"No matter how much you try to forget about something, you'll always be reminded because that was the thing that helped you grow into this."
----
Ze's POV
"Sister I can help you with that, just go and play with the kids I'll do the heavy work." Sabi ko habang nakangiti kay Sister Marjorie ng akma nyang buhatin ang isang malaking vase na naglalaman ng isang bulaklak para ilipat ng tanim sa lupa.
"Napakabait mo talaga Ze, nagkamali ang mga magulang mong iwan ka sa kalsada at abandunahin ka nalamang. Osiya, ako muna'y makikipaglaro sa mga bata, ikaw na ang bahala rito ha?" Nakangiting sambit niya at nagsimula ng maglakad palayo mula saakin. Ako naman ay nagsimula ng ilipat ang vase malapit sa lupang pag lilipatan ng halaman. Napapangiti nalamang ako ng mapait kapag naiisip ko ang sinabi ni Sister.
Ako nga pala si Ze. Ze lang, kase hanggang ngayon wala paden akong totoong magulang at hindi ko alam ang gagamitin kong apelyido, ayoko rin namang mag paampon, I've been inside this orphanage for eighteen years at dito na rin ako pinag aaral ni Sister Marjorie. Ang ampunan kaseng ito ay nasa loob ng isang Catholic Church na isa ring eskwelahan. Simula pagkabata ko ay dito na umikot ang mundo ko-- ay hindi pala, sa dalwang mundo pala umiikot ang buhay ko. Sa umaga'y isa akong mabait na batang nakatira sa ampunan at tumutulong sa mga madre. Pero sa gabi ako'y isang anonymous singer sa internet na sumusulat ng kanta, ang hindi nila alam isa ako sa mga sikat na composer sa isang malaking kompanya, I just do the work inside the orphanage gamit ang computer ko at mga ginagamit dito ng choir para mag record. No body knows about me, but Sister Marj.
Sa ngayon ito pa lang ako. Pero sa hinaharap pinangako ko sa sarili ko na ang mga taong sumira ng buhay ko malalaman nilang isang malaking kawalan ako sakanila. Ipapaabot ko sakanila ang mga nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag sulat at pagkanta.
"O Ze! Ang lalim naman ng iniisip mo, di ka ba malulunod jan?" Pabirong sabi ni Annie isa sa mga nakasabay kong lumaki dito sa ampunan, masasabi kong isa rin syang iniwan ng mga magulang ero hindi kagaya ko... sya hindi sinasadyang maiwan.
Si Annie Smith. Isa syang anak mayaman, galing sa ibang bansa ang lahi nya pero sa isang aksidente namatay ang halos buong angkan nya at ni isa walang nagtangkang kumuha sa kanya. Namatay ang mga magulang nya sa isang terrorist attack kung saan nandon ang buong angkan ng Smiths, and luckily nailigtas sya ng isa sa mga waitress don, sya ang nagdala kay Annie sa ampunan.
"Hay nako Annie, dun ka nalang sa kasiyahan sa loob ng simbahan, balita ko may mamimigay ngayon ng mga damit at kung ano ano pa, tsaka di ka dapat nag papakadumi dito, baka may umampon na sayo don, nasa edad na tayo na hindi na napapansin ng mga umaaampon, kaya dapat mag hanap ka na ng pamilyang kukuha sayo." Pero imbis na umalis hinampas nya ako ng pagkalakas lakas at tinawanan. Tinignan ko naman sya ng masama, ano na namang sapi ng babaeng to? Nanghahampas ng walang dahilan.
"My god, Ze. Ang bait mo talaga, imbis na isipin mong ikaw ang maampon at mapabilang sa isang masayang pamilya ang ibang tao ang iniisip mo. Halika! Hindi lang ako ang mag papaampon dapat ikaw din!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko nalang ang sarili ko na papasok na sa simbahan kung saan nandon ang nagbibigay ng mga donation sa orphanage, buwan buwan nangyayare 'to at buwan buwan ko ding inaabala ang sarili ko para di mapabilang sa mga gantong okasyon nila, ayokong maampon.
Ito ang tahanan na linakihan ko, di ako aalis dito. Dito lang ako. Oo, pinangako ko nga sa sarili ko na lalagpasan ko ang mga taong ginawang ganto ang buhay ko, pero hindi ibig sabihin non hindi ko gusto ang naging buhay ko dito, mahal ko ang mga tao dito, sila ang mga taong bumuhay at nagpalaki saakin at may utang na loob ako sakanila. Ang tangi kong ibig sabihin sa pangako kong iyon ay ipapakita ko sa mga nangiwan saakin na, hindi ko kailangan ang pangalan nila o ang ano mang tulong ng iba para makaahon at bumangon sa buhay. Ang kailangan ko lang ay ang mga taong nagmamalasakit sa akin sa orphanage.
"Hi po Sisteeeer! Eto na po si Ze. Sabi nya gusto nyang kumanta para sa panauhin." Hala ka! Kelan ko sinabi yon? Mapag imbento talaga tong babaeng to, di porket kaibigan ko sya ganyan na lang nya ako ipapahiya sa dami ng tao.
Agad akong umiling iling kay Sister. Jusko! Hindi ko to ginusto. Di naman sa hindi ako marunong kumanta, I'm good actually. Pero mataas ang posibilidad na maampon ako kapag nagpapansin ako ngayon sa okasyon na 'to. Lalo na't madaming pamilya ang nandito na nagpunta ngayon. Oh my god. Help me po.
"Diosmio! Sawakas naman Ze! Akala ko buong buhay ka ng magtatago nalamang sa twing may tsansa na maampon ka na. Halika dito mag ayos ka muna ng pananamit at ang dungis mo, baka walang magtangkang ampunin ka sa itsura mong iyan." Hinila na ako ni Sister sa loob ng kwarto kung saan ako tumutuloy. Wala na akong ibang nagawa kundi ang magpalit nalamang. Isinuot ko ang paborito kong sweater na may print ng pakpak sa likod at isang mahabang palda na aabot sa gitna ng tuhod ko, pinahiram din ako ni sister Marjorie ng isa sa mga itim nyang sapatos na de takong.
"Keganda mong bata ka, hala sige! Duon ka na sa harap at ika'y mag lantad ng iyong itinatagong talento." Wala na talaga akong ibang choice no? All I have to do now is to follow Sister Marjorie's whims. Maaari ko nadin itong ituring na alay ko sakanya, isang kanta para sakanilang nagpalaki saakin.
"I just want to make sure, I'm not singing to be taken into a family. I'm singing for my family here." Mahina kong sabi pero rinig na rinig padin ito dahil naka-mic nga ako. Huminga ako ng malalim at pumikit ng ilang mga segundo bago nag mulat at hinayaang lumabas ang mga boses na nakapagpaantig sa kanilang puso.
"Where are you, my Love?
I've been looking for you for a long time now.
But I'm fine now.
Now that you're here beside me."
As I sang I slowly hear but the depths of my voice, me only inside this world I built whenever I sing. When I sing I get lost in my own free world where there's nothing else but my happiness and my voice embracing every inch of my being.
"I was lost on my own,
but now you're here to guide me,
I need your embrace
I'm indebted by you."
---
So how was it?
YOU ARE READING
Canary [ COMPLETED ]
RomanceI'm a bird with no wings unable to fly, but I have my voice that can take me to where you are. -- She's an orphan, a girl left in a dark corner of a alley. With no recollection of where she came from she was taken into custody by an orphanage, all h...