KABANATA 8

13 11 0
                                    

Dedicated to BlackPandaBaby

Halos buwan na ang lumipas. Balik sa dating gawi si Ella. Yung tipong hindi pa siya nagpapapansin o nadikit kay Peter. Dating gawi talaga. Walang Peter. Walang Peter. Walang Peter. WALANG PETER TULDOK. Kinalimutan na niya ito at wala na siyang balak pang makausap o makahalubilo ang Peter na iyon. Sasaktan lang siya ng mayabang na iyon.

"Alam kong lahat kayo ay nasa tamang edad na kaya napagpasyahan ng mga bawat angkan na ipaalam ang sikreto ng Howla. Ang madilim na nangyari sa Howla nun..."

Napatigil sa pagsasalita ang Mayordama ng itaas ni Ella ang kamay. "Ano po yun? Yan po ba yung tungkol sa mag-asawa ng kadiliman?"

Sumungit ang itsura ng Mayordama kay Ella at hindi nalang pinansin ito. "Ang mag-asawang si Heliad at Minos nun ay kapwa mga salamangkero at salamangkera. Hindi lang basta salamangkero at salamangkera dahil sila ang naatasan nun na magbantay sa pagitan ng mga mortal at ng kaharian ng Howla. Ngunit binalot sila ng kasamaan at binalak nilang sakupin ang mga mortal at ang atin ding kaharian. Gumawa sila ng lagusan para pag-isahin ang dalawang mundo ng sa gayon ay madali nilang masasakop ang dalawang mundo. Pumatay sila ng tig-iisang nilalang sa bawat angkan at ginamit ang dugo nila para mabuksan ang lagusan pero sila ay di nagtagumpay dahil sila ay nagapi ng ating mga pinuno" mahabang paliwanag ng Mayordama.

Iniangat ulit ni Ella ang kamay at nagtanong ulit. "Nasaan na po sila?" Sa pagkakataong ito ay hindi siya nasungitan ng Mayordama.

"Usap-usapan na nawalan sila ng kapangyarihan o patay na sila. Pero ang pinaka pinaniniwalaan ng lahat ng nilalang dito ay ipinatapon sila sa mundo ng mga mortal at doon sila nagtatago" pagsagot ng Mayordama.

"May posibilidad palang buhay pa sila" singit ng isang Prinsesa.

Napakamot sa ulo si Ella ng maunahan siya ng ibang Prinsesa sa pagsasabi nun.

"Meron. At gusto lang namin na maging handa kayong lahat kapag dumating ang araw ng pagbabalik ng mag-asawa ng kadiliman"

Isa lang ang nais ni Ella ngayon. Yun ay ang umuwi agad si Helga para makapunta na siya sa mga mortal at ng makuha na niya ang mortal niyang iirugin. Wala ng Peter. At kahit kailan ay hindi na niya ito aalukin na maging Prinsipe niya. Dahil ang puso niya ay para lamang sa isang mortal at yun ang nais niyang matupad sa lalong madaling panahon. Kung hindi siya. Ang magiging mortal ang iirugin niya ang gagawin niyang imortal.

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon