Ze's POV
Mabilis na nagdaan ang Foundation Week at masasabi kong nalampaso namin ng bahagya ang kabilang school. Oh, I just love the look on Coleen's face when we performed the duet, it was priceless. Kaso akala ko matapos ang Foundation week makakapag pahinga na ako, pero hindi e, biglang nagdagsaan ang mga pinapaasikaso saakin ng Top Music Ent, kaya eto nandito ako ngayon sa loob ng recording studio ni Zero sa loob ng bahay nila. I'm producing songs and for the new album of Zero. Hindi ko padin alam kung sasabihin ko ba sakanila na ako si Voice ang sikat na unidentified na composer/writer ng Top Music Entertainment.
Nakakatapos na ako ng tatlong kanta at simula kahapon ay ni isang oras ay hindi ako tumatayo ng upuang inuupuan ko, tumatayo lamang ako kapag kinakatok ako ni Tita para sa pagkain at sa pag ligo. So basically two days na akong walang masyadong pahinga, panigurado bukas pag pasok ko sa eskwela mukha akong sabog. Well at least matatapos ko ang album ng mas mabilis.
"Ze. Dinner's ready, atsaka andyan din sila Coryn sa baba gusto mo bang iangat ko nalamang dito ang dinner tas dito na kayo kumain-" Agad akong napabalikwas ng marinig yon, para bang ayaw talaga ng isip ko na malaman nilang ako si Voice, agad ako nataranta at dali daling linigpit lahat ng music sheets at sinarado ko na ang laptop na ginagamit ko, pati narin ang mga instruments inayos ko na ng ayos, muntik pa ko matalisod sa mga wires.
"No po Tita! I'll be down, mag aayos lang po ako dito." Sagot ko kay Tita at narinig ko ang pag lalakad nya palayo. Nakahinga ako ng maluwag. I just have this mechanism na hindi sabihin sakanila ang tinatago kong identity. Isinalansan ko ng maayos ang mga music sheets at ilinagay ang earphones sa tenga ko para pakinggan ang nabuo kong kanta kahapon, finding faults, para maiayos ko ito kaagad bago i-pasa sa kompanya.
"HOY! Ze kahapon pa kita kinokontak pero hindi ka naman sumasagot-- Ano bang pinagkakaabalahan mo ha?" Nataranta nanaman ako sa pag liligpit ng mga papel, basta ko nalamang isinuksok ito sa loob ng guitar case ni Zero. Liningon ko ng may piit na ngiti si Coryn at Seph na naandon din pala para bumisita.
"O-Oi, Anong pinunta nyo dito? Sorry may ano- medyo may sakit kase ako kahapon tas ngayon naman wala- nabusy ako sa pagtugtog yon-- practice practice alam nyo na. hehe." Kumagat kayo please, ikaw seph! paniwalaan mo ko!
"Pero, sabi ni Tita mag hapon ka daw nakakulong dyan simula kahapon-- are you hiding something again from us." Napbuntong hininga na naman ako, parang ang bigat sa loob na hindi sabihin at mag sinungaling sa kanila. Parang walang tinuro saakin si Sister Marj kung ipagpapatuloy ko ang pagtatago sakanila nito. Bahala na nga, sasabihin ko na.
"A- Ano kase ganto yan! I'm composing." Medyo mahina na sabi ko.
"Wow, you should've told us! Edi sana'y hindi kame pumunta dito para makaistorbo, yun lang naman pala ang ginagawa mo, akala ko kase kung napapaano ka na e." well, that wasn't that bad.
"So bakit ka nag cocompose?" Oh shit. Akala ko naman tapos na may follow up questions pa pala. Ok Ze you can do it, just answer casually, I'm voice, I'm Voice lang ang sasabihin mo magegets na nila yon.
"I'm Voice." Medyo mahina na sabi ko sakanila.
"Voice o so ano bakit ka nga nag susu- WHAT THE FUCK DID YOU JUST SAID!?" -Seph
"Language Seph!"
"Pero seryoso, Ze. I'm not doubting you nakaka-shock lang. Isa sa mga kaibigan ko ang 'VOICE' ng Top Music, isa sa mga sobrang sikat na composers dito! Tas grabe." -Coryn
Napailing nalamang ako sa reaksyon nila. Alam kong ganto magiging reaksyon nila, hindi makapaniwala.
"So how do you do it? Sobrang lalim ng mga hugot ng kanta mo e, may inspiration ka ba for your songs?" Tanong ni Seph na ngayon ay hinalungkat na ang mga musical sheets ko. Tumango ako't nagsimulang mag kwento.
"Have I ever told you guys that I was abandoned by my parents on the streets. A nun found me crying on the streets, dinala ako sa bahay ampunan at pinag aral sa isang christian school, I started to have interest in music noong sumali ako sa choir doon and made some songs that eventually sinend ni Sister Marj sa Top Music, doon ko ilinalabas lahat ng sama ng loob ko sa mga magulang ko, when I was still immature, ayoko sa thought na makita ang parents ko kase feeling ko ayaw nila saakin pero ngayon medyo tanggap ko na na wala na sila saakin, ang gusto ko lang ngayon malaman nila na ok ako at malaman ko na kung sino nga ba talaga sila, doon ko nakukuha ang mga lyrics ko sa kanta."
"I never thought you went through all that Ze. I'm sorry." Nakasimangot na sabi ni Coryn pero inilingan ko sya.
"Why are you sorry, hindi naman ikaw ang nag iwan sakin sa kalsada. And it's all in the past now, ngayon gusto ko lang iparating sa mga kanta ko na ok ako ngayon at salamat sa pag iwan sakin dahil eto ako ngayon, yung Ze na canary ng Wingless Canary."
-----------
After that encounter with Coryn and Seph kinabukasan maaga ako nagising, at sa hindi malaman na dahilan dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng office ni Tito at Tita. Binuksan ko ito at ilinibot ang tingin sa paligid, madaming cabinets, marahil mga papeles tungkol sa mga kung ano ano para sa business nila.
Pero merong umagaw sa pansin ko na nakapatong sa table ni TIto, it reads my name. ZE MENDEZ.
"What is this?" Pinulot ko ito at agad na napakip sa bibig ko ng mabasa ang laman nito.
"Ze what are you doing here--"
"Tito? I'm a real Mendez?"
YOU ARE READING
Canary [ COMPLETED ]
RomanceI'm a bird with no wings unable to fly, but I have my voice that can take me to where you are. -- She's an orphan, a girl left in a dark corner of a alley. With no recollection of where she came from she was taken into custody by an orphanage, all h...