8 - "Open House"

44 3 0
                                    


Ze's POV


I took a deep breath and then gathered all my strength, grabe nakaka-overwhelm yung dami ng audience ngayon sa open house namen, feeling ko yung iba hindi pa estudyante ng school. Nandito pa kame sa likod ng malaking stage na sinet up para lang sa performance namin, they said it was a fund raiser, kung sinoman daw ang mga pumunta sa open house namin ay nag bayad daw ng certain amount ng cash, maybe it's for the expenses we will spend in the future.


"You look rather nervous Ze. Are you ok?" Tinapik tapik ako ni Seph tas nginitian, medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa ginawa nya.


"Medyo lang naman kase bago to saakin, being part of a band, bagong bago saakin yan and pano pa kayo 'tong pag peperform sa isang mala-concert na open house nyo." Bumuntong hininga nalang ako.


"You can do it. I know you have that burning desire inside of you." And I guess I have it. Siguro nga I can do this.


"We're all set, tara na?" I can do this.. oo kaya ko 'to.


"Are yo ok now Ze?" Agad akong napa-snap out sa pag seself encourage ng makitang nakatingin saakin ng mariin si Zero gamit ang mga bored nyang mata pero ang boses nya ay may bahid ng pag aalala, marahil inaalala nyang papalpak ako sa open house. 


"Don't worry, I won't mess this up, I can do this." Nakayuko kong sabi, pero nag taka ako ng iniangat nya ang baba ko upang magkatapat ang mga mata namin at ang mukha namin ay halos mag lapat na ang mga balat. Agad akong napaatras pero tsaka ko lang naalala na walang sandalan ang inuupuan kong upuan kaya inintay ko nalang na mahulog ako.


"You're so clumsy. Lucky for you I caught you before you could even fall." Di ko alam pero ang weird lang kase di pa naman nag sisimula ang tugtugan namin pero naririnig ko na ang pag drudrums ni Ash. 


"Thank you." tsaka ako umayos ng upo at pinag pasyahan na kailangan ko na din tumayo dahil mag sisimula na ang performance namin. Ok kaya mo 'to, don't mess things up, you go prove them your worth. You are worth the second glance, and you are beautiful. Wag mo silang bigyan ng dahilan para iwan ka, be worth it. 


"So hey guys, we're here today to perform, well- uh- obviously! We'll be doing some requested songs that we asked in twitter yesterday and we picked it according to each of our tastes in music. And oh! Before I forget, this is our lovely new vocalist, Ze. A real raw talent that we're going to showcase to all of you, so are you guys ready?" agad na narinig ang hiyawan ng mga tao at palakpakan ng dahil sa excitement. Nakakaoverwhelm talaga, sobra. Para akong lalamunin ng atensyon nila.


"Are you ready Ze?" Halos napatalon ako sa gulat ng tinapik ako ni Zero sa balikat, sa pangalawang beses ay nakita ko ang mga mata nyang naka tingin ng matiim saakin at para akong hinihila sa mga ito, nalulunod ako, hinihingal ako, hindi ako makahinga, I feel out of breath. 


He's sucking me in. 


"Uh- Yes. Let's do this!" Di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin yon ng may confidence, para bang nawala ang mga kaba ko. 

Canary [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now