Olivia's POV
"Lester, diyan na lang." Nakangiti kong saad kay Lester na bitbit ang mga gamit ko ngayon.
Nilapag niya sa mesa ang mga gamit ko at parang may gustong itanong pero parang may pumipigil sa kanya. "Go on, Lester. What is it?"
"Ma'am, may relasyon ba kayo ni De Guilano?"
Nabigla ako.
"Kalat na kasi sa buong Brixton, Ma'am?" Marami siguro ang nakarinig nung pag-uusap namin ng mama ni Nick at may nagpakalat.
Nasapo ko ang noo ko dahil sa narinig. This is a problem. A big problem.
"Totoo ba, Ma'am?" Bumuntong hininga ako.
"Lester, hindi kita masasagot."
"Ah ok po Ma'am nandito lang po ako pag may problema kayo."
Ngumiti ako kay Lester. Huminga ako ng malalim I need to face this. This is the consequences of my actions pero hindi ko pagsisihan na mahal ko si Nick at patuloy ko siyang mamahalin kahit pa lumayo man ako sa kanya.
"Salamat."
Lumabas na siya. Dali daling lumapit sa akin si Tin pagkalabas ni Lester.
"Girl, tama ba?" Mukhang pati siya ay nalaman na ung issue ko. Gossip tss.
"Tin, pati ba naman ikaw?"
"Kalat na kaya."
"Hindi yun totoo." Alam ko hinuhusgahan na ako ng iba ngayon pero wala akong pakialam sa kanila.
"Ano'ng hindi! Kalat din yung pag-uusap niyo kahapon ni Mrs. De Guilano sa hallway. Marami ang nakakita." Alam ko yun.
"Wala yun ok? Kinausap niya lang about sa pag-aaral ni Nick."
"Hay naku." Magsasalita na sana ako nung biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kami ni Tin sa pumasok.
Pumasok si Nick sa office at nang makita niya ako ay agad sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya.
"Good morning!" Nakangiti pa ito at tuluyan ng lumapit sa amin.
"Ma'am, tara na sa room."
Kukunin na niya sana ang mga gamit ko at pipigilan ko pa lang sana siya nung may pumasok na naman and this time, si Lester na ang pumasok. Bumalik siya.
"Ako ang sasama kay Ma'am, Nick." Biglang sabat nito dahilan para samaan siya ng tingin ni Nick.
Seryoso din na nakatingin sa kanya si Lester pero yung kamao ni Nick ay nakakuyom na kaya kinakabahan ako sa maaring mangyari.
Huminga ako ng malalim kasi marami na ang nakakapansin sa unti-unting pagbuo ng tensyon sa pagitan namin.
"Ano'ng sinabi mo?" Pipigilan ko pa lang sana siya pero mabilis na siyang nakalapit kay Lester at kinuwelyuhan ni Nick si Lester. God!
Nagkagulo sa office namin. Kahit yung ibang kasama naming guro ay pinigilan na rin si Nick at nilayo siya kay Lester na namumutla dahil sa ginawa ni Nick.
"Nick!" Sigaw ko nung nakawala siya sa pagkakahawak ng mga guro dito at talagang desidido siyang sapakin si Lester.
Inawat ko na siya nung sasapakin na niya sana si Lester.
"Ay, taray naman."
Inirapan ko si Tin eto na nga ang nangyayari nagawa pang mang-asar eh.
Nilayo ko si Lester kay Nick . Gulong-gulo ang mukha niya sa ginawa ko at mababakas ang sakit sa mukha nito.
