Famous Nine

2.1K 45 10
                                    

Tumblr Meet-Up:  

Ito yung pagkikita-kita ng mga Tumblrista sa isang lugar kung saan nagkakakinlan sila at nagsasaya.

Kakatapos lang ni Peige mananghalian ay abala na siya sa pag-aayos. Naroon na rin si Cyrille para ayusan siya ng buhok at gawing mala-baby doll ang kanyang get-up.

Bagaman at kaya naman niyang gawin ang mg iyon para sa sarili ay nanigurado pa rin siyang magiging MAS magandang-maganda siya.

Kailangang bumagay ang ayos ng kanyang buhok sa isusuot niyang black long sleeves at red jumper slash palda. At alam niyang kayang-kayang gawin iyon ni Cyrille na siyang nag-iisang beautician sa kanilang magkakaibigan. HAHAHA.

Para kay Peige, hindi basta-basta ang dadaluhan niyang meet-up. First Tumblr Meet-Up niya itong pupuntahan, at magkikita na rin sila ni Rain! Dapat mahigitan niya sa ganda ang iba pang mga dalagang bloggers na nagkakagusto kay Rain!

Noon pa ay crush na niya ang lalaki, at alam niyang daan-daang babae ang nanlalandi at nagkakagusto sa TTH Hottie na si Rain.

Ang ganda ganda ko, paano pa kaya kapag naayusan ako? Edi mas maganda nanaman ako? HAHAHA. Baka magkandarapa pa si Rain sa harap ko. Ma-starstruck siya. OMG! Baka ligawan ako.. Tapos maraming maiinggit sa akin! Tapos may magpopost sa Tumblr, " Rain Sanchez at Peige Fujimoto ng Tumblr, Confirmed!" HAHAHAHAA

Agad na nawala ang mga iniisip niya nang magsalita si Cyrille, "Tanga ka ba? Tumatawa ka mag-isa? Hahaha. Oh ayan Ano say Mo?" tanong nito sa kanya na buong pagmamalaking ipinakita ang ayos ng kanyang buhok.

Ilang saglit niyang tinitigan ang sarili sa harap ng malaking salamin. At siya man ay hindi halos makapaniwalang siya ang nakikita niyang iyon sa salamin. Dahil totoong napakaganda niya sa ginawang pagpaplantsa at ayos ng kanyang buhok.

Simple man pero nakaka-attract ito.

"Gaga! Wala namang nagbago. Talagang natural ang ganda ko!" bulalas nito.

"See? Ang ganda mo! Kapag hindi ka pa napansin niyang lalaking iyan, either bulag siya or kasamahan ko siya sa federacion!" HAHAHAHA. Nagtawanan lang sila.

"Gaga! Lalaking-lalaki si Rain no! Hindi tulad ni Raizen. Haaaay!"

"Ayy bakit? Basted ka?"

Tawanan pa rin sila ng tawanan.

Kinuha na ni Cyrille ang kanyang mga damit sa kama at tinulungan niya itong isuot iyon. Lalo siyang gumanda. Nagmistula siyang kasapi ng K-POP at Harajuku Dolls sa kanyang itsura. Mukha siyang itinitindang doll sa mall.

"K-POP, teh?" malanding tili ni Cyrille. "Nakoo, ano ang sinabi sayo ng Girls Generation!"

Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at sumungaw si Raizen.

"M-Mauuna na ako sa Meet-Up! P-punta sila Drei eh, y-yung girlfriend kasi niya..." napapalunok niyang sinabi at saka biglang umalis.

Nakatitig lang kanina si Raizen sa kanyang habang nagsasalita. Aba! Effective yata ang aking beauty sa mga lalaki at binabae! Paano na kaya kung si Rain na? OHMAY!

"Look at the effect of your poisonous beauty, girl! Pati ang ka-federacion ko, nabighani mo!" hiyaw ni Cyrille.

"Paano mo naman nasabi, aber?" pagtataray na tinanong niya.

"Hopia ka! Assuming ka din no? HAHAHA." hinampas noya ito ng hair brush. "Nakita mo sana ang fezlak niya! Truelabels, waley ang pagka-gay ni sistaret raizen!"

"I KNOW RIGHT!" inagaw niya ang hair brush kay Cyrille. "Tara na nga!" nagsuklay muna siya at tinitigan nanaman ang sarili sa salamin.

GANDA MO, TEH!

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon