Ze's POV
Napabuntong hininga na naman ako, pang ilang buntong hininga ko na ba 'to ngayong araw. Wala akong mahingan ng saklolo kase di ko din naman mahanap ang Student Council na yon, tsaka nakakahiya naman kay Theo kapag humingi agad ako ng saklolo sakanya.
"Hay nakoooooooooooooooo." mahaba kong buntong hininga sa ngayon nasa gitna ako ng kaguluhan dito sa loob ng school, ngayon ko lang napansin pero ang gulo gulo pala sa loob, nung nag lalakad kase ako kanina sa fields di pa gaano ang taong nag kakagulo, pero ngayon jusko daig pa zoo.
"Miss miss! Excuse naka harang ka sa daan, wag kangang patanga tanga jan!" Napatanga ako sa sinabi nya, ang rude naman ng pagkakasabi nya. Liningon ko kung anong itsura nya, lalakeng tao ang sama ng ugali sa babae.
Napatulala nalang ako sa itsura nya, omygod! Sya yung singer na kumanta ng isa sa mga composed songs ko, bagong singer sya at sikat na sikat din. Grabe dito ko pa sya makikilala? Grabe bigatin talaga ang school na 'to.
"Ano ba yan, pano na ko ngayon?" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang gulo pero kita ko pa naman yung mga banner na nakalagay sa bawat booths ng clubs. Bawat club kase meron silang nakatayong booth tas nag bibigay ng form para sa audition ganon. Kase may qualifications silang kailangan para makapasok sa clubs. Kaya kailangan ko ng mag sign up para sa isang club na gusto ko, at kaya kong salihan.
"So ano kaya?" Madami dami ang mga club na nasa Arts & Design. Painting club, Sketch club, Theater club, Drama Club, Chorus club, madami pa.. at sa lahat nang nabanggit ko punong puno ng mga naka linya. Pero merong isang booth na sobrang apaw talaga ang nakapila, siguro sikat ang club nila. Light Music club ang nakalagay sa banner nung booth. Aaah. Magandang club nga yon.
"Omaygad ang gwapo gwapo talaga ni Zeroooo!" Eh?
"Oo, kaya kailangan kong galingan sa audition para sa Light Music club!" Hala sya?
Sa Chorus club nalang ako, since sanay na ako sa choir ok na ko dito. Pumila na ako at pinalipas na lang ang oras ko sa pakikinig sa music, mahina akong kumakanta kasabay ng tugtog sa earphones ko. Medyo na ninibago pa ko sa cellphone pero napag aralan ko na sya kahapon.
"Miss.. Eto wag ka ng pumila jan sayang oras mo." Nanlaki ang mata ko tsaka napangiti. Ang babait nga talaga ng mga tao dito. Tinignan ko yung babae tsaka ngumiti ng malaki. Sinuklian nya ako ng tango tsaka goodluck with salute pa bago maglakad palayo saakin.
"Ang kailangan ko lang ay ilagay ang pangalan ko? Tas section and contacts diba?" Agad ko ng finill up-an ang mga kailangang ilagay.
"Hi miss. Ok ka na?"
"Ay anak ng anghel!" Napahawak ako sa dibdib ko at halos mapunit ang papel na finill up-an ko sa sobrang gulat,
"Salamat sa compliment, pero ok ka na ba dyan sa form mo? Akin na ipapasa ko na para sayo." Ang babait talaga nila. Ang swerte ko, feeling ko ako magiging maganda ang school life ko dito.
YOU ARE READING
Canary [ COMPLETED ]
Roman d'amourI'm a bird with no wings unable to fly, but I have my voice that can take me to where you are. -- She's an orphan, a girl left in a dark corner of a alley. With no recollection of where she came from she was taken into custody by an orphanage, all h...