Famous Six

2.2K 36 3
                                    

Nakalampas na sa CR nila si Peige nang may narinig siyang nagsasalita sa loob. Lumapit siya sa pinto at dahan-dahang nakinig. Alam niyang masamang mag-eavesdrop pero nanaig ang kuryosidad niya.

"Basta, tuloy pa rin ang plano .. Ganun na pa rin! Walang magbabago!" sabi ng boses.

"Oo sige na, sige. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo!"

"Wag ka nga! Basta sa plano mo na lang gawin, wag ngayon!"

Sa pamilyar na boses, alam niyang si Raizen ang nasa loob. Pumunta kasing kusina si Peige para kumuha ng ice cream para sa kanilang magbabarkada. Alas-dyis na ng gabi pero hindi pa rin sila inaantok kaya siya ang napag-utusan ng kanyang mga kaibigan para bumaba.

Nasa ganoong posisyon siya ng ....

*open*

biglang bumukas ang pinto

"AAAY!" napasigaw si Peige ng hindi naman masyadong malakas. At muntik na niyang mabitawan ang lalagyan ng ice cream at ang mga kutsara at baso.

"Ano bang ginagawa mo?"

punong-puno ng question mark ang pagmumukha ni Raizen. (?_?)

Nag-angat ito ng mukha at ngumiti kay Raizen.

"Wala, ang tagal mo kasi jan. Naiihi na ako, no!" Nagpipigil siya ng tawa. Hindi man lang kasi napansin ni Raizen na nakikinig ito.

"Oh sige na, pumasok ka na!"

"Hindi, wag na. Nahiya naman yung Ice Cream sa tagal kong naghihintay dito. Wag na, wag na lang talaga!" tanggi kunwari ni Peige.

"TSK. TSK! Halika na nga!" inagaw ni Raizen ang ice cream na hawak hawak ni peige, at saka hinawakan ang kanyang kamay. Napayuko si Peige dahil ramdam na ramdam na niya na nag-iinit at namumula ang kanyang mukha.

Another Kilig Vibes nanaman ang nararamdaman ni Peige.

PALAKPAKAN! :")

---

Pakiramdam ni Peige ay parang may sumabog na bomba sa harap niya noong pagkagising at pagkamulat ng kanyang mga mata.

Wala na ang kanyang mga kaibigan sa kanyang kwarto.

Agad-agad niyang hinanap ang kanyang cellphone, ngunit wala naman siyang nareceive text message galing sa mga ito. Tinignan na rin niya ang kanyang wall clock, ngunit alas-syete pa lang ng umaga.

Natulala siya. Maayos na ang lahat sa loob ng kwarto niya.

Naibaba na ang mga baso at platito, maayos ang kobre kama at mga unan, ang mga photo albums, mga cd sa kahon, at ang mga ikinalat ng kanyang mga kaibigan na mga gamit niya ay nasa ayos na rin.

Nagtataka siya. Eh paano nila nagawa iyon ng hindi ako nagigising? Imposible. Hindi ako makapaniwala.

Pinabayaan na niya muna iyon, at siya ay dumiretso sa kanilang CR. naghilamos, nagtoothbrush, nagsuklay, at nagpalit siya ng damit. Wala ang lola niya ngayon kaya si Christine lang ang natira sa bahay nila. Binuksan niya ang kwarto ni Christine, ngunit tulog na tulog pa ito.

Nanatiling nakatanga at nagtataka pa rin si Peige.

"Pambihira! Bilib naman ako sa mga iyon, ang bilis kumilos! Para tuloy akong nakipag-one night stand!" napakamot ako ng ulo.

-

Panay ang tili ni Peige habang titig na titig siya sa kanyang TV sa kwarto. Kasalukuyang hinahabol ang bidang babae ng isang lalaking nagbagong anyo at naging isang halimaw. Nang maabutan nito ang babae ay hinablot ang kanyang buhok at sabay sakmal sa leeg. Tumalsik ang maraming dugo sa screen.

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon