Olivia's POV
"Hi, ma'am."
Ngumiti ako kay Nick. Naka-jersey siya may laro sila ngayon lumapit ako sa kanya at ngumiti.
"Good luck, Badboy."
Ngumisi siya. Bakit ang gwapo ng lalaking ito?
"Kiss ko, ma'am?"
Hinampas ko siya sa braso. Natawa naman siya kainis talaga 'to.
"Mamaya na pag tayong dalawa lang."
Luminga ako mahirap na baka may makakita sa amin.
"Mahal kita, Ma'am."
"Mahal din kita."
Abot tenga na ang ngiti ng mokong. Nilibot ko ang paningin ko kung may nakakapansin sa amin Buti naman wala.
"Nick, tawag ka na ni coach." Tawag sa kanya ng kaibigan niya.
"Sige. Ma'am mauuna na ako." Kumindat pa siya sa akin.
"Galingan mo ha."
"Oo naman para sa'yo."
Nag-flying kiss pa siya bago tumalikod at pumunta ng gym
Naglalakad ako sa hallway nang makita ang isang galanteng babae na naglalakad sa likod nito ang tatlong naka-black suit na lalaki may similarities kay Nick ang babae.
Mukha itong masungit at matapobre."You're Teacher Olivia right? You're my son's adviser?" Mababakas ang pagiging dominante sa boses nito. Ina nga ni Nick.
Maraming tao sa paligid at nagbulong bulungan. Agad gumapang ang kaba sa katauhan ko.
"Yes, ma'am." Huminga ako ng malalim.
"At dapat alam mo rin na ang teacher ay nagtuturo sa estudyante niya hindi nakiki-pag-landian"
Binalot na ako ng kaba at takot.
Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya."I am shame of you! You're a teacher but you're an immoral." Napalunok ako sa sakit ng pagsasalita nito.
"M-madame-"
"Shut up! Hindi ko hiningi ang opinyon mo. Leave my son alone at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"
"Hindi ko po magagawa yun."
Suminghap ang mga tao sa paligid. Marami na ang tumitingin sa amin. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya.
"Kung ayaw mong makunan ng lisensiya bilang guro. Tigilan mo na si Alfonso."
"Pero-"
"Ma!"
Lumingon ako si Nick, gulat at pawisan. Tumakbo ito papunta sa amin.
"Ano'ng ginagawa niyo dito?"
"Wala anak kinausap ko lang ang teacher mo." biglang naging maamo ito kay Nick.
Nagtatanong ang mga titig ni Nick. I'm sorry, Nick! Mahal ko ang propesyon ko pinaghirapan ito nina itay at inay. I'm sorry! tinitigan ako ni Nick.
"Ano'ng pinag-usapan niyo?"
"T-tinatanong lang nang mama mo kung ok ang grades mo."
Umiwas ako ng tingin sa mama niya dahil na rin sa tinginan nito na parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.
"Sigurado ka, Lyanna? Yun lang?"
"Oo, tapos na ba ang game niyo?"
"Hindi pa."
"Bakit nandito ka na?"
"Nakaramdam ako ng uneasiness eh kaya pumunta ako dito."
"Bumalik ka na sa laro. Ayos lang ako dito."
"Hindi ako babalik sa laro." Umiling pa ito saka tumabi pa sa akin.
"Please, Nick."
"Ma'am-"
"Sige na."
Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa Gym.
"I want you to leave my son! Umalis ka hindi ka nababagay sa anak ko." Malamig ang boses nito habang sinasabi yun. I feel so weak.
"M-ma'am." Gusto ko mang ipaglaban si Nick ay hindi ko magawa dahil na rin sa sitwasyon ko.
"Wag ka ng magpakita sa anak ko lumayo ka sa ibang paaralan ka magturo. Magkano ang kailangan mo? Million? I can give it to you. Layuan mo lang ang anak ko."
Yumuko ako hindi ko kaya na mawala siya sa akin.
"Opo. Lalayuan ko siya pero hindi niyo ako kailangan bayaran. Wala pong kabayaran ang pagmamahal ko sa anak niyo."
"Leave my son alone! Hindi mo gugustuhin pag nagalit ako!"
Wala na akong magawa mahal ko man siya marami pa rin ang hahadlang. I'm sorry Nick! I'm sorry kung duwag ako.
Umalis na ang Ina niya at kailangan kong layuan si Nick kahit mahal na mahal ko siya.
~
Umiyak ako habang nakatanaw sa bintana ng silid ko. kanina pa nagriring ang cp ko at alam ko na tumatawag siya.
Maya maya pa biglang marahas na bumukas ang pinto att mabilis na pumasok si Nick na hinihingal pa.
"Lyanna!" Lumapit siya sa akin.
Si Nick at malungkot ang mukha niya atsaka naka-jersey pa siya.
"Bakit nandito ka?" Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sa'yo. May ginawa ba si Mama? Ano yung sinabi niya sa'yo?" Tinangka niyang hawakan ako pero hindi ko siya hinayaan.
Hindi ko na siya pinansin pa at tinalikuran ko na siya para hindi niya makita na umiiyak ako.
"Lyanna, humarap ka sa akin." Please! Umalis ka na nahihirapan na ako.
Humarap ako sa kanya at nakita ko siya at nasasaktan ako kasi nasasaktan ko siya ngayon.
"Ano'ng sinabi ni mama sa'yo? Please sabihin mo na oh." Pagmamakaawa niya sa akin.
Umiling ako sa kanya.
"Hindi ako naniniwala. Alam ko may sinabi siya sa'yo."
"Wala nga! Bakit ba ang kulit mo!"
"Lyanna, wag mo akong iwan ha ikamamatay ko yun." Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at parang dun ako kumukuha ng lakas.
Tumitig ako sa mukha niya at hinaplos ang napakagwapo niyang mukha atsaka tipid akong ngumiti at nilapit ang mukha ko sa kanya.
Pumikit ako at hinalikan siya sa labi. I'm sorry Nick. This is our last kiss, my goodbye kiss.