Olivia's POV
Ano ba ang pumasok sa isip ko at nagpatangay ako sa init na nararamdaman ko. Paano kung mabuntis ako? Nakakahiya! Ikakahiya ako ni Tatay pag nangyari yun, ako yung matanda at naturingan na guro pero naging bobo ako. Ang tanga tanga ko, malaking problema ito pag nagkataon.
"Mukhang problemado ka te ah."
"Wala. Masama lang talaga pakiramdam ko ngayon." Hindi ko na sinabi sa kanya yung nangyari sa aming dalawa ni Nick.
"Eh bakit pumasok ka pa?"
Wala silang alam sa nangyari kahapon natakot si Lucas sa banta ko sinabihan ko siya na kung 'di pa niya ako titigilan kakasuhan ko na siya lalo pa't may witness sa pagdukot at tangka niyang pag-gahasa sa akin ayun umalis siya ng bansa kanina. Ayoko na ng gulo malaking tao ang babanggain ko kung sakali. Alam naman natin kung paano tumakbo ang hustisya sa pilipinas di'ba? Because of power and money.
"Nakapagtataka lang bakit bigla ang pag-alis ni Sir Lucas."
"Baka may family problem." Ayoko ng lumaki pa ang problema.
"Baka nga."
"Mauna na ako, Tin."
"Sige. Ingat ka."
Kinuha ko ang gamit ko at naglakad papunta sa classroom nila.
"Hi, class." Nadatnan ko na magbibiruan sila pero nang makita ako ay umayos na sila.
"Good morning, Miss Olivia."
Ngumiti ako. Aba! absent ata siya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya. Kumindat pa siya sa akin bago pumunta sa desk niya nakakainis bakit ba kumakabog puso ko sa mga simpleng gestures niya.
Nicholas's POV
Nakangiti ako habang nakatitig sa kanya ang ganda niya talaga lalo akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kagabi may nangyari sa amin kagabi. Tangina! Gusto kong magtatalon sa saya kung sakaling may mabuo man pananagutan ko siya. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki pag nangyari yun ipaglalaban ko siya sa lahat ng hahadlang sa amin.
Natapos na ang klase inaayos niya ang gamit niya at lumabas ng classroom namin naging alerto naman ako at hinabol siya 'di niya na naman ako pinapansin.
"Miss."
Hindi niya ako pinansin pero hinabol ko pa rin siya. Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi iiwasan niya agad ako.
"Miss Lyanna."
Huminto siya. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya.
"Miss, galit ho ba kayo? May nagawa ba ako?"
"Hindi at wala. Wag mo na akong sundan pa." malamig nitong sambit.
"Miss, yung nangyari-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Kalimutan mo na yun nadala lang tayo sa init kaya nangyari yun." Kinuyom ko ang kamao ko at umigting ang panga ko sa narinig.
"Pero-"
"Kung may mabuo man wag kang mag-alala aalagaan ko siya." Umiling ako at hinawakan siya sa braso. Naging balisa naman ito at luminga sa paligid.
"At kilalanin niya akong ama niya, Miss. Mahal kita at handa akong ipaglaban ka kahit kanino." naiinis ako. Alam ko importante sa kanya ang propesyon niya pero wag niya naman akong ipagtabuyan na parang may malala akong sakit. Nasasaktan ako!
Mas lalo pa akong lumapit sa kanya buti na lang uwian na walang masyadong nakakapansin sa amin.
"Please, Nick! Tigilan mo na ako." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Kumurap ako saka malungkot na tumitig sa kanya.
"Hindi Miss! ramdam ko gusto niyo rin ako." I'm desperate for her affection and attention. D*mn it! I love her so much!
"Hindi! mahal ko ang propesyon ko at ayokong mawala ito ng dahil lang sa pagmamahal, Nick." Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Mahal kita please, Miss!" Nagsusumamo kong saad saka sinubukan siyang hawakan ulit pero hindi niya na ako hinayaan na mahawakan siya.
"Lubayan mo na ako."
Umiling ako. Tinalikuran niya ako malungkot akong napatingin sa kanya habang papalayo siya sa akin.
~
"Wala talaga pre kalimutan mo na lang teacher mo marami namang babae diyan atsaka maraming babaeng nanghahabol sa'yo."
Ininom ko ang alak bago sumagot.
"Walang makaka-pantay sa kanya sa puso ko at iba siya sa mga babaeng nakarelasyon ko. She needs love, respect and attention. I can give it to her pero wala siyang ibang ginawa kundi ang itaboy ako."
"Iba ka talaga mainlove pero may point din naman si Miss Olivia kasi teacher mo siya at gugulo lang pag pinilit mo ang gusto mo."
"Ganun ako eh pag mahal ko ipaglalaban ko. Mahal ko siya." Saka ako napapikit at malungkot na yumuko.
"Ikaw na, pre."
Hindi na ako sumagot at uminom lang.
"Pre, si Ma'am Olivia oh at may kasamang lalaki."
Napatingin ako sa sinabi niya si Lyanna nga at may kasamang lalaki napatayo ako.
"Wag kang manapak agad, pre." Sinubukan nila akong pigilan pero hindi nila ako napigilan.
Hindi ko siya pinansin nilapitan ko si Lyanna at nabigla siya nang makita ako.
"De Guilano." Malamig ang boses na sambit nito. Nakita kong bumulong ang lalaki sa kanya at pumunta sa counter. I'm calming myself but I can't control my jealousy.
"Bakit nandito ka sa bar? Sino yung kasama mo? Guro ka di'ba?" Halatang nagulat siya sa pag-outburst ko.
"May problema ba? Gusto ko lang mag-unwind minsan."
"Kelangan ba talaga may kasama kang lalaki?" Halatang frustrated ito sa inasal ko pero hindi niya ako masisi kasi nagseselos ako f*ck!
"Kaibigan ko lang si Xavier!" Pagta-tanggol pa nito sa lalaking yun.
"Una, si Lucas tapos si Xavier pagkatapos sino na naman? Guro ka pa naman pero may tinatago ka namang kalandian sa katawan."
Hindi ko inaasahan ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko at dun ako nagising. Tangna! Bakit ko ba nasabi yun? Ang gago ko at huli na ang lahat para mabawi ko pa yung sinabi ko. F*ck! What did I say?
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan!" F*ck! Halata sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko.
Puno ng sakit na sambit niya sa akin.
"Bes, ok ka lang?"
Dun ko napansin ang kasama niyang mas babae pa gumalaw sa kanya. Napahilamos ako sa mukha ko at problemado na lumapit sa kanya.
"Wala, xav! Tara sa iba na lang tayo pumunta." Sinamaan niya muna ako ng tingin bago ako tinalikuran.
"S-sorry!" Paghingi ko ng tawad.
"Ay teh ang gwapo."
Bakla ang kasama niya. ang gago ko! Hindi muna ako nagtanong nagpadala ako sa selos ko. Imbes na makipag-ayos sa kanya ay mas lalo pa atang lalala ang sitwasyon namin dahil sa mga nasabi ko.
"Tara na, xav." Malamig na ang boses na sambit niya agad namang lumapit sa kanya yung bakla niyang kaibigan.
"Bye, pogi."
Umalis na sila. Nakuyom ko ang kamao ko sa galit, galit sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/165310505-288-k709483.jpg)