Famous Thirteen: END

2.1K 93 16
                                    

Holiday today! Walang pasok. 

Kaya ito ako, pa-scroll scroll lang sa aking dashboard.

Gusto kong magpost pero sabaw utak ko. Tinatamad naman akong sumagot ng mga TA ng mga anon. Simula kasi nung nalaman nilang naging kami na ni RAIN SANCHEZ, MAS dumami yung FOLLOWERS ko, lalo na yung mga ANON ko. Mababait, matataray, bitter, anti-peige tsaka die hard RAIN-fan ANONS. Dumami na din yung mga FC bloggers sa akin. Pero pati naman ako, FC! HAHAHAHA. Ayoko din namang mag-backread sa mga blogs, nakakatamad.

Nagscroll scroll lang ako. Hindi pa kasi nagtetext si Raizen, baka tulog pa yung baklang iyon. 

Two months na pala kaming mag-on ni Rai. Tagal na din no? Oo, matagal na rin yan para sa mga babaeng mabilis magpalit ng boyfriend. HAHAHA.

Na-curious ako sa isang blogger. Nireblog niya yung isang post ng isang blogger. Ooooh, sexyindistress. Kilala ko to.. This is the girl who makes pulpot her arms in my boyfriend's boooody! Si Pearl. Nireblog ni friend yung post ni Pearl. Binasa ko:

"Ang babaeng umaasa. Ako yun :(

Akala ko nung una, ako yung mahal niya. Ako yung laman ng every sweet posts niya. Na-overwhelm naman na kasi ako sa mga pinapakita niya akin, lalo na sa chat at sa mga tumblr asks namin sa isa't isa. Ako nMan tong si malandi, umaasa-asa. Kinikilig pa ako kapag nirereblog mo yung pictures ko. Umaasa ako... Akala ko talaga, mahal mo ako :((

First time nating magkita noon, sa TUMU. Naalala mo? Nakita ko lahat ng ginawa mo. Lahat ng effort na ibinuhos mo para sa kanya.. First time ko din siyang nakita. Hindi ko pa siya nakita, ever. Lalo na dito sa Tumblr world. Hindi ko nga alam na blogger pala siya. Ang sakit. Ang sakit talaga. Akala ko nung una, ako yung kinakantahan mo. Akala ako ako :( SIYA PALA.

Muntik ng mawasak yung puso ko nung nakita ko kayong magkayakap. Guguho na yung mundo ko. Paano ba naman? Na-fall na ako ng sobra para sa iyo. Siya? Siya pala yung mahal mo? Siya yung "P" na sinasabi mo sa lahat ng posts mo. Siya pala si P.. Princess P! Kinalimutan ko lahat ng nangyari kaya't lumapit ako sayo. Akala ko makakalimutan mo siya kapag nakita mo ako IN PERSON. Kaya nagpaganda ako. Nagmake-up ako tapos nagpa-sexy dress ako. Para makuha kita, pero wala pa rin.

Nung nag-back out yung girl, tuwang-tuwa ako. Akala ko MISSION ACCOMPLISHED na ako! Syempre, hindi pa naman kayo noon. Nagbabaka sakali akong baka magbago pa isip mo. Kaya binigay ko number ko sayo. Araw-araw kita tinetext, pero kahit isang Hello wala ka man lang reply. :(

Alam mo yung feeling na umaasa? Akala ko talaga... Sana nung una pa lang, alam ko na. Sana hindi ka na rin nagpakita ng motibo, para hindi ako umaasa ngayon. Para akong tanga. Para akong babaeng desperadang mahalin mo. Para akong gago. I'm a dumbass. Sana noon pa lang, tinigil ko na ang pagpapantasya sayo. Sana noon pa lang, sana :((

Ilang buwan na rin akong umaasa. At ngayon, suko na ako :("

Naawa ako kay Pearl. Parehas pala kami ng nararamdaman NOON. Ganyan din kasi yung nararamdaman ko. Lalo na yung every posts niya, puro pearl. Hmp! Bumalik rin sa kanya. Kung hindi para sayo, hindi talaga para sayo. Hayaan mo na, Miss PearL! HAHAHA.

Nagdidiwang nanaman ang aking puso at pagkatao. Nanalo nanaman ako! Lagi na lang akong panalo. Bakit ba ang swerte swerte ko? Simula nung dumating si Raizen at naging kami, nag-iba na din ang aking mundo.

Tapos nakita ko sa dash si KUYA RAINISM, nagpost siya ng isang video. Title eh .. 

"LUCKY: To my Princess P," na-curious ako kung anong laman, at medyo naiinis na din ako, dapat kasi PEIGE na lang, wag na yang P na yan. Kaya assuming yung isa dahil jan sa P e. sana MIO na lang! Para unique.

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon