Ze's POV
"Thank you talaga Ash ha? I wouldn't be able to go home if it weren't for you." Di ako makatingin sakanya ng maayos, baka mamaya naabala ko pala sya, nakakahiya naman. Pero since sya naman na mismo ang nag sabi na call him if I need anything edi nabawasan na yung bigat ng dibdib ko.
"Nah. It's okay. Ayoko namang malaman na na-stranded ka pala jan sa school tas mapag tripan ka pa ng tambay, bago ka pa naman, maganda pa, talagang pag iinteresan ka ng mga loko jan." Mahabang litanya nya, I never talked to him like this kanina kaya medyo nakakatuwa.
Una dahil kinakausap nya ako ng maayos, yung parang normal na barkada, tas pangalawa sinabihan nya ako ng maganda. hahahahhahaha.
"Teka saan ba dito ang bahay nyo?" Tanong nya ng makapasok kame sa subdivision.
"Ah jan lang o." turo ko sa bahay nila Tita Amanda, pero ang pinagtaka ko bakit bago pa lamang kame makatapat sa bahay ay tumigil na sya ng pabigla.
"Sure ka? Bahay nyo yan?" Nangunot ang noo ko ng sinabi yon ni Ash, tumango ako't tinignan sya at sinuri kung bakit ganon ang reaksyon nya.
"Well. Sige dito nalang kaya mo na naman siguro lakarin? I'll just see you off. Sabihin mo sakila Tita Amanda sorry ngayon lang kita naihatid." Kumaway nalang ako ng makarating na ako sa gate, true to his words, habang nag lalakad ako papunta sa bahay nandon pa din sya at inintay akong makapasok sa bahay.
Pero teka? Rewind nga.
"Sabihin mo sakila Tita Amanda sorry ngayon lang kita naihatid. "
What kilala nya si Tita Amanda? Pano? Di ko naman sinabi a?
Wait? Baka naman sya yung anak ni Tita Amanda! Pero bakit Tita? Ay takte. Oo nga pala. Nakalimutan ko yung bilin saakin ni Tita na ipaalala sa anak nya na umuwi na, tas di ko pa nakita talaga ng maayos yung litrato na pinakita nya, e pano ko mamumukhaan yung anak nya kung picture nuong baby ang pinakita nya saakin?
Haaaay. Siguro bukas ko nalang hahanapin si Eros. Di naman ako inoobliga ni Tita na hanapin sya e. Pero may kutob ako kay Ash, since kilala nya ang may ari ng bahay! Siguro kilala nya si Eros or- sya ang Eros na hinahanap ko.
"Bahala na nga. But for now I've got some composing to do.. Ay teka? Pano nga ba? E wala akong medium for composing here, nasa bahay ampunan mga instruments na ginagamit ko."
I gripped my hair as hard as I can as I thought of something to do para makapag record ng kanta, I need to pass a recording of a composed song within the week and I need to work on it now, para matapos ko na sya ng maaga at para din hindi masagabal ang aral ko ng isang linggo.
"Tita..."
"Yes nak, is there anything you need?" Tanong nya saakin agad pagkarinig na pagkarinig nya ng tawag ko sakanya, nagliwanag pa nga ata ang mukha nya ng dahil don.
"I need to record a song.." Nag aalanganin na sabi ko sakanya, alam kong medyo overboard yung pag hingi ng ganto kalaking pabor pero kase music is basically my life and recording is part of it, tsaka trabaho ko ang pag cocompose ng kanta, I need to be responsible.
"Oh! Bat ngayon mo lang sinabi? Dapat matagal ko ng pinalinis ang recording room ni Eros! Halika't ihahatid kita don." Nangunot ang noo ko, ha? May recording room sya? Akala ko bandang pag eskwela lang sya?
"Alam mo kase, yag si Eros uhaw na uhaw na sumikat, gustong gusto nyang maging isang professional musician, sobrang musically inclined nya bata pa lang, yung mga oras na dapat ginugugol nya sa paglalaro kasama ang ibang bata ay igunugol nya sa pag aaral ng pagtugtog sa iba't ibang instrumento. Ewan ko ba kung bakit nya bigla nalang naisipan na humiwalay at mag banda, di ko na nga din alam ang kalagayan nya sa eskwela e, pero I hope di nya na papabayaan ang pag aaral."
"Salamat po talaga sa mga binibigay nyo saaking mga bagay, promise po pag nakita ko po sya kakausapin ko sya na umuwe."
After that ini-guide nya ako papunta sa recording room ni Eros, nasa third floor pala yon kaya di ko alam, hindi naman kase ako talaga ganon ka usisa sa bahay, hindi ko pa masyado na gagala ang buong bahay ng pamilya, atsaka malay mo may ayaw pala silang nakikita ng ibang tao diba?
"O sya, bahala ka na jan ha? If you need anything call me nalang through the phone para di ka na bababa pa." Atsaka nya ako binigyan ng isang matamis na ngiti bago isarado ang pintuan ng recording ni Eros. Di ko maikakaila na maganda ang mga instrument at talagang may quiality sya, halatang mahal , di gaya nung mga ginagamit ko sa bahay ampunan.
I fished my phone from the depths of my pockets and pressed the record button tsaka ko sya iniwan sa isang lamesa..
Nakangiti kong pinulot ang gitara mula sa stand nito.
I started to move my fingers as I make up the chords for the song I'm making and started to slowly strum, I welcomed the sensation of the vibrating of the strings as it made music that surrounded my whole being, and I was lost again in my own world of music. I closed my eyes as I started to murmur words that served as lyrics of the song.
"What the fuck are you doing in here?"
Agad akong napamulat ng bigla nalang akong may narinig na nagsalita mula sa likod, definitely hindi yon boses ni Tita, cause it was a man's voice and sure enough hindi din yon si Tito.
Well only way to find out is to look back...
and when I looked back to see who it was.. my mouth dropped.
"Zero?"
*****
Ok ok sobrang waley nya, but I was not really productive lately so yan lang ang nagawa ko.
YOU ARE READING
Canary [ COMPLETED ]
RomanceI'm a bird with no wings unable to fly, but I have my voice that can take me to where you are. -- She's an orphan, a girl left in a dark corner of a alley. With no recollection of where she came from she was taken into custody by an orphanage, all h...