9 - "Gentle Ash"

44 3 0
                                    


Ze's POV


"We slayed it." Naghahabol hininga na sabi ni Seph at umakbay saakin, napangiti ako sa sinabi nya, oo nga. Sobrang nakakatuwa na makita mo yung cheer ng audience tas mukhang tuwang tuwa sila sa performance namin. 


"What's your accounts nga pala sa social? I'm gonna follow you real quick." Nakangiti na sabi ni Coryn tas agad naman na sumunod si Seph sa panghihingi. Sabay ko sakanilang sinabi ang active accounts ko, I can also tell na na-shock sila medyo ng makitang medyo famous din ako. 


"Wait youtuber ka? Maybe that's why your voice is familiar." Tumango tango ako, ang tanging di ko lang naman ine-expose ay ang pagiging composer ko e, pero ang pagiging aspiring singer ko lantaran ko yon pinapakita sa mundo. 


"I think later your twitter is gonna blow up because of notifs." Napangiwi ako sa sinabi nya, kung alam lang nila matagal ng araw araw sumasabog notif ko. 


"Well siguro nga." kamot ulo kong sabi, naka tabi parin saakin si Seph at dikit sya ng dikit, siguro ganto sya ka clingy sa girlfriend nya no? pero di na naman sya naka akbay, parang nakakbay lang kase his hands is behind me tas nakalean yung ulo nya sa shoulders ko, I'm comfortable with it naman and it feels warm, medyo malamig na kase gawa ng gabi na nga. 


Dahil sa mahangin na nga din ng medyo, bahagyang hinahangin ang palda ko kaya napahawak ako dito, siguro napansin yon ni Seph kaya agad nyang hinubad ang suot nyang blazer para itakip sa may legs ko, and that's really thoughtful of him, napangiti nalang ako. 


"Uy! Dumadamoves si Pareng Sephariel Aquino." Pang aasar ni Coryn na ngayon ay nakaupo din na nasa katapat namin tas katabi naman nya si Ash at si Ze. 


Ay- nandito nga pala kame sa isang restaurant na nasa loob ng school, di na nga ako nagulat e, sa laki ba naman nito e. Pede na ngang mag tayo ng mall. So yon let me describe the school further, ang school kase na 'to ay hindi lang para sa High School, SNH, it's also for College students, eto ang Valiant University. Meron ditong part ng school na may mga stalls ng foods tas may mga meron talagang sarisariling nakatayo na shop, kagaya ng kinakainan namin ngayon, pero meron ding hiwalay na cafeteria ang school na 'to kada buiding meron, bongga diba? 


"You have a really good appetite Ze, I want to feed you more, gusto mo neto? I don't really like veggies much, I only eat tomatoes." Napatawa ako ng malakas sa sinabi nya tsaka hinampas ng sunod sunod ang braso nya dahil sa tawa, ganon talaga ako matawa, may hampas.


"Tomatoes are not vegetables Seph, it's a fruit. Well if you insist on giving me yours, tomorrow I'll feed you some too, to repay you." Nakangiti din syang tumango tango saakin,I was about to get the foods in his plate but he beat me to it and scooped a spoon full then leveled it to my mouth, so I opened my mouth wide para di matapon at di kumalat sa damit ko. Nag simula na akong ngumuya, ansarap talaga ng gulay, sanay na akong gulay ang ulam dahil puro gulay ang nakatanim sa bahay ampunan at yun ang inuulam namin parati.


"Wait. You have a little something here.." Napaangat ang kilay ko sa sinabi ni Ze, ano daw? mahina kase ang sabi nya, tinignan ko pa kung sino ang kinakausap nya tas ng malaman kong ako, tinignan ko sya ng nag tatanong. Inirapan nya lang ako at nag lean sa side namin. 

Canary [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now