Chapter 1

758 11 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a Fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Olivia's POV

"Ang sipag mo talaga, Via."

Napatingin ako sa kaibigan kong si Tin, Teacher din dito sa Brixton University.

"Ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko and besides teaching is really my passion kaya nag-eenjoy talaga ako." Inayos ko na ang mesa ko habang nakangiti.

"Sabagay. Ay! girl ang gwapo ng mga estudyante mo lalo na si De Guilano. Gosh! ang hot niya."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ba niya alam na bawal magkagusto ang isang guro sa kanyang estudyante. Pwedeng makulong at mawalan ng lisensiya ang isang guro.

"Mahiya ka nga ang bata pa ni Nick para pagnasaan mo."

"Ang yummy niya eh." Inirapan ko na lang siya na ikinatawa niya.

"Ewan ko sa'yo! ang landi mo, estudyante kaya yun ikaw talaga."

Ngumuso lang siya at umirap sa akin. May kumatok napatingin kami sa labas.

"Hi!" Isang matikas na lalaki ang nakatayo sa bungad ng nakabukas na pintuan

Si Lucas, anak nang may-ari ng Brixton.

"Good morning, Sir Lucas!" Sabay naming sambit ni Tin.

"Good morning din! Lalo na sa'yo, Via."

Tipid akong ngumiti. Ayoko sa presensiya niya mabait naman siya pero parang may bad vibes sa kanya at yun ang naramdaman ko parang 'di ligtas sa kanya, I don't want to be judgemental pero yun talaga nararamdaman ko sa kanya pero kailangan ko siyang pakisamahan kasi anak siya ng may-ari.

"Para sa'yo nga pala."

Binigyan niya ako ng bulaklak. Napapangiwi ako sa kaloob-looban ko.

"Sorry, Sir! May allergy po ako sa bulaklak."

Syempre wala akong allergy alibi ko lang yun para hindi niya na ako bigyan. Ayoko tumanggap ng mga materyales na bagay lalo pa at galing sa kanya.

"Ganun ba? Sorry! hindi ko alam." Napakamot pa ito sa batok niya at ngumiti sa akin.

"Ok lang po, Sir." Tipid na lang din akong ngumiti.

"By the way, I want to invite you for a date later if you're not busy."

"Busy akong tao, Sir Lucas
Marami akong ginagawa." Hindi ba niya nararamdaman na uncomfortable na ako sa kanya?

"Ganun ba? Next time siguro hindi ka na busy baka pwede na kitang imbitahan."

"Sure sir!" Napangiti naman siya sa sinabi ko. Mabait siyang tingnan mula sa ayos niyang pang-good boy. Sky blue na long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at black slacks, dagdag pa ung clean-cut niyang gupit. Such a good boy pero wala akong tiwala sa ganyang pormahan niya gaya nga ng kasabihan na 'looks can be deceiving'.

"That's good! mauna na ako may lakad pa ako."

"Sige, ingat!"

Ngumiti lang siya at umalis na. Napabuntong hininga ako ng makaalis na siya saka naman ako niyugyog sa balikat ni Tin.

"Taray mo, girl! Si Sir Lucas nagkagusto sa'yo!"

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at inirapan siya.

"Ayoko sa kanya!"

"Ay choosy!"

"Mabait naman siya pero parang may tinatago siya eh kaya ayaw ko."

"Hay naku girl, grab the chance na para um-oo kay Sir Lucas ang swerte mo kaya sa kanya." Bumuntong hininga ako.

"Basta ayoko." Period. No erase.

"Ikaw bahala." kumibit balikat siya at lumipat na sa pwesto niya. Salamat naman at nang makapag-trabaho na ako ng maayos.

I'm Olivia Lyanna Vergara, bago lang akong teacher dito sa Brixton University. I'm 25 years old, sa kabutihang palad! Ako'y nakapasok bilang guro dito sa isang prestigious university ng pilipinas, kilala ang Brixton University sa pilipinas mayayaman ba naman ang nag-aaral mababait din ang mga estudyante dito. Isa lang talaga ang pasaway, si Nicholas Alfonso De Guilano III, estudyante ko siya laging nasasabak sa away at sobrang pilyo saka playboy naalala ko pang nakita ko siya sa CR ng mga Babae na may kamake-out. Sikat din siya sa detention. Sobrang sakit niya sa ulo.

"Ma'am!"

Napatingin ako sa nagsalita speaking of the naughty boy.

"Bakit, Mr. De Guilano?" Malamig kong tanong sa kanya.

Napataas ako ng kilay nang makita siyang walang damit pan-itaas at pawisan gulong gulo din ang buhok. Literal na badboy talaga si Nick, palaging magulo ang suot na damit ganun din ang buhok niya at laging nakikipag-basag ulo.

"Pwede mo bang suotin ang damit mo, De Guilano!? You're being inappropriate here." Striktang suway ko sa kanya.

Ngumisi lang ang gago sa sinabi ko. What do I expect? Wala namang pinakikinggan yan.

"Yiieeh! Natetense si Ma'am Lyanna sa abs ko." Ilang beses ko na sinabi sa kanya na wag akong tawaging Lyanna pero ganun pa rin ang tawag sa akin.

Jusmiyong bata ito, narinig ko ang mahinang tawa ni Tin. I remained my stoic expression para malaman niya na hindi ako madadaan sa mga banat niya.

"Magsuot ka o pupunta ka ulit sa Detention!" Pagbabanta ko sa kanya. Napakamot ito sa batok.

"Si Ma'am naman hindi na mabiro."

Sinuot niya ang polo niya hindi maitatangging sobrang gwapo niya at maappeal sa edad niyang dise nuebe sobrang mature na ng pangangatawan niya nevermind sa ugali at ang taas pa pero nevermind sa pag-iisip.

"Ma'am, titigan niyo lang ba ako?" Tanong nito sa akin saka ngumiti ng nakakaloko.

Napaiwas ako ng tingin.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Uwian niyo na ah."

"Kukunin ko lang po sana ang phone ko na kinuha mo kahapon." umupo siya sa upuan na nakalagay sa harap ng mesa ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi ko one week confiscated 'tong phone mo di'ba? One day pa lang, De Guilano."

"Eh Ma'am! sorry na po talaga hindi na po talaga ako gagamit ng phone habang nagtuturo kayo."

"Next week, De Guilano!"

Napakamot siya sa batok niya. Bakit ang hot ng batang ito? Umiling ako. Ano ba itong pinag-iisip ko?

"Sige na nga po."

Naawa naman ako ng malungkot siyang tumayo. Aalis na sana siya ng magsalita ako.

"Just don't use your phone during class hours next time. Understand?"

Ngumiti siya at tumango saka lumapit sa mesa ko. Binuksan ko ang drawer sa mesa ko at binigay sa kanya ang phone niya. sobrang saya niya.

"Salamat po, Ma'am! promise po magiging mabait na po ako."

"Dapat lang kasi sa susunod 'di ko na yan ibabalik." Humalukipkip ako habang nakatitig sa kanyang masayang tinitipa ang phone niya.

"Opo, Ma'am! sige po."

"Sige. Ingat ka sa pag-uwi."

Lumabas na siya at napabuntong hininga ako. Sana nga maging mabait na siya sa klase at ayusin na niya ang pag-aaral niya.

Lessons And Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon