#Chapter44
Belle's POV
Ng makalabas ako sa airport ay nilanghap ko ang hangin ng France, gustong gusto ko ng bumalik dito pero di sa ganitong paraan.
"Bonjour Milady" Napalingon naman ako sa aking tabi.
"Salut" pag bati ko sakanya. Ang driver ng magaling kong ama.
"Par ici, Milady." Binigyan naman ako ng daan at umunang mag lakad sakanya.
Ng makarating kami sa harap ng kotse ay pinagbuksan niya ako at sumakay naman ako.
Bumuntong hininga naman ako, di ko alam itong balitang sasabihin ko sa ama ko ay maganda sakanya.
Baka kasi mamaya pag sinabi ko itong balita ay mas lalo akong makukulong sa pagiging bantay kay Alice. Even though I have my freedom when I'm with Alice pero iba parin talaga pag umuwi ka dito sa France at bumalik sa dati mong nakagawian kahit andito ang tatay ko.
Speaking of Alice kamusta na kaya siya? ngayon ang ika two days niya sa hospital pero ang gaga di pa nagigising di ko alam bakit. Parang di naman siya sanay sa mga natamo niyang sugat. Sabi naman ng doctor okay na siya.
Bago nga ako lumipad pauwi dito sa France ay tinanong ko yung doctor bakit di pa siya nagigising ang sabi naman na normal lang daw yun dahil sa sobrang pagod na nangyari sakanya at sa pagkawala at pagpalit sakanya ng dugo.
Kinuha ko sa shoulder bag ko yung envelop na ibibigay ko sa tatay ko yung hiningi ko kay Zyryl.
Bumyahe ako pauwi na ito lang shoulder bag ang dala na nag lalaman ng laptop ko, cellphone, passport, wallet at itong envelop.
Binuksan ko ito at tinignan paulit ulit, yung feeling na nag sasawa ka ng tignan ang mga larawan na iyon, nung nasa eroplano pa ako ito lang din tinitignan ko.
"On est là Milady" pag papaalala ng driver ng ama ko na andito na kami.
Napatingin naman ako sa labas ng makita ko ang bahay namin, lumabas naman agad ako hindi ko na hinintay na pag bubuksan pa ako.
Pumasok naman agad ako sa bahay namin, di naman ito kalakihan tulad ng mga palasyo pero makikita mo talagang mayaman ang may ari nito.
Nag bigay galang ang mga nakakakita saakin sa pag bobow nila. Umakyat ako sa pangalawang palapag.
"Où est papa ?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay dito kung saan ang magaling kong tatay.
"Il est dans son bureau Milady." Galang nitong sagot kaya naman dumiretso na ako sa opisina ng tatay ko tulad ng sabi ng kasambahay na napag tanongan ko.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok, nakita ko ang tatay ko na nag busy busihan, tsk ano naman kaya pinag aabala nito?
"Salut papa" pag bigay bati ko sakanya para naman lumipat din saakin yung atensyon niya.
Lumapit naman ako dito at umupo sa visitor's seat
"Tu es en avance que je ne m'attendais à ma fille."
"Yeah dad kaya sa susunod wag ka ng mag expect ng di ako ganito ka aga dadating"
"Now what ma fille?"
Humugot muna ako ng malalim
"J'ai des rapports à vous faire papa"
"Uhm? Qu'est-ce que c'est ma fille ? Assurez-vous que c'est bien."
"Ewan ko lang kung good ba to para sayo dad.."
"What?"
"Ito nalang may bad news ako at good news pumili ka kung ano uunahin ko"
BINABASA MO ANG
The Thief Red Riding Hood ✔
ActionKyril Series #1: The Thief Red Riding Hood Highest Rank: #2 Thriller Alice Kyril is the youngest and last child of Kyril Group. All she want is to be free under her family and work for other people. She meet someone who is finding the most wanted Th...