Ze's POV
Malakas na palakpakan ang bumalot sa buong simbahan ng matapos ang kanta kong inilaan sa kanila. Slowly I felt a smile crawl down my face and I went towards Sister Marj to give her a hug.
"Napakahusay mo talagang umawit dapat yan pinapaalam mo sa mundo talaga.." Nakangiting sambit ni Sister Marj atsaka ako binitawan na sa yakap. Sakto ding pagka kalas namin sa yakap ay may lumapit na mag asawa na magkahawak ang kamay, agad na bumilis ang pintig ng puso ko, patay na! Sinasabi ko na nga ba e.
"Inuunahan ko na po kayo! Hindi po ako nag papaampon." Nakasimangot na sabi ko para ma-turn off sila, syempre no, sino ba naman ang aampon ng isang bastos na bata?
"A-ah. Hindi 'yon ang pinunta namin. Narinig kase namin kay Sister Marj na marunong kadaw mag sulat ng mga kanta. Alam mo kase ang anak ko din isa syang aspiring musician, pede mo ba syang samahan na bumuo ng isang banda? You can treat it as a job, babayaran kita. Pero kahit na sinabi ko na hindi talaga pag ampon sayo ang intensyon ko, gusto ko talagang kunin ka bilang anak, matagal ko ng gusto magkaroon ng isang babae e, sawa na ako na puro lalaki sa bahay ang tao." Sabi ko talaga ayoko e. Pero ewan ko ba. Nung tinignan ko yung mukha nung babae parang bigla nalang ako napatango. Matapos non natauhan nalang ako sa pinasok ko ng pumalakpak si Sister Marj at yinakap ako. Habang sabay sabay na ang mga boses nilang naririnig ko at wala na akong maintindihan ni isa.
"You'll do it. Or are you agreeing to be my daughter? I'm so excited!" agad akong napa step back sa agad agad nyang mga sinasabi, grabe excited sya ng sobra.
"Pumapayag lang po ako dun sa part na banda." It can be a stepping stone. Gusto ko na din makakilala ng ibang tao sa ibang lugar hindi yung mga tao lang na makikita ko dito sa orphanage.
"That's great. But being my daughter, you can think about that. Here's my number if you need something or anything call me, kahit na hindi pa kita anak itratrato na kitang anak ko, I get the feeling na someday mapupunta ka rin sa pangangalaga ko. I'm Amanda by the way, Nice to meet you Ze." Ewan ko ba, pero bigla nalang ako napangiti ng yakapin nya ako bigla.
"Nice to meet you din po."
"Oh wait. Dito ka ba nag aaral, if you want I can transfer you to my son's school?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Parang binasa nya yung iniisip ko, gustong gusto ko na ding makapag simula ng bagong buhay apart from being a shut in. Gusto kong lumabas, kaso mahirap. Lalo na't wala akong pangalan na ihaharap sa iba, di gaya dito sa orphanage na alam ang kalagayan ko.
"Don't worry as of now, you can take my name. You'll be a Mendez in no time." Nanlaki na naman ang mata ko sa sinabi nya, kakasabi ko lang na di ako sang ayon na maging adopted diba? Pero may point sya hindi ako makakapag aral don ng walang taglay na tunay na identity. Siguro habang wala pa kailangan ko syang tanggapin bilang pamilya talaga, kahit bahay bahayan lang.
And yes. This is my story of being a uncaged canary, left in this world to fly, the only problem is that I don't have wings to carry me everywhere, but I have my voice. I smiled at Amanda and heaved a heavy breath, maybe I'll just ride this tide and just see where it would take me.
"Welcome to the family Ze Mendez." And this is how I met the downside of my life.
-----
I still remember it clearly how I got into this mess. Sinasabi ko na nga ba dapat hindi nalamang ako sumama dito sa pamilyang to, napaka gulo nila. Pero I have to admit, masaya ako na may nakakasama na ako sa araw araw na regular, at medyo na sanay na rin ako dito.
"Kamusta ang isang linggo na stay mo dito sa pamilya namin Ze? Masaya diba? Ang magkaroon ng pamilya." Nakangiting sabi ni Michael ang asawa ni Amanda. Nakakatawa, feeling ko napaka tagal ko ng nag stay dito e isang linggo pa lang naman ako nandito sa puder nila. Ni isang beses nga hindi ko pa na kikita kahit anino nung anak nilang lalake na sinasabi nilang nag babanda.
"Ay nako pag pasensyahan mo na ang anak ko, ayaw kase non na umuuwi dito, isang dahilan din yon kng bakit kita gusto ampunin parang wala na kase akong anak sa bahay na 'to. Makikita mo din naman sya sa pasukan nyo bukas e. Basta ang pangalan nya ay Eros Mendez, naipakita ko naman na sayo ang litrato nya hindi ba? Pag nakita mo sya batiin mo at sabihin mong pinapauwi ko sya." Napatango tango ako sa sinabi nya, atsaka pinagpatuloy ag ginagawa kong pag huhugas ng pinggan, sa buhay ko dito sa bahay nila Amanda di ko maikakaila na mayaman sila at nakakaangat sa buhay.
Hindi sila yung tipikal na mga tao lang. Kahit di ko pa alam ang pinag kakaabalahan nilang trabaho siguro hahayaan ko nalang munang di ko alam, atsaka sa ngayon din di padin nila ako pinapatawag na kahit anong pang magulang na tawag, Ni Mama o Papa, Mom o Dad, di nila ko pinipilit na tawagin agad silang ganon, ayos lang sakanila na Amanda at Mike ang tawag sakanila.
"Ready ka na naman para bukas hindi ba? Ang mga gamit mo ayos na ba? Yung uniform mo kasya ba? komportbale ba? Sabihin mo lang kapag may mali." Alalang sabi ni Amanda. Nakakapagtaka, kada umaakto sya ng ganyan parang maiiyak ako, sobrang tagal ko na sigurong gusto tong maramdaman kaso pinipigilan ko ang sarili kong mag paampon sa kagustuhan na maging independent na umangat, inaalisan ko ang sarili ko ng karapatan na sumaya sa piling ng isang tunay na pamilya.
"Ayos na po ako. Ang problema na lamang ay hindi ko gamay ang ganitong cellphone, ngayon lang kase ako nagkaroon ng ganito, puro laptop lang ako noon sa ampunan e." Nakakunot ang noo ko ng di ko mabuksan ang cellphone na hawak ko. Touch screen sya at magandang model titignan pa lamang ibang iba sya sa ginagamit ko noon sa ampunan, hinihiram ko lang kase ang cellphone ni Sister Marj para macontact ang mga pinag tratrabahuhan ko sa kompanya ng pinacocomposan ko ng kanta.
"Ay yun lang ba. Eto tuturuan kita, halika dito." At don, unti unti ko ng nailalapit ang sarili ko sakanila. Pero hindi ko parin maipilit sa sarili ko a makalimutan ang pamilya kong nang iwan saakin. Nag iipon ako para mapaimbestigahan sila, yun ang tanging nasa isip ko noon, pero ngayon parang di ko na muna pag tutuunan ng pansin yon. Mag fofocus nalamang ako sa pamilyang nasa harap ko ngayon.
YOU ARE READING
Canary [ COMPLETED ]
RomanceI'm a bird with no wings unable to fly, but I have my voice that can take me to where you are. -- She's an orphan, a girl left in a dark corner of a alley. With no recollection of where she came from she was taken into custody by an orphanage, all h...