Author's Point Of View
Mariing pinikit ni Valeria ang kanyang mga mata at taimtim na nagdadasal na naway walang mangyaring masama sa kaniya o sa kanila.Naramdaman na lang niya ang biglang paghigit sa kanya ng kung sino man bigla niyang namulat ang kanyang mata na kanina lang ay nakapikit at mas lalo siyang nagulat na ang kaharap niya ngayon ay ang pinsan niya na si Catherine.
"Ano masaya ka na?! Wala na sakin si Kurt! Di ka dapat mabuhay dito sa mundong ito mamatay ka na! Mawala ka na sa landas ko!" At pagkatapos nitong sabihin ay bigla na lamang niyang kinaladkad si Valeria habang hawak hawak nito ang buhok nito, wala namang magawa si Valeria kundi magpahila na lang dahil sobrang pagod na ng katawan nito.
Habang sa kabilang panig naman ay walang patid at walang tigil sa pag-ilag ng mga suntok na pinapakawalan nilang dalawa tila wala silang kapaguran magpalitan ng suntok pero nawala ang pokus ni Kurt ng marinig nito ang tili at pag-iyak ni Valeria. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya bago natumba si Jack, agad na tumakbo si Kurt at saka iwinaksi si Catherine na sanhi ng kanyang pagkatumba.
Akmang pupulutin palang ni Catherine ang baril na nasa sahig ng may nauna na dito at ng makita nila iyon laking ginhawa nila na si Ronnie na kapatid ni Valeria ang may gawa noon at saka hinila patayo si Catherine at tinungo sa mga pulis.
"Ayos ka lang ba Hon? Wala bang masakit sayo?" Alalang-alala na tanong ni Kurt sa asawa nito pero tanging ngiti na lamang ang nasagot nito bigla silang nagulat ng marinig nila ang pagkasa ng baril sa may likuran nila nakalimutan nila na andoon parin si Jack sa likod nila
"Isa sa inyo ang mama-aalam!" Nakangisi nitong sagot habang unti unting tinaas ang kamay nito sa ere kinabahan si Valeria hindi maaari, hindi maaaring mamatay si Kurt, madami na itong nagawa kahit mali, mahal parin niya ito kaya't hindi siya maaaring mamatay.
Sa pagputok ng baril ay siya ding pagtama ng bala sa balikat ni Valeria na siyang ikinabagsak niya sa lupa na siya ring ikinabagsak ni Jack sa lupa ngunit wala doon ang pokus ni Kurt dahil nakatuoon ang atensyon nito sa kanyang asawa na ngayon ay nasa bisig na nito "No! Valeria! Hon. NO PLEASE DON'T LEAVE ME! I LOVE YOU HON!" Walang ibang ginawa ang mga mata ni Kurt na umiyak lamang nito habang walang magawang tignan ang asawang nahihirapan ng huminga mabuti na lamang at dumating na ang mga medical team.
Habang patungo sa sila sa Hospital wala siyang ibang ginawa kundi ang hawakan ang kamay ni Valeria at taimtim na nagdadasal na naway maging ligtas ang kanilang anak at si Valeria dahil hindi nito makakayanan, hindi niya kayang mawala sa buhay nito.
Isang buwan na ang dumaan mag mula ng sinugod ditonsa hospital at sa looh ng isang buwan walang ibang ginawa si Kurt kundi ang magdasal na sana'y gumising na ito. Labas masok ang nurse sa loob ng private room para icheck ang vital signs ni Valeria.
Hindi alam ni Kurt kung ano ang nangyayari basta't ang alam na lang niya ay dinala siya ng sarili niyang paa sa loob ng isang chapel may sarili utak ang kamay at tuhod nito na biglang tumiklop at nagdasal na sana'y maging maayos na ito at sana ay magising na siya.
Pagkalabas na pagkalabas niya sa loob ng chapel ay nakita niyang nagtatakbuhan ang mga nurse at doctor patungo sa kwarto ng asawa niya, bigla siyang kinabahan dahil doon kaya't dali dali siyang tumakbo at di nga siya nagkamali sa kwarto ni Valeria nag tungo ang mga nurse at ang doctor.
"A-Anong na-nangyayari?!" Garalgal na ang tinig nito ng makita niyang chine-check si Valeria. "Sir nagising na po kasi siya pero di siya nagsasalita" mahinahon na sabi ng isang nurse at saka lumabas ang doctor na tumungin kay Valeria.
"D-doc ano meron!" Di niya maiwasan ang pagtaas at pag piyok ng boses nito dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya. "You better check it by yourself baka di mo kayanin" natungong saad ng doctor at saka umalis na siya namang dali-daling pumasok sa loob at nakita niya na si Valeria ay gising na at naka-upo sa higaan nito.
Sa sobrang saya ng nararamdaman niya tila isang tinik ang nabunot mula sa lalamunan nito at nakahinga na siya ng maayos, sa sobrang tuwa at saya ang nararamdaman niya ay di niya maiwasang yakapin si Valeria.
Ngunit laking pagtataka nito ng yakapin niya si Valeria ay tila wala itong imik, at di man lang siya tinitigan sa mukha, anong nangyayari? Maraming tanong ang gusto niyang itanong pero nawala ang atensyon niya doon.
Ng marinig niyang magsalita si Valeria ay gusto niyang tumalon sa tuwa ngunit agad ding naglaho na tila isang bula dahil sa mga katagang binitawan mula sa bibig ni Valeria.
"Sino ka?" Ang mga katagang binitawan ni Valeria sa sarili nitong bibig ay siyang nagpatigil ng mundo niya. Di maaari! Di siya maaaring makalimutan ni Valeria! Kung kelan mahal na niya ito! Pero hindi! Hindi siya titigil! Ipapa-alala niya ang nakaraan nito ngunit hindi ang madilim niyang nakaraan.
"A-ako si K-kurt! Ang A-Asawa mo!" Pautal-utal na ang tinig nito at saka tinignan ang kanyang minamahal na babae, ng mag tama ang kanilang mga mata agad itong nanubig dahil sa walang ekspresyon ng mata kahit sa mukha hindi niya ito nahihirapan siyang basahin ang mga ito.
Baka nagbibiro lang ito! Hindi maaari! Valeria! Hon ko!
"D-di mo ko ma-aalala? B-Bakit?" Tanong nito ngunit sa bandang huli ay pumiyok ito dahil hindi na niya nakayanan at pumatak na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan umiyak. Hindi siya ganito pero bakit ng dahil sa babaeng ito nagagawa niya ang ayaw niyang gawin.
Hindi siya umiiyak sa ibang babae bukod sa nanay niya pero siya nagawa siyang paiyakin, kahit sa simpleng ekspresyon lang, hindi niya pinapakita ang side na pagiging sweet niya dahil alam niyang gagamitin lang ito para sa kahinaan nito, hindi siya ngumi-ngiti o tumatawa pero sa simpleng ginagawa ni Valeria nagagawa niyang ngumiti o tumawa, hindi siya pumapasok sa mga pasyalan dahil ayaw niya sa crowd pero dahil kya Valeria nasanay na siya.
Marami siyang nagagawa na noon ay ayaw niyang gawin dahil sa pagiging clingy, maarte, maingay, mausok pero lahat ng ayaw niya noon ay nagagawa niya at nagugustuhan na niya ngayon. Ito na ba talaga ang epekto ng pag-ibig, maniniwala na ba talaga siya sa kasabihang 'Tinamaan ka ng lintik'.
Takot at kaba iyan ang nararamdaman niya ngayin dahil sa nangyari dito sa loob ng private room nila. Takot dahil di siya makapaniwalang di na siya maalala nito at kaba naman dahil maaaring na-apektuhan ang anak nila hindi niya mapapatawad ang sarili niya.