KABANATA 17

11 6 0
                                    

Marahan na paglalakad ang ginagawa ni Ella papalabas ng kwartong kanyang tinutuluyan. Nang makadating siya sa pintuan ay maingat na binuksan iyon at sinara din ng walang katunog-tunog.

Ilang araw ng pinag-isipan ni Ella ang gagawin kaya sigurado siyang hindi siya papalpak. Pasalamat na nga lang at malapit sa kusina ang kwarto niya.

Nang wala namang nakakatunog sa ginagawa at balak niyang gawin ay nagpatuloy siya sa kusina at pagkadating dun ay nangapa siya sa dilim. Maingat at talagang wala siyang maihuhulog na gamit.

Nang maapa niya ang isang gamit na malalim ay agad niya iyong kinuha ng mabilisan pero napapikit siya ng may masagi siya.

Handa na siyang makarinig ng malakas na lagabog pero ilang segundo o minuto na ata siyang nag-aantay ay wala padin siyang nadidinig na ingay.

Isa-isa niyang iminulat ang dalawang mata. Una ang kanan sundo ang kaliwa. Pero na naman hindi niya iyon maimulat ng ayos dahil may nakatutok na ilaw sa mukha niya.

"Gabi na, anong ginagawa ko dito? Mang-uumit kaba?"

Agad siyang napailing ng sunod-sunod. Wala siyang pake kahit na hindi kita iyon ng lalaking kaharap niya ngayon basta ang alam niya ay di siya mang-uumit. "Hindi ah. Nagugutom lang ako"

Nakarinig naman siyang pag asik ng lalaking kaharap. "Sige na. Kunin mo na ang mga isda at alpasan sa bangbang sa labas"

Nanubig ang mga gilid ng mata niya ng pinayagan siya nito.

'Totoo ba ito? Kung ako ay nasa malalim na pagtulog ay huwag niyo muna akong gigisingin'

"Hindi kaba magagalit Peter?" kinakabahang tanong niya.

"No este hindi. Gusto mo samahan pa kita?"

"Nais ko yan. Salamat Peter" pagpapasalamat niya.

Wala naman siyang nadinig na tugon dito.

Nang lumakad na si Peter ay sumunod na dito si Ella. Si Ella na kinikilig ngayon.










Masayang inilagay lahat ni Ella ang mga isda sa bangbang. Makikita mo sa mga mata niyang laging nakangiti ay lalo pa iyong sumaya. Masayang-masaya siya ngayon dahil malaya na ang mga kaibigan niyang isda.

Nakangiting pinagmasdan niya iyon. Napapikit nalang siya ng biglang umihip ang hangin at para siyang niyakap niyon. Sa palagay niya ay natutuwa ang kalikasan sa ginawa niya.

'Kailan ko kaya makakamit ang kakayahan ko?'

Hanggang ngayon ay hindi padin siya buo. Hanggang ngayon ay minamaliit niya ang kakayahan niya. At isa din sa rason kung bakit siya pumunta sa mundo ng mga mortal. Umaasa siya na baka dito ay lumabas ang kakayahan niya. Nawawalan na din kasi siya ng pag-asa. Ayaw niyang mabuhay ng wala manlang maitutulong sa mundo nila sa Howla. Ayaw na niyang naririnig na lagi siyang hinahanapan ng mga nilalang na nakakasalamuha niya ng kakayahan. Ayaw niyang ma isulat sa libro ng nakakahiyang kasaysayan ang pangalan niya  na nagsasaad ng 'Ella Maharlika. Ang Prinsesang walang kakayahan' Ayaw niyang maging kauna-unahan na maisulat doon. Ayos sana kung papuri iyon kaso hindi ih. Kakutya-kutya iyon.

"Tapos kana?" tanong sa kanya ni Peter na nakatingin lang sa pagtanaw niya sa mga isdang lumalangoy na ng malaya.

"Oo"

Tumayo siya at nakangiting humarap kay Peter. "Salamat pala ng marami, Peter"

"Walang anuman Ella" nakangiting tugon nito.

Sa pagngiti nito ay natulala si Ella. Hindi mawari ni Ella kung tatalon siya dahil napangiti niya ito o hahali-este yayakapin niya ito at sasabihing 'Peter ngumiti ka. Ngumiti ka'

Kaso ang walangyang si Peter pagkangiti ay nilisanan agad siya.

'Ugh, bakit kasi ang kisig-kisig nito?'

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon