Famous One

9.8K 85 12
                                    

Cyberspace.

Isang mundo kung saan iba't ibang uri ng tao ang makakasalamuha mo. Sa mga taong matitiyaga at mahilig manaliksik tungkol sa iba't ibang bagay, ito ay maituturing na paraiso dahil milyong impormasyon ang makukuha rito. Samu't saring lahi ang palaging online at maaaring itago ng isang tao ang kanyang katauhan at gamitin lamang ang iba't ibang imbentong usernames. Subalit kung matapang-tapang ka ay gagamitin mo ang iyong tunay na pangalan.

Milyong tao ang naimpluwensyahan ng ng Internet at mananatili pa itong bahagi ng buhay ng mga sumusunod na henerasyon. Sa malawak na sakop nito ay may isang uring gamit ito naunti-unti nang nakikilala -- ang BLOGGING.

Ang blogging o ang pagsusulat ng mga opinyon o karanasan sa buhay o tungkol sa mga bagay bagay na kinaiinteresan nito. Para itong isang diary ngunit high-tech dahil nailalagay ito sa Internet at pwedeng magkomento ang mga taong nakakabasa nito.

Sa dinami-dami ng mga blogsites sa nasa cyberspace ay may isa na hindi man kakaiba ay marami namang readers, ang TUMBLR.

At dahil sa TUMBLR, maraming nagbago ang buhay, katulad ko....

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon