Chapter 3

271 8 0
                                    

Olivia's POV

"Kelan mo kaya ako sasagutin, Via?"

Biglang tanong ni Lucas habang naglalakad kami sa hallway. Sinabayan niya lang ako sa paglakad, ang sama ko naman pag tinulak ko papalayo ang anak ng may-ari nang unibersidad na pinagta-trabahuhan ko.

"Lucas, wala akong panahon sa ganyan. Mas maraming kailangan unahin kesa sa ganyan." walang paliguy-ligoy kong sagot sa kanya.

Napakuyom siya ng kamao dahil sa narinig mula sa akin pero nanatiling kalmado ang ekspresyon sa mukha niya.

"Hindi ako papayag na mawala lahat ng pinaghirapan ko makuha ka lang."

Natakot ako bigla sa kanya parang nawala ang mabait na Lucas at lumabas ang totoo niyang ugali.

"May problema ba dito?" Nabigla ako ng may maangas na nagsalita.

Lumingon kami ni Lucas, si Nick pala at magkasalubong ang kilay niya saka mukhang badtrip itong nakatingin kay Lucas. Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako na dumating siya kasi nakakaramdam na ako ng takot kay Lucas.

"De Guilano, bakit hindi ka pa pumasok ng room." lumakad siya papalapit sa amin habang masama pa rin ang titig kay Lucas.

"Sabay na tayo, Miss" biglang naging maamo ang boses niya ng bumaling sa akin. Nakangiti na rin ito.

"Sige." Parang nakaramdam ako ng katiwasayan ng dumating si Nick.

Save by the Bell si De Guilano parang nakaramdam ako ng relief na nandito siya para ilayo ako kay Lucas.

"Tara na, Miss!"

Kinuha niya ang gamit ko at lumakad na kami. Iniwan namin si Lucas dun.

"May ginawa ba siya sa'yo, Miss?"

"Wala naman."

"Tss! Buti dumating ako." Buti na lang talaga.

"Nick, Iwasan mo 'yang pagiging basagulero mo. Gusto ko na mag-aral ka ng mabuti ha."

"Pero kung sasaktan ka nun papatayin ko siya sa sapak." Parang galit na galit na sambit nito. Gusto ko tuloy matawa pero pinigilan ko.

"Nicholas!" Suway ko sa kanya.

Natawa siya. Hayy naku.

"Joke lang, Miss. Hindi ka na talaga mabiro" napakamot ito sa batok. Napaiwas ako ng tingin kasi nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Parang naging maaliwalas ang paligid ko.

"Puro ka talaga biro."

"Seryoso, Miss, Iwasan mo 'yang Lucas na yan mabait lang yan sa umpisa pero sasaktan ka nun hindi sa emosyonal kundi sa pisikal marami ng nagrereklamo diyan pero dahil mayaman hindi siya nakukulong."

Natakot ako bigla kaya napa-tigil ako sa paglakad. Humarap sa akin si Bryle.

"Kaibigan ni mama ang mama ng Lucas na yan at simula pa lang nung mga bata kami syempre matanda siya sa akin nang tatlong taon hindi na kami magkaayos."

"Wala naman akong balak sagutin siya ramdam ko namang wala siyang gagawing mabuti sa akin." Umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Buti naman kung ganun, Miss."

Pumasok na kami sa room nilapag niya ang gamit ko sa mesa.

"Miss, hatid kita maya ha."

"Oo na."

Ngumiti siya at umupo na sa mesa niya.

"Hi, Miss Via!"

Nabaling ang tingin ko kay Lester, Isa sa pinakamatalino kong estudyante. Palaging top yan sa klase ko.

"Hi, Lester!" Ngumiti ako sa kanya.

"Lalo kayong gumaganda Miss ah."

Ang bolero ng mga estudyante ko talaga.

"Mga biro niyo talaga." Natawa kaming dalawa. Ganito ako ka-good vibes sa mga students ko.

Bumalik na sa upuan niya si Lester napatingin ako kay De Guilano na hindi maipinta ang mukha napailing na lang ako, habang nagtuturo ako ay titig na titig siya sa akin habang nakangiti nakaka-ilang tuloy.

"Miss Via, ok lang po ba kayo?" Tanong ng isa kong estudyante.

"May sakit po ba kayo? Parang balisa po kayo at namumula."

Lumapit sa akin sina Nick at Lester.

"Miss, wala naman kayong sakit."

"Lovesick lang yan, Miss."

Napatingin ako kay Nick, kumindat siya sa akin.

"Hala, Miss! nagba-blush ka."

Natawa si Nick. Kainis talaga! Bakit apektado ako sa mga simpleng banat niya. Lumapit sa akin si Nick at bumulong sa tenga ko.

"Wag niyo kasi akong iisipin, Miss." Kapal! Palihim ko siyang inirapan. Harot.

Hanggang uwian balisa ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Miss, saan bahay niyo?" Lulan kami ng kotse namin habang binabaybay ang daan patungo sa kalye namin.

"Diyan mo lang ako ibaba sa kanto."

Hininto niya ang kotse sa gilid ng daan.

Bumaba siya at pinagbuksan ako.

"Salamat!"

"Miss, saan bahay niyo?"

Sinamahan niya ako sa pag-lakad iba na naman ang tingin ng mga kapitbahay namin at nagbulungan.

Napabuntong hininga ako. Naka-uniform pa kasi si Nick kaya kung anu-ano na naman iniisip nila.

"Nick, umuwi ka na." Nagulat ito sa sinabi ko.

"Miss, ihahatid ko lang kayo sa bahay niyo." Pagpupumilit pa nito.

"Sige na umuwi ka na."

"Pero Miss-"

"Nick, umuwi ka na." matigas ang boses na sambit ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Wala siyang nagawa kundi ang umalis. Bumuntong hininga ako aminado ako sa sarili ko na unti unti ko na siyang nagugustuhan pero gagawin ko din ang lahat para pigilan ito kasi malaking gulo kung sakali madadawit pa ang iniingatan kong propesyon.

Lessons And Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon