#Chapter42
Zyryl's POV
pagkatapos kong mag walk out nag pahinga ako at gabi na nung nagising ako kaya naligo at nagbihis ako.
Ng makapasok ako sa bahay nila Alice nakita ko si Belle na kagat kagat yung kuko niya at galaw ng mga paa binti niya halata namang di mapakali dahil maski sa pagpasok ko ay di niya napansin.
Naka on yung tv nila doon nakaharap si Belle na akala mo nanunuod pero makikita mo sakanyang mukha na iba nasa isip niya kaya nag rereact yung katawan niya na mas lalong humalata sakanya.
"Problema mo? Asan si Alice?"
Yung kaninang di mapakali na Belle ngayon parang nakakita ng multo dahil nawala yung dugo niya sa pagmumukha niya pumutla siya.
"Problema mo?" tanong ko ulit.
"ano kasi" bumalik na naman yung kaninang naabotan ko kinagat kagat niya yung kuko niya at galaw ng binti niya pero yung mga mata niya kahit saan na dumadapo.
Napakunot naman yung noo ko dahil sa inaasta niya. Ano bang meron sa mag pinsan na ito at bakit bigla bigla nalang maging ganito kung umasta? O sadyang babae lang sila? mahirap intindihin.
"Asan si Alice?"
"Yun na nga eh! Si Alice!" nagulat naman ako sa pag sigaw niya sabay tayo.
Okay ngayon parang bumilis yung tibok ng puso ko.
"Anong nangyari?" kalma kong sabi pero sa totoo di ako kalma sa kaloob looban ko.
"Di pa siya umuuwi" umupo naman ulit ito.
"Ano ba Belle umayos ka nga pati ako kinakabahan sayo eh"
"Dapat ka lang kabahan dahil si Alice...."
Putol na naman sa sinabi niya, shit talaga naman oh!
"Wag mo ngang pinuputol yung sinabi mo!" di ko na kayang kumalma..
"Kanina pang umaga hindi umuwi si Alice! umalis siya kanina pagkatapos mong mag walk out! tapos di naman siya pumasok sa trabaho!"
"A-ano? k-kanina pa?"
"Oo! mababaliw na ako dito kakaisip Zyryl buti nalang dumating ka para tayo dalawa mabaliw kakaisip"
Lumabas ako agad agad sa bahay nila. Puta hahanapin ko si Alice! ayoko ngang sumama kay Belle na nababaliw kakaisip..
Minsan talaga nakakatakot yung nangyayari kay Alice! nung una kinidnap siya at buti nalang di siya kasali sa mga bangkay don sa sumabog na abandonadong building, pangalawa sumabak siya sa malaaksyon niyang buhay kuno nung sinugod niya yung kumidnap sakanya at take note nakulong pa siya non sa mga lalaking kaya siyang patayin na walang gamit armas at ngayon naman nawawala siya?!
Kasalanan ko ba yun? dapat bang hindi nalang ako nag walk out? sinundan niya ba ako? kung sinundan niya ako dapat nasa bahay siya.. pero may mali eh..
Pumasok naman sa isip ko yung suot ni Alice kanina.
Shit naman Alice wag mong sabihin sumusugod ka naman?!
3rd Person's POV
Nagising si Alice ng muntik na siyang mahulog sa inuupoan niya. Tumayo naman siya ng walang pag alinlangan at nilibot ang paningin.
Kumunot naman ang noo ni Alice sa paligid niya.
"Wolf"
"Buti naman gising ka na" Rinig niya sa kung saan.
"Nag tatago ka na naman masyado kang duwag" sabay hinga niya ng malalim at umupo ulit sa upuan.
"At masyado ka namang tanga"
BINABASA MO ANG
The Thief Red Riding Hood ✔
AçãoKyril Series #1: The Thief Red Riding Hood Highest Rank: #2 Thriller Alice Kyril is the youngest and last child of Kyril Group. All she want is to be free under her family and work for other people. She meet someone who is finding the most wanted Th...