Olivia's POV
"Ano'ng ginagawa mo dito?!" galit kong sambit sa kanya. Pagbukas ko kasi ng pintuan siya agad ang bumungad.
"Lyanna, sorry po nadala lang talaga ako ng selos kaya ko nasabi yun." puno ng pagsisi na sabi niya.
"Umuwi ka na, Nick." Isasara ko na sana ang pinto ngunit hinarang niya ang braso niya.
"Miss, tanggapin niyo lang itong bulaklak aalis na agad ako." Malumanay ang boses na sambit nito.
"Dalhin mo na yan hindi ko kailangan yan." Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita.
"Hindi ako aalis dito, Miss." Matigas niyang sambit. Umiling ako
"Umuwi ka na nga. Ang kulit mo!" Bumuntong hininga siya saka laglag ang balikat na tumalikod.
Wala siyang nagawa kundi ang umalis.
Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Wala siyang karapatan na husgahan agad ako.
"Bes, manliligaw mo?"
Si Xavier, hindi ko lang siya kaibigan pinsan ko pa siya.
"Hindi." Inabala ko ang sarili ko sa pag-ayos ng mga gamit ko.
"Siya si pogi? Yung sinampal mo?"
"Oo."
"Bakit mo sinampal teh ang gwapo kaya."
"Wag na natin siyang pag-usapan pa."
"Bakit teh?" Umupo pa talaga siya sa tabi ko.
"Basta."
"Inlove ka sa kanya, teh?" Boses pang-asar pa nitong tanong.
Napaharap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Sabi ko na hindi niya talaga ako titigilan eh.
"Ano?"
"Kahit ideny mo pa halatang inlove ka sa kanya, girl. Wag ako."
"Bawal, xav." Napatayo ako saka napasuklay sa buhok ko.
"At bakit bawal? Lalaki siya, babae ka. Paano naging bawal yun?" Bumuntong hininga ako saka hinarap siya.
"Estudyante ko siya at guro niya ako." Gulat itong napatakip sa bibig niya.
"What?! Oh My God!"
"Ngayon naintindihan mo na kung bakit bawal."
"But, if you really love him then fight."
"Ayoko Xav natatakot ako."
"Magandang sirain minsan ang bawal kasi walang thrill ang buhay mo kung puro lang saya dapat lalaban kayo."
"Bahala na."
"Sayang gwapo pa naman si pogi."
Pumasok na lang ako sa kwarto ko. Dito nakituloy si Xavier sa bahay ko mukhang pinakiusapan siya ni Tatay na samahan ako dito sina nanay at tatay ay nasa probinsiya.
Nicholas's POV
"Miss!" Pero hindi niya ako pinapansin. Fvck! Ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad niya ako?
"Kita tayo sa camping guys." Nasa kanila ang atensyon niya.
"Excited na ako sa camping." Kayo lang yun tss hangga't hindi kami nagiging okay hindi ako magiging masaya.
"Oo nga."
"Siguradong masaya yun, bonfire tayo dun."
"Oo ba hahaha."
Yun ang narinig kong komento sa paparating na camping.
Pero wala akong pakialam dun ang importante sa akin magkaayos kami ni Lyanna. Dalawang linggo! Ganun katagal niya na akong hindi pinapansin.
