado, na mahilig kumanta.

As if I know, may pairap yang kasama, wala e, plastic. Letse eto na naman po tayo.

I sound sarcastic, "Hey, kumusta ka din? Nice to see you. Friend. I'll go first." And then, I left her.

Akala ko naman ngayong college nako magkakaroon nako ng mga tunay na kaibigan. Pero siya pa rin? Lumalapit lang naman iyon para makakopya sa mga asignatura namin noon. Lintik lang nakakasawa na kaplastikan non. Haliparot din pala ang isang yon. Mangaagaw ng boyfriend nung kaklase ko nung fourth year kami.

By the way, gusto ko na ng totoong atmosphere. Hindi iyong kaplastikan lamang. HAHAHA. Ang sama ko na.

Timecheck: 11:30 am

Luh baka malate nako nito. Agad agad kong tinakbo yung hallway makapunta lang sa next subject ko. Kainis. Ke monday monday ang malas ko.

Nakadating nako sa room. At buti may swerte pa naman pala ako kahit papaano. May kinakausap iyong ma'am namin sa labas. Wohooooo!

What a day.

Dumating na si Ma'am at may kasama siyang lalaki, hehe. Malandi na ba ako nito kung sasabihin kong na-love at first sight ako?

Eh, gwapo kaya. O ako lang ang nagagwapuhan? Baka siguro ako lang, yung nga kaklase kong haliparot parang wala namang interes, so baka ako lang. Yeeyyy! Ayos iyon wala akong kaagaw haha.

"Good morning, class. Siguro naman alam niyo na kung bakit ako may kasamahang student dito. And yes, you're right. Transferee siya." ani teacher.

"Hi, ako si Danielle Montenegro. Nice to meet y'all." Nice name. Mestizo. Singkit. Ang cute niya pag ngumiti hehe.

At umupo na siya. Umupo na, sa right chair ko. Destiny na ba itooooo?!

---

Matalino & Bobo At The Same TimeWhere stories live. Discover now