KABANATA 20

16 6 0
                                    

Inabot ng gabi si Ella sa pagtakbo. Ni hindi na niya alam kung nasan siya. Puro puno lang. Huni ng mga kuliglig. Malamig na samyo ng hangin. Madilim na kalangitan na tiyak na maya-maya lang ay uulan na.

Sabi ng Inang Reyna ni Ella konektado daw sila ng kalikasan kaya siguro masama din ang panahon dahil nararamdaman din nila ang lungkot niya. Ang lungkot ng pang-aalipusta ng mga nilalang at mortal na nasa paligid niya.

"Nananabik na ako kay Ina..." napasandal si Ella sa isang punong malaki at niyakap ang sarili. "Pati kay Ama nananabik na din ako" Ngayon sinisisi na niya ang sarili niya kung bakit ba pumunta pa siya sa mga mortal. Kung di siya pumunta dito ay tiyak na masaya siya sa kaharian nila. Tiyak na masaya siya habang pinapagalitan siya ng Mayordama na lagi siya ang napapansin.

Naiinis na naitampal niya ang kanang kamay sa noo. "Bakit kasi ako sabik na mahanap ang Prinsipe ko? Bakit kasi ang tanga ko? Bakit kasi ang baba ng kaisipan ko? Maharlika ba talaga ako o napulot lang ako ng mga Ama at Ina ko?" Napapikit siya sa kalungkutan at kainisan. Dinama niya ang hangin at haplos ng hangin sa katawan niya. Ang huni ng kuliglig na naging musika sa pandinig niya. Pati ang Howla ay nananabik na din siya. Kung may pagkakataon na makauwi siya ay uuwi na talaga siya at ipapangako na niya na hindi na siya aalis sa Howla. Doon na siya magtitimalog at kahit sabik siya sa mga mortal ay hindi na talaga siya aalis doon. Ipinangangako niya.

Napatingala si Ella ng sunod-sunod na pumatak ang ulan. Napapikit siya ng mga mata at hinayaang lumandas iyon sa katawan niya. Sa palagay niya ay malungkot din ang kalangitan. Nasasaktan din siguro ito.

Kailangan niya ng pahinga at tanging kapaligiran lang ang masasandalan niya ngayon.











Aligagang inikot ni Peter ang kagubatan na pinuntahan ni Ella. Matapos ang pag-alis niya kanina ay nakonsensiya siya kaya ng matanaw niya na tumatakbo ito ay sinundan niya ito ng palihim pero ng malingat lang siya ng sandali ay nawala na ito.

"Ella!" pagtawag niya ngunit tanging kuliglig lang ang narinig niya.

Napatingala si Peter ng bumagsak ang mga patak ng ulan sa kalangitan. Napasara niya ang dalawang kamao ng mahigpit at naiinis na sinuntok ang punong nakita. Hindi pa siya nakuntento at sinuntok iyon ng paulit-ulit hanggang sa natagpuan nalang niya ang sarili na dumudugo ang dalawa niyang kamao. Masaganang dumaloy ang mga dugo sa dalawa niyang kamao. May kirot iyon pero alam niyang mas nasasaktan si Ella ngayon. At kasalanan niya iyon. Bukod pa sa inis na inis siya sa sarili ay nalilito nadin siya sa nararamdaman. Ayaw niyang masaktan si Ella pero sinaktan niya ito. Mahal niya si Ally pero parang hindi na niya ito kilala. Nagtataka na siya sa pagkatao nito. Hindi na niya kilala si Ally. Parang may tinatago itong hindi niya malaman kung ano ang tinatago nito.

"Kasalanan ko ito!" Naiinis na sigaw niya at nanlalambot na napatukod siya sa puno.

Nang mabalik ang lakas ay sinuntok niya ulit iyon ng sinuntok. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyayaring masama kay Ella.

Nanlalambot na isusuntok niya ulit sana ang kamao pero nabitin iyon sa ere ng may biglaang yumapos sa likudan niya. Nanigas siya at tanging sunod-sunod na tibok ng puso niya ang tangi niyang nadidinig. Nang dahil sa isang yakap ng kung sino ay tumigil ang mundo niya. Tumigil ang paligid niya.

Humigpit ang yakap nito ng magtangka siyang gumalaw. "Tama na... Nasasaktan ako kapag nasasaktan kadin..." mahihinang hagulgol ang nadinig ni Peter sa nilalang na iyon.

Inalis ni Peter ang pagkakayakap nito sa kanya at humarap siya dito. "Ella, ikaw ba talaga yan?" Hinaplos niya ang mukha nito at sunod-sunod na hinalikan ang noo nito ng paulit-ulit.

Napapikit si Peter ng walang sabi siyang halikan ni Ella. Napapikit din si Ella at kasabay ng patak ng ulan ay ang pagtulo ng kapwa mga luha nila. Luha na dulot ng kasiyahan, katakutan, pangamba, at ang pagkasabik sa isa't isa.

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon