IKATLONG KABANATA

6 0 0
                                        

Queencuequotes :) always shine

********************************************************

"Eunice este nice pala!gising kana marami pa tayong pupuntahan at marami pa akong ipakikilala sa iyo"ika ng isang boses na hindi ko alam kung sino  
Si rose pala ang gumising sa akin,hayy.tinatali niya ang mga kurtina at binuksan ang binata na naging dahilan kaya pumasok ang sinag ng araw.

"A-ahhhhhh"pag inat ko ang aga aga pa kaya para gumala paniguradong tulog pa ang mga tao dito.tsaka ano bang gagalaan dito?walang mall! Walang bar! Walang foot spa! Wala kahit sm manlang ayshh.

"Mag tooth brush ka na at pumunta kana sa kitchen nakahanda na doon ang breakfast mo dali na,umalis sila lola may pinuntahan"ika pa niya hay nako,kakaiba nga ang buhay sa probinsya at sa maynila

"Ha?saan daw po sila pupunta?"tanong ko

"Basta kumain ka na!halika na dali na"di manlang sinagot yung tanong ko hayshh.

"Oo na nga tooth brush lang ako"sabi ko at bumangon na papuntang toilet ang aga aga pa eh.

Pagkatapos kong mag tooth brush ay bumaba na ako,muntik pa akong madapa sa hagdan buti na lang andon si kuya mark na sa tingin ko eh 40's na.

"Ayy,pasensya na po,inaantok pa po ako ehh"sabi ko sabay ngiti,nakakahiya naman kay kuya.

"Mag iingat ka nene ha?"sabi niya sa akin what the?nene?tingin niya sakin bata?

"Ah opo salamat po"hayshh hindi ko na lang pinatulan at bumaba na lang,pagpunta ko sa kitchen ay may mga nakahanda ng pagkain,gaya ng tuyo nanaman?what the f?

Hotdog?ommelete?itlog at mga gulay?no no no no.tapos sinangag...

"ahh!yan kasi ang pinahanda ni lolo ernest para sayo ehh"ika ni rose na ngayon ay nakatingin sa akin,tumagilid ang muka ko at tumango tango

"Ah ehh hindi ko naman po mauubos itong lahat ehh"ika ko kay ate rose shocks

"wag kang mag aalala kasabay mo naman kami ehh"ika pa niya...tumango na lang ako at umupo na kasabay ulit sila

Habang kumakain ay binasag ni kuya mark ang katahimikan

"Ayy  ano nga pala ang buhay sa maynila nene?"tanong niya nene nanaman.binatukan naman ni ate tin si kuya mark kaya napatawa tuloy kami

"Aray ko naman?"ika ni kuya mark na ngayon ay hinahaplos ang kaniyang ulo

"Bakit ka naman mag tatanong sa bata ng ganon"ika niya hahaha,bagay sila.seryoso

"Wala,malay mo pag nag ka anak tayo doon na tayo tumira hahaha"pang aasar niya kay ate tin kaya naman nag tawanan kaming lahat umirap lang si ate tin kahit halata namang kinikilig ito..

"Hahaha,eh dito ano bang buhay ang meron  dito?"tanong ko sa kanila

"Simple,tahimik, at bawat isa ay pantay pantay"ika naman ni ate marie,si manang feh ay wala ngayon eh kasama daw nila lola

Kaya apat na babae lang ang na dito at tatlong lalaki.napa tango tango naman ako

"Kuya sam bakit naman ang tahimik mo,hindi ko pa naririnig ang boses mo"ika ko sa isang lalaki na sa tingin ko ehh mga 30's na.

"May LQ kasi ehh"ika naman ni ate tin

"LQ?sino ang ka LQ?"tanong ko sa kanila napatingin ako sa kanila at nag tinginan sila nang mapatingin ako kay ate mari ay umiwas siya ng tingin sa akin,ayy alam ko na.tsk! Langya pati ba naman dito

"Bakit hindi mo tikman ang tuyo?"tanong ni kuya sam sa akin

"T-tuyo?"nag aalinlangan kong tanong sa buong buhay ko hindi pa ako nakakakain ng tuyo oh my?tsk! Sila kaya kumain ng pagka alat alat na tuyo.

REINCARNATE Where stories live. Discover now