KABANATA 5

24 15 0
                                    

Dedicated to BlackPandaBaby

Hindi mawari ni Peter kung anong sumuksok sa kokote niya at niloko niya lang si Ella. Si Ella naman talaga ang nais niyang makapares pero para siyang sinuntok sa dibdib ng maisip na hindi nga pala sila close. At wala siyang balak na makipagclose dito. Ang buhay niya ay para lamang sa lugar ng mga mortal. At ang puso niya ay nasa isang mortal na. Si Ally, ang mortal na iniibig niya at halos isang taon nadin sila. Dahil sa mahal na mahal niya din ito ay naikwento niya ang sikreto dito. Malugod naman iyong tinanggap ni Ally na talagang nagpatibay ng pagmamahal niya dito. And his already taken and his heart too. Kaya ngayon talagang aligaga na siya sa susunod na pagtakas sa Howla at pag-alis niya ay wala na siyang balak pang bumalik. Tatalikudan niya ang lahat para sa sariling kaligayahan- sa kaligayahan nila ni Ally. Ang mortal. Ang babaeng mahal na mahal niya. Naniniwala na nga siya sa kasabihan na talagang isusuko mo ang lahat para sa minamahal mo. At ang tungkol kay Ella. Ang pakikipaglaro niya dito ay walang ibig sabihin. Talagang humanga lang siya kay Ella ng isang segundo. Yep, isang segundo lang o lima lamang. For him, si Ella ay kakaiba sa lahat ng nakilala niyang Prinsesa. Hindi ito katulad ng iba na halos ipagdikdikan ang sarili sa kanya at pansin niya din na tumutupad ito sa pangako. Hindi siya isinumbong nito.

"Prinsipe Peter!"

Napatigil si Peter sa pagsakay sa kabayo ng may tumawag sa kanya. Hinaplos niya muna ang kabayo bago bumaling sa tumawag.

"Ano ang iyong kailangan, Prinsesa Maura?" malugod na tanong niya.

Ipinusod naman ni Maura ang buhok sa tainga at pansin ni Peter na dinilaan nito ang labing pulang-pula. "Maaari ba tayong magliwaliw?"

Panandalian na pinagsalubong ni Peter ang kilay sa naging tanong ni Maura. "Paumanhin Prinsesa Maura, pero ako'y may pagsasanay pang gagawin" Pagsasanay? Sinong niloko niya? Ni wala nga siyang gagawin ngayon. Talagang gusto niya lang lumusot sa inaalok ng Prinsesa.

"Ay ganun ba. Siguro..." tumigil ang Prinsesa sa iwiniwika at parang isang modelo na lumakad papalapit sa kanya. "Sa susunod ay maaari na" Dumampi ang kamay nito sa braso niya at para siyang napaso sa ikinilos nito.

Agad siyang lumayo dito na pansin niya ay ikinagitla ng Prinsesa. Tapos na siya sa paglalaro dito kaya dapat wala ng dikit-dikit act pa.

"Ako ay lilisan na" nagmamadaling turan niya at agad-agad na sumakay sa kabayo. Pagkasakay ay agad niya itong pinatakbo at hindi na pinansin pa ang pagtawag ni Maura.

Para siyang nangilabot sa haplos nito. O siguro dahil talagang mahal na mahal niya si Ally.

'Pero nilandi mo siya kanina'

Napailing nalang siya sa naisip at nagpatuloy nalang sa pagpapatakbo ng kabayo.












Napatigil sa pagpapatakbo ng kabayo si Peter ng makasalubong niya ang Hari ng Maharlika kasama ang mga tauhan nitong may mga dalang iba't ibang gamit sa pangangaso. Habang ang Hari naman ang dala-dala ay ang espadang nakasukbit sa bewang nito.

Bumaba si Peter sa kabayo at yumuko sa Mahal na Hari bago iangat ang ulo ay malapad na ngiti ang sinalubong niya dito. "Mahal na Hari"

"Prinsipe Peter, hindi ba napapagod ang kabayo mo sa kakatakbo?" Humalakhak ang Hari na ikinahalakhak din ni Peter at ng ibang tauhan ng Hari.

"Mukhang ikaw naman Kamahalan ay may tutugisin na naman"

Nakangising hinaplos ng Hari ang baina ng espada. "Ikaw ba Prinsipe Peter, kailan mo tutuhugin ang puso ng munti kong Prinsesa?"

Napalunok ng tatlong beses si Peter sa tanong nito.

Nang mapansin ng Hari na natigilan si Peter ay sunod-sunod itong humalakhak. Napahawak pa nga ito sa tiyan na may baluti. "Ako ay nagbibiro lamang Prinsipe. Sige na at hahayo na kami" Tinapik pa ng Hari ang balikat ni Peter bago tuluyang lumisan.

Pagkaalis ng Hari ay naipahid ni Peter ang likod ng kanang kamay sa sariling noo na namamawis na pala sa naging tanong ng Hari. Aaminin niya kinabahan siya sa di niya malamang dahilan.

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon