SOMEONE'S POINT OF VIEW
Sige lang Kurt pakasaya ka na habang may oras ka pa dahil ako naman ang kikilos hindi muna sa ngayon pero darating ang araw na magmamakaawa ka sa akin na itigil ang lahat ng ito.
"Handa na ba ang lahat? Ang mga cctv camera ba ay handa na para sa pang-espeya?" Tanong ko na agad nilang ikina-tango na siya namang ikina-ngisi ko
"Humanda na kayo lalo ka na Kurt! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mong pagpapahirap sa pamilya ko at sa pamamahiya mo sakin! Lahat ng toh! Pagbabayaran mo!" Sabi ko sa sarili ko at saka tumungo sa may bintana para magpahangin.
Dumaan na ang mga araw na naayon na ang lahat sa plano ngayon Kurt mararamdaman mo kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay, agad akong nakarinig ng ingay galing sa gate at lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ang dala-dala ng mga tauhan ko!
"BITAWAN NIYO KO! P*TA! BITAW!" Pilit siyang gumalaw kahit na nakatali ang kamay,paa at sa may mata nito. Matapang! Yan ang unang pumasok sa isipan ko ng makita ko kung gaano siya kalakas at nais na man laban ngunit talo parin siya dahil babae lang siya.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at saka marahang hinaplos ang mukha niya at itinigil ko ito sa may bandang labi niya at ramdam kong nanginginig siya dahil ramdam ko yun "Don't Be afriad!" Saad ko agad naman habang diniinan ang kanyang mukha na agad niyang iniwas, ngunit di ko parin hinayaan siyang makawala.
"O-ouch!" Alam kong nasasaktan na siya at ramdam ko yun kaya't unti unti kong binibitawan ang mukha niya at dahan dahan ko namang nilapit ang mukha ko at ng akmang hahalikan ko na siya ay bigla niya akong dinuraan.
"May takip ang mata ko pero malakas naman ang pandama ko! Wag kang magkakamali kundi basag yang pinaka-iingatan mo!" Pagbabanta nito na siyang ikinatawa ko at saka ko siya sinampal ng malakas nakita kong bumakat ang kamay ko roon ngunit wala akong pake mukhang mag-eenjoy ako akmang sasampalin ko ulit siya ng biglang tumunog ang cellphone niya.
At ng tinignan ko ito ay agad akong ngumisi ng makitang si Kurt ang tumatawag unti-unti akong lumapit ulit
"Kurt!" Simula ko at nakarinig agad ako ng isang malutong na mura galing sa kanya at agad akong napahalakhak
"P*TA ASAN ANG ASAWA KO?! SAN MO SIYA DINALA!" Alam kong nag-aapoy na ito sa galit na siyang mas nagpangisi sakin agad kong hinigpitan ang buhok ng kanyang asawa at agad itong napasigaw sa sakit.
Sunod-sunod ang murang natanggap ko galing kay Kurt at isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko bago pinatay ang tawag at saka ko binitawan ang buhok nito.
"Ikulong niyo na yan! Wag na wag niyong tatanggalin ang piring at wag na wag niyo siyang gagalawin kung hindi kayo ang malalagot sakin!" Saad ko saka tinapunan sila ng isang cold na tingin at saka nakapamulsang umalis
Patikim pa lang yan Kurt di pa yan matatapos at ang una kong pahihirapan ay ang asawa mo kahit wala siyang ginawa ay damay na siya simula ng pumasok siya at nanghimasok sa buhay mo!
Valeria's Point Of View
Argh! Ang sakit ng katawan ko akala ko panaganip lang ang lahat ngunit hindi pala. Kurt san ka na? Please ilayo muna ako dito di ko na kaya. Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may biglang pumasok na dalawang lalaki ngunit nakamaskara sila.
"Kumain ka na sabi ni boss!" singhal nito saka nilapag ang pagkain sa harap ko hmm manok! Pero ayaw ko mamaya may lason pa yan mamatay pa ako di ko ginalaw ang pagkain ko kahit sampung minuto na ang lumipas pero wala parin mukhang napansin nila yun at bigla nila akong nilapitan
"Kumain ka na ka-" di ko na siya pinatuloy pa ng pagsasalita ng sumabat na ako "Bat di ikaw ang kumain niyan ikaw naman nagsabi diba?" Naiinis na turan ko dito saka siya at nakita ko ang paglukot ng mukha nito saka ako tinitigan ng masama
Napangiwi ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko at diniinan ito bigla na lang nanubig ang mga mata ko sabi nila emosyonal daw talaga pag buntis di ko naman maaaring sabihin sakanila na buntis ako baka mamaya pati si baby madamay pa baka mapatay ko na sila
"Diba ang bilin satin ni boss di natin siya pwedeng saktan dahil pag yan nagkaroon ng pasa tayo ang malalagot" Sa sinabi ng lalaking yun agad namang natauhan ang lalaki kaya't pinakawalan niya ang mukha ko saka tinitigan ng masama kaya't wala akong nagawa kaya kumain na lang ako kahit na ayaw ko
Nagising na lang ako ng may humaplos ng mukha ko di ko namalayan na nakatulog pala ako sa sobrang pagod ko ng maimulat ko ang mata ko bigla na lang akong kinabahan bakit? Bakit sa dami ng tao dito sa mundo siya pa!
"Sorry nadamay ka pa! Di ko to gusto pero parte ka na ng buhay niya kaya kailangan mo na ring mawala sa mundong ito! Di muna ngayon darating tayo diyan mag antay ka lang!" Saad nito saka umalis sa harapan ko at di ko namalayan na ang luha ko kanina ay paunti-unti ang patak naging agresibo ito at napalitan ng isang malakas na hagulhol bakit? Yan ang tanong na laging nasa isip ko BAKIT?
Author's Point Of View
Halos isang linggo ng walang maayos na tulog si Kurt kakahanap sa nawawala niyang asawa na sa kabilang dako naman na ang mortal niyang kaaway ay sayang saya dahil sa pagpapahirap nito kay Kurt ang nais nito ay mawalan na siya ng pag-asa dahil sa tuwing tinatrack sila ay hinaharangan naman niya agad kaya't di sila nakakaluha ng kahit anong inpormasyon ngunit isa lang naman ang hawak nito ngunit di niya parin magawan ng paraan. Bakit ngayon pa nagkanda leche-leche ang lahat kung kelan masaya na sila ng asawa niya saka pa dumating ang pinaka mortal nitong kaaway.
Bumalik sa realidad si Kurt ng marinig niyang nag ring ito ngunit napalitan ito ng pagkunot ng noo dahil unregistered number ang nakalagay doon pero sinagot parin niya ito dahil may sariling isip ang kamay nito
"Musta Kurt!" Agad siyang natigilan ng marinig niya ang boses na iyon hindi dahil sa boses ng kausap nito kundi ang boses ng asawa niyang sumisigaw
"Anong gina-" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ito ulit
"Pumunta ka sa dati nating tagpuan wag na wag kang magsasama ng kahit na ano kundi lagot itong asawa mo naiintindihan mo ko?!" Wala sa sarili niyang nabanggit ang salitang 'oo' para sa asawa nito ay gagawin niya ang lahat harapin man niya ang kamatayan basta't makasama at makapiling niya ito.
Hindi makatulog si Kurt kakaisip kung ano ang mangyayari sa kanila pag hinarap niya ang kaaway nito ng walang tulong sa iba kakayanin niya alam niya sa sarili nito ngunit di niya alam kung kakayanin ng asawa nito ang makikita ng asawa nito na ganun kahalimaw si Kurt.
Lumubog na ang araw at unti-unti na siyang nilamon ng kaba ng dumating na siya dapat niyang pupuntahan at ng makita niya ang asawa niyang nakatali ang bibig at kamay nais na niyang bugbugin ang mga ito lalo na't nakita niyang may sugat ito sa braso at namumula ang pisngi nito hindi siya tanga para mag bulagbulagan na akala mo'y hindi siya sinaktan ng mga ito.
Galit na galit siya iyon ang nararamdaman niya ngayon at napag-alaman na lang niya na may mga sumusugod na pala sa kanya pero wala siyang paki-alam doon nakipag sapakan siya sa mga tauhan na haharang sa daanan niya.
Sipa,suntok,iwas,tadyak paulit-ulit at di rin sila nauubos kahit pagod na pagod na itong makipaglaban ay pipilitin niya para sa minamahal niyang babae.
Ngayong tatlo na lamang sila ay agad din hinablot ni Jack ang braso ni Valeria saka tinutukan ng baril sa ulo