KABANATA 10

22 9 0
                                    

Dedicated to BlackPandaBaby

Pigil ang hiningang nagtatago si Ella sa halaman kasama si Helga. Kung kanina ay sabik na sabik si Ella at Helga. Ngayon naman ay kabadong-kabado sila. Para silang naglibot ng buong Howla sa bilis ng takbo ng mga dibdib nila.

Ayos naman kanina ang mahika ni Helga pero ng mapatapat sila sa paggagawaan ng orasyon para mapalabas ang lagusan ay bigla itong nagloko at ngayon ay para silang nakikipaglaro ng tagu-taguan sa mga kawal na nagmamatyag ng matiyaga.

"Ella, bibilang ako ng tatlo at pag bilang ko ng tatlo ay sabay tayong gagapang, ha?" bulong ni Helga kay Ella na nagmamasid sa likudan nila.

Agad humarap si Ella sa gawi ni Helga at hinigit na niya papadapa ito ng may mapansin siyang kawal na patungo sa pwesto nila.

"Ella, wala pang hudyat"

Binatukan ni Ella si Helga ng magreklamo ito. "Gumapang ka nalang"

Gumapang ang dalawa papalapit sa paggagawan ng orasyon. Bawat galaw nila ay ingat na ingat. Iniiwasan na makagawa ng ingay o kung ano mang aagaw ng pansin sa mga kawal.

Nang makadating sila sa orasyunan ay nagtaka sila ng makarinig sila ng mga yapak na papalayo sa lugar na kinalalagyan nila.

Tumayo si Helga para masilip iyon. At ng mapansin na ang mga kawal ay papalayo sa lugar ay agad nitong inihanda ang mga gagamitin sa orasyon.

"Helga para saan itong patalim?" Iwinasiwas ni Ella sa mukha ni Helga ang patalim na tinutukoy.

Panandalian lamang itong sinulyapan ni Helga at kalaunan ay bumalik ulit sa ginagawa. "Pag may dumating na kalaban hiwaan mo ng konti ng matakot"

Parang napapaso na inilapag ni Ella ang patalim. "Di ko kayang manakit"

Di na sumagot si Helga at nag simula ng magwika ng kung ano-anong lengguwahe.

Pansin ni Ella na pumuti ang mga mata ni Helga na kanina ay kulay kayumanggi. Nawalan iyon ng itim sa gitna at ramdam ni Ella ang kapangyarihan ng mga ginagawa nito.

Napatigil sa pag tingin si Ella kay Helga ng may marinig siyang sunod-sunod na yapak patungo sa kinaroroonan nila.

Nanginginig na kinuha niya ang patalim at dahan-dahan na gumapang. Habang gumagapang ay napatigil siya ng may sapatos siyang makita. Di lang basta sapatos dahil merong may nagmamay-ari noon.

Agad siyang tumayo at tinutukan ang lalaking nakatakip ang mukha. Hindi ito kawal pero meron itong magandang pangangatawan. Parang katawan ni Peter.

"Sino ka? Alam mo bang bawal na lugar ito?" hinigpitan ni Ella ang hawak sa patalim ng humakbang ang nilalang na kaharap niya.

"Huwag kang lalapit. Sinasabi ko sa iyo kikitilan kita ng buhay mo" wika ni Ella habang umuurong.

Nagulat si Ella ng pilit agawin ng nilalang na ito ang patalim niya. Nakipag higitan siya dito at halos mapaluha siya ng masugatan ang palad niya. Ang palad niyang pinakamamahal niya.

Napansin niya din namang napangiwi ang lalaki at pagtingin niya dun ay dumudugo din ang palad nito.

Dahil sa poot na nararamdaman ay nagtulakan si Ella at ang nilalang na ito. Parehas silang natumba at bumagsak sila sa ginagawang orasyun ni Helga.

Parehas silang natigilan ng matalsikan nila ng dugo ang ginagawa ni Helga. Pumula ang kaninang puting mga mata ni Helga at sa pagbanggit nito ng pahuling orasyun ay napapikit silang lahat ng umilaw ng sobrang liwanag.

Tumagal ng ilang minuto ang liwanag na iyon at pagmulat nila ay halos lumuwa ang mga mata ni Ella ng matagumpay na bumukas ang lagusan.

"Helga nagawa mo" masayang wika ni Ella at niyakap si Helga pero bigla itong natumba.

Tinapik-tapik ni Ella si Helga. "Ayos kalang ba Helga?"

"Ayos lang ako Ella. Sige na umalis kana at hindi magtatagal ang lagusan ay magsasara na"

Agad niyakap ni Ella si Helga at paulit-ulit na pinasalamatan ito.

Kinakabahang lumakad papalapit si Ella sa lagusan at parang di niya maintindihan kung iiyak ba siya o magwawala sa tuwa.

'Ito na ang pangarap mo Ella. Matutupad na'

"Ow fuck armies!"

Agad napalingon si Ella ng mabosesan ang nagsalita sa likod niya. Pero bago palang siya lilingon ay agad na may tumulak sa kanya papasok sa lagusan. Bago siya tuluyang lamunin ng dilim ay nakilala pa ni Ella ang tumulak sa kanya. At natitiyak niya na nakasama niya iyon sa pag tawid sa lagusan.

'Prinsipe Peter?'

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon