Chapter 9

192 8 0
                                        

Olivia's POV

Madilim ang mukha niya habang nasa loob kami ng sasakyan. The same car na ginamit niya nung gabing may nangyari sa aming dalawa.

"Hindi na importante yun, Nick. Hindi ko na siya mahal."

"Pero hindi mo sinabi sa akin."

"Kasi wala ng halaga yun."

"Paano kung bumalik siya?" Naiinis niyang tanong.

"Eh ano naman? Wala na akong pakialam sa kanya. Ikaw na ang mahal ko."

"Pakiulit nga, Ma'am." may bahid ng kasiyahan ang boses niya. Kita mo 'to ang bilis magbago ng mood.

"Ang alin?"

"Yung huling sinabi niyo."

Ang bilis magpalit nang mood ng lalaking ito kanina galit ngayon abot tenga ang ngiti.

"Ikaw na ang mahal ko."

"Ikaw din ang mahal ko."

Ang aga pa bumanat na siya.

"Tara na nga sa classroom may makakita sa atin dito eh."

"Tara na, ma'am." Lumabas na kami ng kotse.

Bitibit niya ang libro ko at sabay kaming naglakad papasok ng room.

Umupo na siya sa silya niya pagkalapag niya ng gamit ko sa mesa. Abot tenga ang ngiti ng mokong.

"Mukhang good mood si Nick ah."

"Oo nga. halatang masaya."

Kung alam niyo lang.
Pinasa na nila ang mga test paper nila.

"Ma'am Olivia, pwedeng ka po bang maging ninang ng pamangkin ko?"

"Lester, pag-iisipan ko." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sige, ma'am." Ngumiti ito.

Tiningnan ko si Nick iba ang tingin ng loko parang sasapakin niya si Lester.

Napapangiti na lang tuloy ako napakaseloso niya talaga.

"Okay class pay attention I just want to remind all of you about the upcoming retreat in Baguio."

Mataman silang nakikinig.

"Next week na yun at gusto kong maghanda na kayo. Ok ba yun?"

"Yes, Ma'am!" Sabay nilang sambit maliban sa isa na masama pa rin ang tingin kay Lester. Napailing na lang ako.

"Good."

Nagbigay ako ng exam.

Nick's POV

Sarap sapakin ng Lester na yun papansin masyado tss, akin lang si Lyanna.

"Ma'am, wag ka nga makipag-usap sa Lester na yun."

Nakasimangot pa rin ako ngayon.

"Ikaw talaga ang seloso mo." Kinurot pa niya ang pisngi ko.

"Mahal kita eh tss. Gusto ko sa akin lang ang atensyon mo."

"Oo na." Napatingin ako sa mukha niya at nakita kong nakangiti na ito ngayon. Tuwang-tuwa siya pag nagseselos ako.

Ngumiti ako luminga ako nasa office niya kami ngayon,  agad akong umupo sa swivel chair niya at hinapit ang bewang niya atsaka pinaupo sa kandungan ko.

"Nick!" Gulat niyang turan.

Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko gusto kong matawa.

"I love your scent."

Tinampal niya ang kamay ko. Natawa ako saka sumandal.

"Baka may makakita sa atin dito."

"Aish! Hayaan mo sila Ma'am nagmamahalan lang naman tayo."

"Ikaw masyado kang agresibo."

"Ano'ng magagawa ko? nagmamahal lang."

Dinampian ko ng halik ang pisngi niya.

"I love you, Miss Lyanna." Madamdamin kong pahayag. I'm the only one whose calling her Lyanna. Bagay sa personality niya ang pangalan niya, fierce. Especially in her professor mode.

Naramdaman kong napapitlag siya sa ginawa ko. Bumaba ang labi ko sa leeg niya saka hinawakan ang bewang niya.

"Sobrang mahal kita na kaya kong bumali ng utos para lang makasama ka habang buhay. Kaya kong iwan ang lahat para sa'yo." Nasabi ko habang hinalikan ang leeg niya habang ang malikot kong kamay ay nasa loob na ng blouse niya.

Tinagilid niya ang leeg niya para hayaan akong halikan siya sa leeg.

"Easy, badboy."

Napakamot ako sa batok akala ko hahayaan na niya ako nabatukan pa ako.

"Umuwi na tayo papadilim na."

Tumayo na siya at inayos ang damit.
Tumayo na rin ako kinuha ko ang cap ko sa mesa niya at sinuot.

Kinuha ko ang bag niya at hinawakan ang kamay niya. Nakangiti ako habang naglalakad kami.

"Mahal na Mahal kita, Miss."

"Mahal din kita, pilyo."

Ngumisi ako.

Binitawan ko ang kamay niya nung nasa hallway na kami. Mahirap na baka may makakita at ireport agad sa mabait kong ina. Ayokong mag-hiwalay kami ni Lyanna iniisip ko pa lang yun parang masisiraan na ako ng bait.

Lessons And Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon