Author's Point Of View
Nagising na lamang si Valeria na nakahiga sa sahig at mugto ang mga mata na halatang kagagaling lang sa pag-iyak magmula ng masaksihan niya ang kawalang-hiyaan ng kanyang asawa at ng kanyang magaling na pinsan ay buong magdamag itong umiyak hanggang sa napagod na ang mga nito at kusang tumigil sa pag-iyak. Tamad na tamad itong bumangon sa lapag at inayos ang kanyang nagusot na bedsheet at saka tumungo sa banyo upang mag hilamos ng kanyang mukha. Napaigtad na lamang siya ng may kumatok sa kanyang pinto di lang ito basta katok gigibain na ata ang pinto nito sa sobrang lakas ng kalabog.
Agad niya itong binuksan at saka nagulat na lamang siya ng makita niya ang kanyang asawa na ngayon ay madilin ang mukhang humarap sa kanya agad naman siyang napalunok dahil dito alam niyang galit ang asawa niya dahil yan lagi ang bumubungad sa kanya pag gusto niya itong bugbogin kaya't napa-atras na lamang siya sa takot.
"What took you so long it's already 1:30 in the afternoon?!" Agad na sigaw ng asawa niya sa kanya kung kaya't mas lalo siyang napa-atras sa takot pero may katanungan na gusto niyang itanong na kung 'bakit ang galing mong mag panggap na tila wala lang nangyari?' Inis siyang napa sabunot sa buhok niya siyang ipinagtaka ng kanyang asawa.
"What are You doing?" Naiirita nitong saad kasabay ang masamang titig na ipinukol nito sa asawa niya
"W-wala may na-aalala lang" nakayuko nitong saad dahil sa tuwing tinitignan nito ang asawa niya lagi niyang na-alala ang ginaw nila bg kanyang magaling na pinsan.
Ano nga ba ang gusto nito? Madami ang tanong na gusto niyang ipasagot sa asawa niya na alin nga ba ang hanap niya asawa o bed warmer? Bakit hanggang ngayon ay di parin niya natutunan mahalin ang babae? Pero wala na siyang magagawa dahil iyon ang nasa kasunduan nila na bawl mangi-alam sa mga kilos na gagawin nila.
"Ano tutunga-nga ka na lang ba diyan? Magluto ka na nga!" Sigaw nito para mapabaling sa kanya ang atensyon ng babae pero mas naagaw ang atensyon nito ng umubo siya at napansin niyang mamula-mula ang kanyang mga mata kaya't walang pasintabi niyang hinipo ang noo ng binata at doon niya napagtanto na may lagnat ito.
"May sakit ka ba?" Agad na tanong nito kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod nito sa takot pero mas nangibabaw ang pag-aalala nito, pero sa halip na sagutin siya ng binata ay tinabig nito kanyang kamay at saka umalis na.
Pero hinabol niya ito at pinigilan kahit na natatakot siya sa maaaring mangyari o posibleng gawin ng kanyang asawa.
"H-humiga ka muna, P-please!" Pakiki-usap niya rito kaya't walang nagawa ang binata at saka pumunta na sa higaan ng babae at doon humiga. Kaya't dali-daling bumaba upang gawan ng sopas. Agad siyang kumuha ng Biogesic at saka inihain ang mainit na sopas kasama ang tubig saka umakyat sa taas agad na bumungad sa kanya ang mahimbing na natutulog niyang asawa.
Agad niya itong nilapitan saka marahang hinaplos ang mukha ng kanyang asawa at malamlam na tinitigan
"Kung ako ba siya mamahalin mo din ba ako? Kung ako ba siya magiging masaya ka kaya?" Tanong nito ngunit napatawa na lang siya ng pagak dahil para siyang tanga na kinakausap ang isang tulog. Agad niyang nilagay ang planana n may maligamgam na tubig at bimpo saka niya ito pinigaan at pinahid sa katawan ng kanyang asawa pagkatapos niya itong gawin ay ginising niya ito para ipakain ang sopas na ginawa niya.
"Paano ba ito?" Alangang tanong nito dahil una sa lahat ayaw niya na may iistorbo sa pag tulog nito.
"K-kurt kainin M-mo na yung s-sopas" kinakabahan na saad nito at saka naman tumayo si Kurt par kainin ang inihain ng babae sa harap nito saka siya tinitigan nito bago kumain.
"May mali ba? D-di ba masarap?" Nagtataka nitong tanong dahil sa pag kaka-alam nito ay di naman maalat o matabang.
"Wala sakto lang naman" ani nito na siyang nag paluwag sa dibdib nito saka inabot ang Biogesic at tubig pagkatapos uminom ni Kurt ay agad din siyang humiga.
Niligpit muna ni Valeria ang kalat saka niya nilisan ang kwarto at tumungo siya sa kusina nila at saka hinugasan ang bowl na pinag-lagyan niya ng sopas.
Pagkatapos ng ginawa niya tinungo niya ang kwarto niya saka sinilip ang lalaki na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog itinulak niya ng bahagya ang pinto at saka pumasok sa loob nito tinitigan nito si Kurt na ngayon ay naka-awang ang labi niya.
"Bakit kasi ikaw pa? Ang daming tao sa mundo eh sayo pa ako nahulog! Sa imposibleng maging akin! Bakit ang sama sakin ng tadhana?" Di nito namalayan na may isang butil ng luha ang kumawala sa mala rosas nitong pisngi agad niyang pinilig ang kanyang ulo at saka tumayo ng dahan dahan marahan niya ding hinalikan sa noo si Kurt bago tuluyang umalis sa kwarto.
Ang buong akala ng babae ay tulog na ang kanyang asawa ngunit hindi dahil pina-alis lamang siya at saka bumangon sa pagkaka-higa ang kanyang asawa na ngayon ay parang sirang plaka na kanina pa nito tinitigan ang pintuan na nilabasan ng kanyang asawa hindi mawala sa isip nito ang ginawa sa kanya ng babae.
Madami ang tanong sa isip nito, kung bakit sa kabila ng ginawa niya andito parin siya at ina-alagaan siya, Kung bakit di nito magawang magalit kahit na anong pananakit nito sa kanya? Ano ba ang nangyayari sa kanya at bigla na lang tumibok ang puso niya ng sobrang bilis, na tila hinahabol ng isang kabayo ang puso nito napaisip na lamang siya na kung bakit sa tagal ng relasyon nila Catherine ay di tumibok ang puso niya ng ganito.
Pero isang kilos lang ng kanyan asawa ay tila nababaliw na ito, maramdaman niya lang ang presensya ng kanyang asawa ay nababaliw na ito kung kaya't nais niya itong iwasan hanggat maaari, itutulak niya ito palayo hanggat sa kaya niya dahil ang pinaniniwalaan niya ay mas mahal parin niya si Catherine kahit na anong mangyari.
Bumaba ang lalaki saka hinanap ang kanyang asawa ngunit di niya ito mahanap sa kahit saang parte ng bahay kaya't bigla na lamang siyang kinabahan ngunit ang kabang iyon ay agad humupa dahil nakita niya ang asawa niyang mahimbing ang tulog sa sopa, kapag kuwan ay tinitigan niya ang mukha ng dalaga at di niya maiwasan na titigan ang labing naka-awang.
Tila may isang magnet ang labi ng dalaga na hindi niya maalis ang tingin niya, tila may sariling isip ang mukha nito at lumapit sa babae at doon niya lang napagtanto na ang kanilang mga labi ay magkalapat ng halos kalahating minuto.
At saka unti unting humiwalay ang kanilang mga labi at ipinilig ang kanyang ulo at saka binuhat ang kanyang asawa patungo sa kanilang kwarto.