His Point Of View

1K 17 1
                                    

Kurt's Point Of View

P*tang ina! Isang buwan na! Isang buwan ng hindi ko siya nakikita! Simula ng may nangyari samin. At simul nun di ko na siya nakita. Ano ba ang nangyayari? Ano bang ginawa ko? Ano ba ang nagawa ko?! Ang daming tanong na gusto kong masagot pero paano? Wala akong makitang sagot.

Valeria saan ka na? Hon? Please bumalik ka na. Miss na miss na kita sobra pa! Andito na naman ang peste kong luha, tumutulo na naman ng di ko man lang nararamdaman. Bakit Valeria! Bakit?! Sa sobrang inis ko tinabig ko lahat ng alak hanggang sa nabasag ang mga ito.

Di ko kayang mawala ka. Bakit kung kelan nahulog na ako sayo saka ka naman nawala? Bakit ang sama sakin ng tadhana! Umalis ka ng parang wala! Umalis ka ng hindi man lang nag-paalam ang sama mo Val! Ang sama sama mo!

"Kurt! Kurt! May nakuha akong info!" Sigaw sakin ni Jp isa siya sa matalik kong kaibigan na magaling mang-hack ng acc. Cctv or kahit ano pa.

"Ano yun?" Walang gana kong saad at saka umayos ng upo sa kama.

"Alam ko na kung saan si Valeria!Andoon siya sa ******* Condominium!" Saad nito. Pag kasabi niya sa address ay agad kong nagbihis at umalis alam ko iyon dahil napuntahan ko iyon isang beses humanda ka sakin Valeria. Isang buwan kang nawala.

Nakarating na rin ako sa wakas at saka ko tinungo an elevator at pinindot ang 7th floor, ng makarating ako doon ay di ko inaasahan ang aabutan ko.

Si Valeria naka-ngiti abot hanggang tenga na dati sakin niya lang ginawa, di ko alam pero biglang nandilim ang paningin ko at saka hinila ang kwelyo ng lalaki at saka sinuntok ng sinuntok kahit anong pigil sakin ni Valeria ay di ako nag papigil pero nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw hindi lang basta sigaw kundi tili.

Nagulat at napatigil ako ng makita kong may dugo na dumadaloy dito mula sa hita patungo sa paa sa sobrang taranta ko ay agad ko siyang binuhat at pumunta na ng hospital.

"Mabuti at malakas ang kapit ni baby dahil kung hindi, wala na siya ngayon kaya't doble ingat at wag masyadong istressin si misis" bilin sakin ng doctor nagulat ako buntis siya pero sino ama? Yun ba ang lalaking yun? Siya ba ang ama niyan? Hindi ako makakapayag sakin lang si Valeria kahit anong mangyari.

Nagising na ito at saka tumingin sakin ng naguguluhan. "Bakit ka nag sinungaling? Bakit mo ko iniwan? Sino ang ama niyan? Ilang buwan ka ng buntis? Sumagot ka Valeria!" Sa sobrang inis ko ay agad kong tinabig nag flower base sa may kanan ko at saka ko siya tinignan ng mata sa mata pero di niya ako tinitigan.

"Bakit? Hon? Bakit kung kelan nahulog na ako saka-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nag salita.

"I-Ikaw ang ama Kurt wala ng iba" saad nito na ikinatigil ng mundo ko. Ako? Ako ang ama! Imposible pero sino ang lalaking yun.

"Di ako naniniwala! Sino ang lalaking yun! May-" biglang naputol ang sasabihin ko ng pumasok ang lalaki kanina. Siya ang sinuntok ko! Anong ginagawa nito dito?! Akmang susuntukin ko na siy bigla siyang tumili ng matinis.

"Wag kuya! Mahirep mashira ang mukha key!" Sabi nito na agad nagpatigil sakin! Bakl siya! P*t bakla ang pinag-hihinalaan ko? Agad akong napatawa ng mapakla at saka humingin ng pasensya agad din niya kaming iniwan.

Natahimik ang paligid simula ng umalis ang bakla na akala ko ay kabit niya "Ahm. S-sorry!" Sabi ko sa kanya sabay kamot sa batok at saka linapitan siya.

"W-wag kang lumapit!" Saad nito na takot na takot? Bakit? Epekto ba ito ng dahil sa ginawa ko noon? Karma ko na ba ito? Shit! Ang sakit! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kahit nung naghiwalay kami ni Catherine.

Niyakap ko siya kahit na pinipilit niyang kumawala. "Sorry, sorry hon! Sorry!" Paulit-ulit kong sambit hanggang sa kusa na lang siyang timigil sa paghahampas sa braso ko.

"Look! I'm sorry, di ko alam kung bakit ka umalis? Kung may nagawa man ako sorry na! Please bumalik ka na sakin!" Sabi ko hanggang sa naramdaman ko na lang nabasa ang braso ko at saka siya humagolhol sa pag-iyak.

"Mahal mo pa ba si Cath?" Yun ang unang lumabas sa bibig nito na siyang ikinatawa ko ng mahina.

"Di na! Dahil ikaw na ang mahal ko! Sorry dahil ang gago ko, sorry dahil sinayang ko ang tulad mo, sorry kasi di ko nakita ang pag-mamahal mo! Sorry kasi nabulag ako, pero ngayon, ayaw ko na! Ayaw ko ng mawala ka! Sorry na please bumalik ka na" sabi ko sa kanya at kasabay nun ang pag-agos ng mga luha ko.

Hindi pa ako umiiyak sa babae, siya pa lang ang iniyakan ko kahit na first love ko si Catherine, sa tuwing naaalala ko si Cath laging nanubumbalik sakin ang pag tataksil niya.

Pero hindi di ko gagamitin si Valeria para lang mawala ang sakit, tama na ang iniwan niya ako ng isang buwan, sa loob ng isang buwan wala akong buhay daig ko pa ang isang patay, wala akong pinapakinggan lulong ako sa alak at nasa condo lang ako palagi, ayaw kong lumabas dahil wala naman akong pupuntahan.

"Sorry din, pero ayaw ko na" sabi nito na siyang ikina-guho ng mundo ko at unti-unti ko siyang nilingon at saka niyakap siya ng mahigpit.

"Wag please, magbabago na ako. Wag mo kong iwan ulit, di ko kaya. Please!" Sabi ko sa kanya na di ko mapigilan ang umiyak siya lang ang nakapag-paiyak sakin ng ganito, sa kanya lang din ako nakaramdam ng maiwanan.

"Oo di na ako aalis sorry akala ki kasi siya parin ang mahal mo!" Sabi niya saka umiwas siya ng tingin at saka tumingin sa may bintana.

Hinaplos ko naman ang pisngi nito at hinarap siya saka siya marahang hinalikan at tumugon naman siya sa halik na ginawad ko, palalim na ng palalim ang halikan namin ng may biglang kumatok sa pinto saka na lang ako napatigil at saka dali-daling tumayo at siya naman ay umiwas ng tingin sakin.

The Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon