Chapter 4

249 8 0
                                    

Nicholas's POV

"Miss, iniiwasan niyo ba ako?" Tanong ko kay Miss Lyanna.

Nasa office siya at pinuntahan ko siya kanina pa niya ako iniiwasan mahal ko si Miss Lyanna aminado ako dun at hindi ko na mapipigilan ito.

Inis na hinarap niya ako. "Nick, lubayan mo na ako."

"Bakit? May nagawa ba ako?" Nagsimula lang ito noong hinatid ko siya nung gabing yun at simula nun ay iniiwasan na niya ako.

"Nick, wala for godsake! I'm your teacher and you're my student. Sa tingin mo, ano'ng iisipin nila pag nakita nila tayong laging nag-sasama. Hindi mo ba naisip yun ha?!" Umiling ako saka lumapit pa lalo sa kanya.

"Wala namang malisya ito eh at ano namang pakialam natin sa sasabihin ng iba." malambing ang boses na sambit ko pero umiwas lang siya sa tangka kong paghawak sa kanya.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?! Please lang lubayan mo na ako." Umiling ako.

"Hindi!" Pagmamatigas ko.

Nasapo niya ang noo sa inis dahil sa sinabi ko.

"Naiinis na ako sa'yo, De Guilano!"

"Bahala na basta hindi kita lulubayan. Wala akong pakialam sa iba." I sigh in frustration saka hinayaan na muna siya.

Lumabas ako ng office niya at nakasalubong ko pa sa hallway si Lucas na nakangisi sa akin.

"Wag ka ng umasa kay Olivia kasi akin siya atsaka you're her student bawal ang ginagawa mo."

Sa inis ko, kinuwelyuhan ko siya at marahas na sinandal sa pader. Nakangiti pa siya sa akin na parang iniinis ako lalo.

"Hindi ko siya susukuan! Kahit ilang beses pa niya akong ipagtabuyan!" Galit na saad ko. I gritted my teeth in annoyance.

"Hahaha! Sa tingin mo papatulan ka niya ha?! Estudyante ka lang at bawal ang gusto mo ilang beses ko ba sasabihin sa'yo yun!"

Sinapak ko siya saktong lumabas sina Miss Lyanna at Miss Christine.

"Nicholas!"

Tinadyakan ko siya pinigilan nila ako. Naiinis ako! F*ck! Nakakuyom ang kamao ko habang nagbabaga ang tingin ko sa gagong nakasalampak sa sahig.

"Nick, tigilan mo na nga yan." Hinila ako ni Miss Lyanna papalayo sa gagong yun.

"Gago siya eh. ang yabang!"

Lumabas din ng office ang principal dahil sa komusyon sa labas.

"De Guilano, What is this? nanapak ka na naman worst anak pa nang may-ari ng Brixton!"

Kinalma ko ang sarili ko at umiwas ng tingin. Pakialam ko kung anak yan ng may-ari bilhin ko itong pesteng university na ito eh! F*ck!

"I want you to suspend him."

Napatingin ako kay Lucas na nakatayo na at galit na tinuro ako. Lampa! Bonjing!

"I will tell this to your father, Sir Lucas."

"That's all I want suspend him now!"

Umalis si Lucas na galit na galit. Pakialam ko sa galit niya eh mas nagagalit ako ngayon frustrated pa ako sh*t.

"Sir, wag niyong isuspend si Nicholas! Baka may nangyari lang at nagalit yung student ko and hindi niyo ho pwedeng i-suspend ang isang estudyante without knowing her or his point of view." Napatingin ako sa kanya na nakikiusap kay Mr. Fajardo. Why are you begging baby? Wala naman akong pakialam sa mga yan.

"Sorry Miss Vergara pero anak na ng may-ari ang sinapak niya. I won't tolerate this."

Kinuyom ko ang kamao ko napatingin sa akin si Miss Lyanna na parang nag-alala sa akin. Sh*t! Kinikilig ako.

"One week suspension, Mr De Guilano." Diin na sambit nito sa akin.

"Ok." Saka ako kumibit balikat. Pakialam ko sa suspension na yan eh one sided naman talaga ang university na ito tss.

Tumalikod na ako at napahilamos sa mukha ko dahil sa gigil.

"Nick."

Humarap ako kay Miss Lyanna dahil hinabol ako nito.

"Bakit, Miss? One week lang naman akong mawawala, babalik agad ako."

"Iwasan mo na kasi pakikipag-away. Ilang beses ko 'bang sasabihin yun sa'yo?" Halata rin na problemado ito dahil sa ginawa ko.

"Siya yung nauna miss atsaka hindi ako papayag na makuha ka niya."

Kumunot ang noo ni Miss Lyanna dahil sa huling sinabi ko.

"At bakit?" Humalukipkip pa ito na siyang ikinaganda niya lalo sa paningin ko. She looks so hot in her outfit d*mn it!

"Kasi wala akong tiwala sa kanya baka ano pa ang gawin nun sa'yo tss." Umiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Mag-ingat ka, Nicholas."

"Opo, Miss! ikaw din."

Niyakap ko siya na ikinabigla niya. Pumikit ako. Gusto ko talaga na ganito siya kalapit sa akin.

"N-nick, what are you doing?" Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya atsaka tipid na ngumiti.

"Isang yakap lang mamimiss kita eh."

"Sige na."

"Ingat ka." Masama ba humiling na gusto ko siyang halikan ngayon? I'm really wishing for that right now.

"Ikaw din."

Umalis na ako. One week tss! one week ko siyang hindi makikita makikibalita ako kina Kurt at Marco kung nilalapitan pa rin siya ni Lucas tss.

Lessons And Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon