Nick's POV
Tinapon ko yung bote ng alak at nagmura f*ck! Mabilis naman akong nilapitan ng mga kaibigan ko.
"Pre! Tama na! Lasing ka na." Umiling ako saka sinabihan ang bartender na bigyan pa ako ng alak.
"Inom pa tayo." Sa paraan na ito lang mawawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kahit labag sa loob ng bartender ay binigyan niya pa rin ako ng alak dahil naglapag ako ng ilang libo sa counter, kinuka ko yung alak at liyong liyo na ako pero di kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ko.
Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? Akala ko ba tanggap na niya ako? Akala ko ba mahal niya ako? Sa inis ko ay sinipa ko yung upuan tangina!
"Nick!"
Lumingon ako. Bakit siya nandito?
"Wew!" Sabay pa nilang sinabi yun tss.
Sinamaan ko sila ng tingin.
"What are you doing here, Clary? I thought nasa states ka ngayon?" Malamig ang boses na saad ko sa kanya.
"I came back here for you, Nick."
"Tss!"
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa balikat pero mabilis kong tinabig ang kamay niya.
"How are you?"
Hindi ko siya sinagot at uminom lang ng alak.
"Are you still in love with me?" The heck! Mukha bang mahal ko pa rin siya! Yung totoong mahal ko, ayun pinagtatabuyan ako.
Hinaplos niya ang pisngi ko.
"No!" Saad ko saka tinabig ko muli ang kamay niya.
"What?! Are you serious, Nick?"
"Yes. I'm done with you Clary I'm in love with someone else now." And she hurts me so bad.
"No! That's not true!" Bakas ang galit sa boses nito.
"Accept it."
"Who's that girl, Nick? I'm gonna ask Tita."
"Wag mo na akong pakialaman lalo na yung babaeng mahal ko kasi, kahit ano'ng gawin mo ay siya lang ang mamahalin ko."
"But-"
"Just don't meddle with my problem." Malungkot siyang tumango pero hindi ko na siya pinansin.
"I'm here now, Nick."
"I don't care."
Tumayo ako at lumabas ng bar nawala ang hilo ko nang dumating si Clary tss.
"Nick, wait for me!" Hinabol niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa.
Kinuha ko ang susi ng kotse sa bulsa ko at pinatunog yung alarm. Lumapit agad ako sa kotse ko at bago pa man ako makapasok sa kotse ko ay sinandal na ako ni Clary sa kotse at hinalikan ako sa labi. Tangina!
"Oh my-"
Napadilat ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita si Lyanna na kasama sina Miss Tin at si Xavier. Sh*t! Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at mabilis kong tinulak si Clary.
Halatang nasaktan din si Lyanna pero nang makita niyang nakatitig ako sa kanya ay bumalik ang bangis sa mukha niya.
"L-lyanna, this is not what you think, she kiss-" Hindi niya man lang ako pinatapos sa pagsasalita.
Tumalikod na sila sa akin at agad na lumakad papuntang bar.
"Wait! Let me explain!" Hinabol ko siya.
Nawala na talaga ang kalasingan ko dahil gusto kong magpaliwanag sa kanya na si Clary yung humalik sa akin at hindi ko ginusto yun.
Mabilis ko siyang naabutan at agad kong hinawakan ang kamay niya at pinaharap siya sa akin.
"Ma'am, let me explain please yung nakita mo I'm not the one who initiate the kiss." Hingal na hingal ako at nakita ko ang mga kaibigan ko na lumapit na rin sa amin and even Clary.
Humarap siya sa akin at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"Wala ka ng dapat ipaliwanag pa." Lumiwanag ang ekspresyon ko sa mukha dahil sa sinabi niya.
"Kasi kahit ano pa ang gawin mo ay wala na akong pakialam. Mabuti pa nga yan at ibaling mo na lang sa kanya sng tingin mo."
Para akong sinaksak sa sinabi niya at mas lalo niyang dinurog ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. F*ck! Ang sakit.
"L-lyanna, wag ka naman magsalita ng ganyan oh." Sumamo ko sa kanya pero sa tuwing tatangkain ko na hawakan siya ay lumalayo siya sa akin.
Naramdaman kong nag-iinit ang gilid ng dalawang mata ko. F*ck! I need her and I only want her. Ayoko sa iba, siya lang, siya lang ang kailangan ko.
"Nick, please tama na 'to. Hindi mo ba nakikita ang gulong nagawa ng pag-iibigan natin? Maaring mawala ang lisensiya ko bilang guro Nick kaya please lang tigilan mo na ako." Paano ako? Paano yung pagmamahalan nating dalawa?
Umiling ako at pumikit.
"H-hindi ko kaya, Lyanna." Sinubukan akong ilayo ng mga kaibigan ko pero tinulak ko sila at muli akong humarap kay Lyanna.
Umiyak na ako sa harap niya at sobrang sakit ng nararamdaman ko para akong pinapatay.
"N-nick." Lumuhod ako sa harap niya.
"Oh My God! Nick, stand up!" Rinig kong sigaw ni Clary.
"I can't live without you, Lyanna." Hindi ko kaya. Ayokong sumuko siya sa akin kasi masisira ang buhay ko pag nagkataon.
"Sh*t! Nick, get up!"
Pinatayo ako ni Clary pero hindi ako natinag at nanatili akong nakaluhod sa harap niya atsaka ko niyakap ang binti niya.
"Nick, tumayo ka diyan please. Kailangan mong tanggapin na Hindi tayo pwede." Umiling ako at umiyak lang ako habang nakayakap sa binti niya.
"N-no! Ikamamatay ko pag nawala ka sa akin kaya hindi ako susuko sa'yo. Kung ayaw mong lumaban please hayaan mong ako ang lumaban pa sa ating dalawa. Wag mo na akong ipagtabuyan oh." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Olivia's POV
Ginamot ko ang pasa sa pisngi niya at nandito na kami sa bahay ko ngayon matapos ang eksena sa bar.
"Lyanna, salamat." Hinawakan niya ang kamay ko saka nilagay sa pisngi niya.
"Nahihirapan na din ako sa ginagawa kong pagtataboy sayo at ako rin ang nasasaktan."
Dinampian niya ng halik ang likod ng palad ko.
"Pangako hindi ako susuko sa relasyon natin. Ipaglalaban kita hanggang kamatayan." Pangako ko sa kanya.
"Nick, wag mong ibuhos lahat sa akin ang pagmamahal mo at magtira ka para sa sarili mo."
Tumango siya at umayos ng upo saka niyakap niya ako.
Nang makita kong umiiyak siya kanina at lumuhod sa harapan ko ay hindi ko na siya natiis at pinatayo ko na siya at niyakap.
"Dito muna ako matutulog. Ayokong umuwi sa bahay." Nagtatampo siya sa Ina niya dahil nasabi ko na rin sa kanya ang mga sinabi ng Ina niya sa akin.
Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa panghuhusga ng mga taong makikitid ang pag-iisip. Mahal ko si Nick at siya ang importante sa akin ngayon.
