KABANATA 14

9 8 0
                                    

Tahimik at sabay-sabay na kumakain sila Ella, Peter, Ally at Marco. Halos ang tatlong ay ganadong-ganado sa pagkain samantalang si Ella naman ay tulala at nilalaro-laro ang pagkain. Ni hindi niya ginagalaw iyon at para siyang baliw na ibubuka ang bibig tapos biglang babawiin ang sasabihin sana.

'Ako ay tinatamad na dito. Gusto kong magliwaliw!'

Ilang araw na si Ella dito pero ni isa ay wala pa siyang napagliliwaliwan dito. Gustong-gusto niya talagang gumala para maenjoy ang mga lugar sa mortal.

"Ella, gusto mo bang gumala?"

Agad napaangat ang tingin niya sa naging tanong ni Ally. Sunod-sunod na tumango siya at halos mangislap ang mga mata niya.

"Nais ko. Nais ko Ally"

Tumawa panandalian si Ally at nakangiti itong bumaling kay Marco na nakamasid lang sa kanya. "Mahal. Mahal kong kapatid, samahan mo si Ella na gumala"

Napansin naman ni Ella na nagpalitan ng malalagkit na tingin si Marco at Ally. O baka imahinasyon niya lang iyon.

"Sure mahal kong kapatid. But her hair baka may magnakaw at isangla iyon"

Napahawak siya sa buhok niya ng ituro iyon ni Marco. "Nagagandahan ba kayo sa buhok ko?"

"Maganda ang mga Maharlika Ella at pinatunayan mo iyon" puri sa kanya ni Ally.

Namula siya sa pagpuri sa kanya ni Ally. "Salamat. Alam mo pala na iba kaming nilalang"

Tumingin si Ally kay Peter at malambing na hinaplos ang braso nito. "Sinabi sa akin ng mahal ko"

Nakakunot na tumingin si Peter kay Ally. "Wala akong naikwento sa iyo na tungkol kay Ella"

Natigilan si Ally at nakita niya na parang hindi ito mapakali. "Si-sinabi mo mahal. Baka nalimutan mo lang"

Nagkibit-balikat nalang si Peter at tahimik na bumalik sa pagkain.

Tumingin ulit sa kanya si Ally kay Ella at binigyan siya ng isang ngiti. Ngiti na hindi niya alam kung totoo o may halo bang kapekean.

"Ella, si Marco na ang bahala sa iyo at mamaya ay magdedate kami ni Peter. Pumunta kayo kung saan mo gustong pumunta ng pumunta. Basta uuwi kalang ng buhay at may kailangan kapa namin-- I mean gusto pa kitang makilala ng lubusan"

"Ano yung date?" tanong niya pagkatapos na magsalita nito.

"Katulad ng gagawin natin mamaya. Kaso gagawin nating romantiko iyon"

Napabaling ang tingin niya kay Marco ng ito ang sumagot. "Edi, masaya iyon?"

"Hindi lang masaya Prinsesa ko dahil gagawin natin iyon ng puro pagmamahal"

Parang gusto niyang maiyak. Mahal na siya ni Marco. Mahal na siya nito. Ang prinsipe niya ay mahal na siya.

'Pero hindi ko pa mahal si Marco'

Wika niya sa isipan at tahimik nalang na bumalik sa pagkain.

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon