Famous 7.1* Rain's POV

2.1K 37 7
                                    

"Mas maganda kung red roses, Rain. Kapag binigyan mo non yung Peige na sinasabi mo, sigurado akong hindi na siya magbabalak na lumayo sayo!" sabi ni Yeus,

"Ano ba, Parang sinabi mo na rin na na lumalayo siya sa akin!!"

Napangisi si Cloud habang nakikinig siya sa pag-uusap ng kuya niya at ng pinsan niya. Kasalukuyan silang nagvivideocall. Si Rain at Cloud ay magkapatid, at si Yeus ang pinsan nila.

Si Cloud ay nasa ika-anim na baitang na at naninirahan sa America. Dinala siya doon dahil siya ay nagpapagamot, mayroon kasi siyang mahinang baga kaya't nagkakaroon siya ng problema sa paghinga.

Si Yeus naman ay nasa Australia. Kaka-migrate lang nila doon dahil pinetition na silang buong pamilya ng Papa niya. Si Yeus ay nasa 4th year high school na rin.

Silang tatlo lamang ang super close na magpipinsan.

"kung gusto mo kuya, kalasutsi o kaya ilang-ilang na lang ang ibigay mo!" sabad ni Cloud. Napangisi siya nang nagtawanan sila Cloud at Yeus.

"Maganda iyong suggestion ni Cloud, Rain! Yun na lang, mas mura pa! Mabango pa!" segunda ni Yeus.

"Sapak gusto niyo? Ginawa niyo namang patay yung popormahan ko!"

Nagpatuloy sila sa pag-aasaran nang pabalyang bumukas ang pinto ni Yeus. Pumasok doon ang tila galit na galit na isang babae. Naisip tuloy nila Rain at Cloud na girlfriend nanaman iyon ni Yeus.

Ayun! Biglang nag log-out si Yeus. ALAM NA! LQ nanaman siguro. Hahaha. Pero, grabe lang talaga iyong si Yeus, ang bilis makaporma sa mga Australiana.

"Sige kuya, matutulog na po ako! Good Night :)" paalam ni Cloud.

"Sige, Good Night!"

Si Rain na lamang ang online. Wala siyang ibang magawa, katatapos lang kasi niyang gumawa ng mga assignments niya. Sawang-sawa na rin siya sa pakikinig ng paulit-ulit na songs sa playlists niya, bihira rin naman siya manood ng TV. Kaya nag-search na lang siya sa Google kung paano pumorma sa babae. Sa Google na lang talaga siya nakakakuha ng lakas ng loob para gawin, at super motivation naman ang natatanggap niya.

Gusto na niya kasing pormahan si Peige. Hindi nga lang niya alam ang gagawin at kung paano niya sisimulan. Iniisip niya, baka mabasted lang siya. Natatakot siya.

Kanina pa siya search ng search, wala siyang makitang magandang idea. Hindi niya pinapansin ang kanina pang tunog ng tunog na cellphone niya. Kapag tutunog man, titignan lang niya ang pangalan ng sender saka babalewalain. Si Peige lang talaga ang hinihintay niyang magtext.

Ilang hours na ang nakalipas, 

Natapos na rin ni Rain ang gagawin niya para sa Meet-Up. May gagawin kasi siyang eksena. Either maghuhubad siya ng t-shirt at magpapakita ng abs or sasayaw sa stage ng parang isang macho dancer. HAHAHA.

Umasim ang mukha ni Rain ng mabasa niya ang post ni Peige ..

"I'm helplessly falling in love.

Nalulunod na ako sa selos. Bakit kasi ang dami dami namin? Meron sa kaliwa, sa kanan, sa text, sa chat, classmate mo, groupmates mo, teammate mo, kabatch, schoolmate, kaibigan, bestfriend, lahat na! Lahat na lang kaagaw ko. Kailan mo ba ako mapapansin? Kung papansinin mo ba ako, katulad lang rin ba ng pagtrato mo sa iba? Ayoko ng common. Yung tetextan mo ako ng sweet na sweet, yun pala GM mo lang pala iyon. Pinanganak ako ng walang kakambal, kaya hindi ako sanay na may kahati. 

Sana minsan ... Mahalin mo rin ako, kasi umaasa ako :) 

Kahit ano pa yata ang gawin mo, hindi ko talaga kaya. Im helplessly falling na kasi e. lintik!"

OUCH! Sino ba itong pinagsasabihan niya? May mahal ba siyang iba? Sana wala pa. Sana talaga wala pa. Parating pa lang kasi ako e. ang tagal naman kasi ng meet-up, gusto ko ng magtapat!

Ayoko kasing magtapat sa Internet or sa Text, ayoko talaga! Naniniwala kasi ako, na ang Tunay na Lalaki, personal nanliligaw, nagtatapat at taos-pusong nagmamahal. Alam ko rin naman ang feeling ng Fling sa internet no. Parang wala talagang feelings.

---

Paulit-ulit na ineensayo ni Rain ang kanyang mga linya sa harap ng mirror.

"Hi Peige! Ako nga pala si Rain! :) *abot ang kamay*"" 

"Hi Peige! My name is Rain! *kindat*" 

"I forgot your name, Can I call you MINE? HAHAHA. Hi! Im Rain!" 

"Peige!!! Ako si Rain!"

Haaaaayyyyy! Hindi ko alam. Paano ba ako magpapakilala? Kailangan kong husayan. Pagpapakilala na nga hindi ko pa magawa, paano na kaya kung poporma na?

"Peige! Ako nga pala si Rain!" SMILE.

Ganyan na, simple lang pero ma-appeal. Iwinaksi na ni Rain iyon sa isip at nag-isip nanaman siya kung ano ang mangyayari. Baka kasi hindi siya marecognize ni Peige, kasi blurred yung mga pinopost niyang photos.

Ayoko kasing maging sikat, ayokong pinagpepyestahan ang mukha ko sa internet, kaya puro katawan ko ang pinopost ko. At yung iba medyo part lang ng mukha ko. Ewan ko, mas gusto kong ipost ang handsome body ko. HAHAHA.

Malagkit na tinignan ni Rain ang wallpaper ng laptop niya. Ang ganda lang talaga ni Peige. :") Kaya ayan motivated na motivated at Inspired si Rain.

(AN: yang picture sa gilid po. Picture daw KUNWARI ni Peige)

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon