KABANATA 4

23 16 0
                                    

Dedicated to BlackPandaBaby

Sa isang malawak na sayawan ay nakahanay ang lalaki sa kaliwa at kanan naman ang mga babae. Ngayon ang araw ng pagsasanay sa darating na sayawan ng lahat ng kaharian at bawat alipin sa Howla. Ang araw na darating para sa sayawan ay libre para sa lahat. Walang hangganan o hahanggan para magkahalubilo ang mga mabababang angkan at matataas na angkan.

Natahimik ang mga pasimpleng nagkukwentuhan na mga prinsipe at prinsesa ng may humampas sa isang prinsesa sa likod. At walang iba kundi si Ella. Si Ella Maharlika.

Napangiwi si Ella at pasimpleng itinago ang nilalang sa makapal na bulsa ng suot niyang mahaba na damit. Na kalimitan ay prinsesa at reyna lang ang nagsusuot. Sinigurado niya munang nakakahinga ang nilalang doon.

Tumayo siya ng tuwid at nakangiwing tumingin sa Mayordama. Tinignan naman siya nito ng panandalian. Pagkatapos ay pumunta na ito sa gitna. Dala-dala nito ang pinangpalo sa kanyang pamatpat.

"Mga minamahal naming Prinsesa at Prinsipe nais naming ipabatid sa inyo na ang araw na ito ay ang araw ng pagsasanay at hindi paglilibang." malakas na turan ng Mayordama. Bumaling pa ito kay Ella ng sabihin ang panghuli.

Halos lahat din ng nandoon ay bumaling sa kanya. Ngunit isa lang ang pinagtuonan niya ng pansin. Si Peter na nakangisi sa kanya at wari niya ay sinususot siya nito.

'Sana nagkasakit nalang ulit ako'

Noong panahon na may sakit siya ay maayos ang pakikitungo sa kanya ni Peter. Pero ngayon. Ugh, daig pa ang parang wala silang pinagsaluhan na samahan nun.

"Ehem, sige na. Hahayaan ko kayong pumili ng kaparehas niyo" agad na usap ng Mayordama at taimtim na pinagmasdan lang ang mga prinsesa at prinsipe sa loob.

Agad namang naglapitan ang mga prinsipe sa mga prinsesa at malugod na naglahad ng kamay na tinanggap lang naman ng mga kinikilig na mga prinsesa.

Samantala naman si Ella at ang isa pang kalapit niyang prinsesa ay wala pang kapares.

Nang magawi ang tingin niya kay Peter ay wala padin itong kapareha. Napalunok si Ella ng unti-unti na lumakad si Peter at palagay niya ay sa pwesto niya ito pupunta.

Napangiti siya ng malagkit ng maglahad ng kamay si Peter sa kanya. Kinikilig na iniangat niya ang kamay at tatanggapin ma sana ang kamay ni Peter. Pero napalugatmat siya ng biglang lumipat ang kamay ni Peter sa katabi niyang Prinsesa.

Tulalang tinignan ni Ella ang pagtanggap ng Prinsesa doon at parang halos durugin ang puso niya ng ang dalawa ay matamis na pumunta sa pwesto na tinuturo ng Mayordama.

'Sana lumisan ka nalang ng nag-iisa. Hindi yung may kasama kapa'

Parang daig niya pa ang tinarak sa puso ng makita iyon. Si Peter na malagkit na nakatingin sa Prinsesa nitong kapares. Habang ang kamay nito ay nasa bewang. Bewang? BEWANG!!! Parang nagbalik tuloy sa ala-ala niya ang pagyakap nito sa bewang niya ng akala niya ay malulunod na siya. Ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Ang pagdagan sa kanya. Ang paglapat ng mga balat nila. Ang pagkikiskisan ng mga balat nila. Ang pagtitig nito sa kanya. Ang pagsipa niya-- Sana nilaksan niya ang sipa niya dito ng natamaan ang iniingatan nito. E, naiinis talaga siya. Nasasaktan din siya.

Napabaling naman ang tingin niya kay Prinsesa Maura ng marinig niya ang mga hagikgik nun. Hagikgik na animo ay kinukurot ito sa kilig. Pansin niya din na pasimple itong pumipisil sa mabatong braso ni Peter. Brasong mabato. Nakakatakam. Nakakapanglaway. Nakakahulog ng salwal. At higit sa lahat ang pinapangarap ng lahat ng Prinsesa sa Howla na mapisil at mahaplos iyon. At nagtagumpay na si Maura.

'Ako dapat yun ih. Ako dapat ang nasa piling ni Peter. Ako dapat ang ka--basta ako dapat'

Naalis ang paghihimutok niya sa isipan ng may kumuwit sa kanya. Pagtingin niya dun ay si Prinsipe Nowel pala iyon. Naglahad ito ng kamay at naluluha naman na tinanggap iyon ni Ella. Labag man sa loob niya pero kailangan niya yung gawin. Kailangan niyang tanggapinna talagang wala ni isang maliit na interes o pagkagusto sa kaniya si Peter. Pinaglalaruan lang siya nito. Isa lang siyang katuwaan para dito. At iisipin nadin niya siguro na pakitang tao--este nilalang lang ito sa palasyo noong may sakit siya.

Halos parang ayaw igalaw ni Ella ang paa ng ituro ng Mayordama na sa kalapit sila nila Peter pupwesto. Halos tagusan ang paningin niya kila Peter ng pumuwesto na sila.

Pansin niya namang kumumpas ang Mayordama at nagsimula na tumugtog ang mga instrumento na wala naman nagpapatugtog. Tiyak na sa kapangyarihan ng Mayordama iyon.

Nagsimulang gumalaw ang mga katawan nila base sa sasayawin. Taon-taon na nilang ginagawa iyon at halos kabisado na nila. Kaya ang isipin na pag-aaral ulit nito ay may medyo kabagutan na. Lalo na at kahit isang beses ay hindi manlang nakapares ni Ella si Peter. Pagkakataon na sana niya kanina. Umasa siya na yun na ang simula ng pagbubukas ng mga puso nila para sa isa't isa. Parehas titibok iyon at silang dalawa ang laman ng mga pusong iyon. Pero ang lapastangan na si Peter ay pinaasa na naman siya. Pinaglaruan na naman siya nito.

"Ano ang iyong iniisip Prinsesa Ella?" biglang tanong ni Nowel.

Inalis ni Ella ang tingin kila Peter at daretso niyang tinignan si Nowel. Lumunok muna si Ella ng parang may humaharang sa lalamunan niya. Para siyang sinasakal sa sobrang sakit na nararamdaman. "Yu-yung susuotin ko sa gaganaping sayawan."

Maang tinignan naman siya ni Nowel. "Ngayon ko lamang nalaman na lumuluha ka pala Prinsesa Ella kapag nag-iisip ng susuotin"

Kinapa niya ang isang mata at napansin niyang basa iyon. Inapa niya din ang pisngi at mamasa din iyon. Nasobrahan na ata ang pagtingin niya kila Peter kaya naging manhid na siya.

"Wala lang ito" kumbinsi niya kay Nowel.

Nagkibit-balikat nalang naman ang isa at ginawa nila ang susunod na galaw.

Habang sumasayaw ay iniiwasan ni Ella na mapadpad ang tingin kila Peter. Sapagkat siya ay lubusang nasasaktan. Lubos-lubusan iyon.

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon