#Chapter51

389 4 0
                                    

#Chapter51

Alice' POV

Huminga muna ako ng malalim at pumunta sa opisina kung saan natutulog ngayon si Zyryl.

Ng makapasok ako ay talagang si Zyryl yung hinanap ng mga mata ko.

Nilapitan ko naman agad ito ng makita kong ang himbing ng tulog niya.

Umupo naman ako sa sahig ng nakaharap sakanya.

ngumiti naman ako pero bigla naman itong nawala ng maalala ko kung bakit wala itong tulog ngayon.

'Pasensya ka na Zyryl, oo intensyon kong mag nakaw at pumuntay sort of, pero wala sa plano ko yung matutunan kitang mahalin at maging tayo.' sabi ko sakanya sa isip ko.

Lumabas na ulit ako at tinignan ang ginagawa ng mga trabahante, habang tinitignan sila ay bumabati sila at bumabalik sa ginagawa.

Kumunot naman noo ko kaya nilapitan ko ang isa sa mga trabahante.

"Ano po yun ma'am?"

"Ano pangalan mo?"

"Carlo po"

"Uhm Carlo sabihin mo nga yung totoo."

"Ano po yun ma'am?"

"May mga trabahante ba kayong di nag tatrabaho yung pag wala ang manager o yung pag kayo kayo lang?"

"Naku ma'am impossible pong mangyari yun dahil bantay sirado po si Sir Cortez, kung may kailangan sa labas po di siya yung umaalis yung assistant niya po"

Dumapo naman tingin ko sa manager na busy ngayon sa pakikipag usap sa isang babae.

"Yang kausap niya po yung assisyant niya"

"Ganon ba? tinatrato ba kayo ng mabuti dito?"

"Opo ma'am"

"Okay salamat"

"Walang ano man po"

Ngumiti naman ako sakanya at umalis sa pwesto niya.

Naglakad lakad ako habang hinihintay yung papeles.

Bigla naman akong naalerto ng maramdaman kong may pumulupot na braso sa balikat ko kaya naman umikot ako paharap sakanya at akmang susuntokin.

"Zy gising ka na agad?"

"Ah Oo, tumawag kasi si Belle"

"Ano sabi?"

"Nasa labas na daw yung papeles na pinadala mo"

"Bakit ba sayo pa siya tumawag kung pwede naman saakin"

"Sayo nga" pinakita naman niya yung phone ko kaya napakunot naman noo ko.

"Naiwan mo ata?"

"Ah sige kukunin ko lang sa labas yung papeles"

"Ako nalang ipag patuloy mo nalang ginagawa mo" Bago pa ako makapag react ay bigla nalang itong umalis sa harap ko at naglakad papuntang main door.

Pinag patuloy ko na lamang ginagawa ko.

"Ah manong?"

"Magandang umaga po ma'am ano po ba maililingkod ko?"

"Pwede niyo po ba sabihin saakin lahat ng makinang sa loob ng building na ito?"

"Tamang tama po yung nilapitan niyo ma'am"

Ngumiti naman ako sakanya, di ako palangiting tao, minsan lang talaga ako ngumingiti lalo na't sa business diyan mo lang ako makikitang ngumingiti.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon