KABANATA 12

17 9 0
                                    

Dedicated to BlackPandaBaby

Halos ilang minuto ng tulala si Ella at hindi makapaniwala sa nakikita. Pinindot-pindot pa niya ito at hinigit na para bang isang bagay na hahaba ng sobra. Hinawakan niya ang sariling pisngi at kung anong ginawa niya sa pisngi ng mortal na kaharap niya ay ganun din ang ginawa niya.

Napapalakpak siya ng parehas lang ng lambot ang nahawakan niya. "Napakaganda mo. Ano ba ang iyong ngalan?" wika niya at parang isang may sira sa isip na nangalumbaba at nakangiting pinagmasdan ang babaeng kaharap niya.

"Ella, iwan mo muna kami ni Ally"

'Ally pala ang pangalan ng iniirog ng dati kong iniirog na si Peter'

Napanguso si Ella ng ilayo siya ni Peter kay Ally.

Nang hindi umalis si Ella sa lugar ay tinignan siya ng masama ni Peter. Mabibigat na paa naman ang pinakita niya dito bago umalis. Naiinis siya kay Peter. Masyadong pinagdadamot sa kanya si Ally.

"Para namang lalamunin ko ang iniirog niya. Marikit pa nga ako dun ih. Prinsesa pa ko tapos siya mortal lang. Naiinis talaga ako sa kanya" himutok niya at napadpad siya sa puro halaman na lugar.

"Sinong kinaiinisan mo? Magandang binibini"

Agad napatingin si Ella sa pinanggalingan ng boses. May mortal na nakasandal sa puno at may kung anong nakakabit sa tenga nito. Parang lubid ba yun oh ano. Basta di niya alam.

Tinanggal ng lalaki iyon at tumayo ng tuwid. Lumakad ito sa kinatatayuan niya. At halos sambahin niya ito ng makitang sobrang kisig ng mortal na ito. May katawan ito na kasing kisig ng kay Peter. May ilong ito na matangos. May balat ito na kayumanggi na lalong nagpaangat ng pagkalalaki nito.

Napalunok siya ng madako ang tingin niya sa labi nito. Lalo siyang napalunok ng sunod-sunod ng dilaan nito ang sariling labi.

"Saulado mo na ba ang pagmamay-ari mo?"

Parang tutulo ang laway ni Ella ng parang sobrang bagal sa paningin niya ang pagbuka ng labi ng lalaki. Para tuloy siyang natatakam na ewan.

"Hey..."

Nabalik sa ulirat si Ella ng may pumitik ng noo niya. Imbis na magalit ay ngiting palandi ang isinalubong niya sa lalaki ng makipagtitigan siya dito.

"Ano palang pagmamay-ari ko?"

Nagulat siya ng bigla siyang hapitin ng lalaki at idikit nito ang ilong nito sa ilong niya. Halos maduling siya ng titigan siya sa mata nito.

"Ako. Ako ang pagmamay-ari mo. Mahal kong Prinsesa Ella" bulong ng lalaki at nanlaki ang mata niya ng halikan siya nito.

'Paano ako nito nakilala? Ahh baka dahil hinahanap niya din ako. Siya talaga ang Prinsipe ko'

Matapos ang halik ay niluwagan ng lalaki ang pagkakahawak sa kanya.

Gulat na gulat at naluluha siyang tumingin dito. "Hi-hinalikan mo ako?"

"Sorry di ko alam na--"

Di na pinatapos pa ni Ella ang sasabihin nito dahil agad niya itong binato ng sandalyas niya. Nasapol niya ito sa mukha. Buti pa nga ito ay nasasapol niya samantalang si Peter ay hindi niya manlang masapol.

"Aww, fuck my handsome face!" daing nito habang nakapikit.

"Anong nangyayari dito?"

Agad nanigas si Ella sa kinatatayuan ng makilala ang nagmamay-ari ng boses.

Habang naririnig niya ang mga yabag nito na papalapit sa pwesto niya ay sunod-sunod ding tumutulo ang pawis niya sa kaba.

'Mga ninuno tulungan niyo ako...'

"Ella anong nangyari dito?" bulong ni Peter sa tenga niya at sa tingin niya ay nakayuko ito. At para siyang maiihi ng mangilabot sa pagbulong nito sa tenga niya.

"Ahh ano... Ano... Yun-yung mortal kasi hinalikan ako at binato ko naman siya ng sandalyas ko" uutal-utal na wika niya.

Naramdaman niya naman na tumuwid ng tayo si Peter ng sabihin niya iyon.

"Marco totoo ba iyon?" malalim na boses na tanong ni Peter sa lalaking nakangisi lang ngayon.

"Yes Peter pero--"

Parehas silang natigilan ni Marco ng tumawa ng malakas si Peter. Napausod pa nga ng pwesto si Ella ng hampasin pa siya ni Peter. Mukhang sayang-saya ito.

"Ito Marco pinatulan mo? Ang baba pala ng type mo"

Napangiti din si Marco at nakitawa din ito kay Peter. "Nope. She's not my type. Tsaka noo lang naman yung kiniss ko"

Hindi malaman ni Ella kung anong pinag-sasasabi ng dalawa. Pero parang pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya.

"Maaari din ba akong makisaya?" biglang tanong niya na ikinatigil ng dalawa. Humarap siya kay Peter at parang isa siyang hindi kapani-paniwala kung tignan nito.

"I like her, Peter!"

Napatingin si Ella kay Marco ng di niya maintindihan ang iwinika nito. Nang mapatingin siya dito ay kinindatan siya nito na ikinatili ng isipan niya.

'Siya nga ang Prinsipe ko'

"Tss" dinig ni Ella na angil ni Peter.

Muling humarap si Ella sa pwesto nito at pagtingin niya ay lumalakad na ito pabalik sa bahay na gawa sa bato na may kulay na asul at puti.

Napatingin si Ella sa kaliwa niya ng may umakbay sa kaniya. Pagtingin niya ay si Marco iyon.

"Tara na Prinsesa ko"

Di alam ni Ella kung anong meron kay Marco at sumunod siya sa sinabi nito. Para lang siyang isang bagay na walang buhay at itong si Marco lang ang nagpapagalaw sa kanya. Sa sobra niyang kahumalingan sa mortal na ito ay maging ang sandalyas na ibinato niya dito ay nalimutan niya.

Pero ang mahalaga ngayon ay nakita na niya ang magiging Prinsipe niya. At si Marco iyon.

'Sa wakas ang Prinsipe ko na ito. Sana nga siya na ito'

Ang Paghahanap Ni Ella Sa Kanyang PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon