KABANATA 9

22 11 0
                                    

Dedicated to BlackPandaBaby

Malambing na tinungo ni Ella Maharlika ang kanyang Inang Reyna. Tumungo siya sa likod nito at ng matagumpay na nakalapit siya dun ng hindi siya napapansin ay maingat na tinakpan niya ng dalawang palad niya ang mga mata ng kanyang Ina.

Nagulat naman ng bahagya ang Reyna pero ng nakabawi ito ay maingat na tinaggal nito ang mga palad ni Ella at bumaling sa pwesto ng anak. "May kailangan kaba Ella?"

Ngumiti ng matamis si Ella at umikot papunta sa kinahaharapan ng Ina kanina. Sumunod din naman ang Reyna at ngayon ay nakaharap na sila sa isa't isa.

"Ina, ako po'y nababagabag" Kung kanina ay nakangiti si Ella, ngayon naman ay lumungkot ang mukha nito. Mukha na may mga matang nakangiti pa din kahit na sumimangot siya. Mga kilay na alagang-alaga ng mga Damang naatasan na alagaan siya. Labing parang pinaghalo ang kulay ng kayumanggi at maitim na kulay ng pula. Ito ang tinatawag na gandang kakaiba. At iyon ang ganda ni Ella na siya lang ang nakakapansin.

Natatawang tinignan siya ng Ina niya. Napakunot naman ang noo ni Ella ng parang mapansin niyang hindi siniseryoso ng Reyna ang usapan nila.

"Nababagabag ka saan anak?"

Tinanggal ni Ella ang pagkakakunot ng noo niya at ibinagsak naman niya ang balikat niya. "Pakiramdam ko Ina, hindi na ako magkakaroon ng sarili kong pamilya. Hanggang ngayon, wala padin akong kabiyak. Napag-iiwanan na ako Ina. Kasuklam-suklam po ba ang aking itsura? Sinumpa ba ako Ina? Isi--"

Agad niyakap ng Reyna ang anak na ikinadahilan nito para ito ay mapatigil sa pagsasalita. Hinaplos-haplos niya ang likod ng anak. "Ella, hindi ka kasuklam-suklam. Hindi kadin isinumpa, anak ko"

Humiwalay naman ng yapos si Ella dito at naluluhang tinignan ang Reyna. "Pe-pero Ina, bakit wala pa akong iniirog o kabiyak?"

Pinahid ng Reyna ang mga luha niya at nginitian siya nito. "Ella, wala sa itsura ng Maharlika ang kasuklam-suklam. Siguro kaya hindi pa sumusulpot ang kabiyak mo dahil ay hindi ka lumalabas ng palasyo"

"Kung gayon Ina, ngayon na ho ako lalabas ng makita kona siya"

Agad namang naglakad papaalis si Ella pero agad itong hinawakan ng Reyna na ikinalingon nito. "May problema po ba Ina?"

"Ella, hindi purkit sinabi ko na hindi ka lumalabas ay maaari ka ng lumabas ngayon..." wika ng Reyna at binitawan ang braso ni Ella.

"Pero Ina sabi mo lu--"

"Anak, hindi minamadali ang pag-ibig. Bata kapa at marami kapang kailangang mapag-aralan sa mundo. Tandaan mo, hindi tayo pangkaraniwan"

Tumango si Ella sa iwinika ng Ina. "Opo, tatandaan ko po"

Yumuko sa harap ng Reyna si Ella na tanda ng paumanhin at pagpapaalam.

Agad siyang lumakad ng mahinhin pataas upang tunguhin ang kaniyang sariling silid. Pagkadating dun ay pasalampak siyang humiga sa malambot na higaan. Itinaas niya ang dalawang paa at ipinatong sa unan sa paanan. Hindi na niya pinagkaabalahan pang tanggalin ang sandalyas sapagkat wala namang nakakakita sa kanya. Ininganga niya din ang labi at nagpatunog ng tunog na parang nagmumumog. Prinsesa siya pero hindi niya ramdam iyon. Ang nais niya ay ang mapadpad sa labas. Sa lugar ng mga mahihina o mortal kung tawagin ng mga nilalang na katulad niya.

Isinara niya ang bibig ng may sunod-sunod na kumatok doon. Ibinaba niya ang paa at iniayos ang pagkaka-upo. Pinunasan niya din ang gilid ng labi para masigurado na walang laway na kumawala doon.

"Maaari ka ng pumasok" Muntik pa siyang masamid ng pahinhinin niya ang kanyang boses.

Nang bumukas ang pintuan ng kwarto niya ay nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ang nilalang na nangambala sa kaniya.

"Helga!"

Masayang sinalubong niya ito ng yakap na ginantihan din naman ng isa.

"Prinsesa Ella. Mukhang sabik na sabik ka sa akin ah"

Pabirong hinampas naman ito ni Ella ng marinig niya mula dito ang salitang prinsesa. "Ella, Helga. Ella"

"Ehem, Ella. Siguro alam mo na kung bakit ako napadpad dito?"

Ngumiti naman ng nakakaloko si Ella at humawak sa braso ni Helga.

"Handa kana ba?" tanong ni Helga at inilabas ang patpat na mukhang sanga ng kahoy. Patpat kung tignan pero ito ay may angkin na kapangyarihan.

"Sa mga mahihinang nilalang tayo" masayang turan ni Ella.

Naiiling na iwinagayway ni Helga ang patpat at kasabay ng pagbigkas nito ng salitang hindi mo mawari kung ano ay agad nawala ng parang bula ang dalawa.

At siya si Ella Maharlika ang nilalang na naghahanap ng kaniyang prinsipe. Nasa bawal na lugar man ito o wala basta siya si Ella Maharlika at sisiguraduhin niya na siya ang magiging tiga-pagligtas ng prinsipe niya.

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon