#Chapter26

586 9 0
                                    

#Chapter26

Zyryl's POV

Bumalik ako sa bahay ng di mapakali.

"Let Destiny decide for both of you" bulong ko at napangisi nalang ako sa gilid ng labi ko.

Destiny? o ayaw lang talagang mag pakita ni Alice saakin? o alam ni Belle na gagawin ko yun kaya iniiwas niya si Alice saakin?

Marami akong tanong sakanya, sobrang dami at sobrang miss ko na din siya.

Napahinga nalang ako ng malalim, humiga sa couch at nilagay ang braso sa noo pero napabangon ulit ako.

Makakatulog ba ako sa lagay na to? sinulyapan ko yung wallclock at anak naman ng putcha oo. Isang oras palang ang nag daan simula nung malaman ko yung totoo.

Not literally totoo, yung totoong buhay nga si Alice, di talaga ako dinidismaya ng pakiramdam ko lage. Sabi ko naman noon pa na pakiramdam ko hindi si Alice yun pero bakit ang lumabas sa dna result ay positive?

Humiga ulit ako tulad ng kaninang pwesto ko at blinangko ang pag iisip ko, gusto kong itulog muna ito dahil bukas at sa makalawa ay hindi na naman ako makakapag hinga lalo na't naging tambakan ng mga krimenal ang Pilipinas kaya expected na may krimen na mangyayari kahit kailan.

Sa pag pikit ng aking mga mata...

"Zyryl anak makinig ka kay mommy"

"Bakit mo mom ano pong meron?"

"Don ka muna pansamantala sa tito mo okay? pansamantala lang naman baby"

"Bakit?"

"Dahil aalis kami ng daddy mo"

"San po punta niya mommy? sama ako please?"

"Hindi ka pwede don Zyryl makinig ka nalang" maawtoridad na pagkasabi ng tatay ko kaya para akong binagsakan ng langit. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Bukas ka ihahatid namin baby okay?"

"Okay po"

Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa ibaba ng bahay namin. Tulad ng mga bata na pag may naririnig na di kanais nais ay pupuntahan nila ito at titignan para malaman kung anong meron yun ang kasalukuyan kong ginagawa.

Nakita ko yung nanay at tatay ko na puno ng dugo ang katawan at puro may hiwa kung saan saan.

"Mommy! Daddy!" Nilapitan ko agad ito pero bigla akong napatigil at napasigaw sabay iyak dahil sa pagkagulat sa nangyari sa mga magulang ko at may nakapulupot na braso sa leeg ko habang may nakatutok na espada at hihiwain ang leeg ko

Nagising nalang ako na nakahawak sa leeg ko at hinahabol ang hininga. Dinadalaw na naman ako ng bangungot na iyon pota!

Napaupo nalang ako at tumingin sa bintana at pumunta na naman sa ibang demensyon ang utak ko.

it's been 19 years since I lost my parents. Last year ko lang nakuha yung file case ng mga magulang dahil sa sobrang luma na nito at last year lang ako naging investigator, ang mga magulang ko ang rason bakit ako nasa pwesto ngayon. Alam kong imposibleng makulong ko ang mga pumatay sa mga magulang ko nawawalan ng saysay ang mga kasong lumampas na ng 10 years. May rason ako bakit gusto kong makilala ang pumaslang sakanila.

Bumalik nalang ako sa sariling katinuan ng mapansin ko ang kanina ko pang tinititigang bintana ay may lumalalim na gabi na pala.

Lumabas ako ng bahay, sumakay ng kotse at pumunta sa bahay nila Alice. Siguro naman andito na sila total gabi na.

Kumatok agad ako ng nasa harapan na ako ng pintuan.

"Ano ba Alice pwede ka namang kumal-- Zyryl?"

"Asan si Alice?"

"Umalis siya"

"Saan pumunta?"

"Hindi ko alam basta umalis siya"

Hindi ko na pinansin Belle at pumasok sa bahay nila at binuksan lahat ng mga kwartong andito pero walang laman.

Umupo ako sa couch

"Hihintayin ko siya"

"Zyryl sabi ko naman sayo na wag mo siyang hanapin"

"At bakit naman hindi?"

"Dahil... dahil pag hinanap mo siya mas lalo siyang di magpapakita, I told naman na si destiny na bahala sainyo."

"Huh! Potchang destiny na yan Belle! Isang taon akong nag hanap sakanya kung alam mo lang, pero hindi eh! hindi mo alam!"

"Maniwala ka nalang kasi Zy"

"Ayoko mag hihintay ako sakanya dito"

"Bahala ka"

3rd Person's POV

May tumalon galing sa bintanang bukas, ng makapasok siya sa museum ay agad niyang tinahak anh hagdan kung saan papunta sa ikalawang palapag ng building kung saan andon ang pakay niya.

Ang isang kwentas na kahit madilim ang lugar ay kumikinang ang mapulang dyamante nito.

Hinanap na muna ni Alice kung saan ito nakalagay kung makalakad parang nag mamay ari ito ng museum tulad ng dati niyang gawain nakasuot siya sa pulang hood niya, pangiti ngiti sa mga cctv camera at may sobrang taas ng confidence kung mag lakad.

Ng mahanap niya ang kanyang pakay ay agad niyang binasag ang glassbox nito.

"Expected" bulong niya ng biglang nag ring ang alarm na nangangahulangang may kinuha kaya agad niya itong kinuha, tinago at tulad din ng dati may nilalagay siyang cookie note.

Bago pa nakarating sa itaas ang mga security guard ay agad niyang binuksan ang bintana at tinalon ito.

Bigla siyang may nakitang light galing sa di kalayuang guard na may hawak na flashlight at nakatutok sa labas.

Tumakbo siya bago pa siya makita dahil sa sinanay si Alice at matagal na niyang ginagawa itong gawaing ito ay parang hangin nalang siya kung gumalaw di mo makikita sa sobrang bilis. Pero mabilis lang siya sa pagtakas.

Dapat doon siya magaling, ang pag takas, di naman kasi agad mapapansin na may nakapasok sa isang lugar at sa pag nakaw ng isang bagay ay sobrang madali lang sakanya, pero mas masaya siya sa pag takas dahil alam niyang maraming security guards, pulis o kung ano pa anh habolin siya para mahuli.

Mas nasisiyahan siyang makita ang mga taga bantay na nasa likod niya na tumatakbo para hulihin siya at bawiin ang bagay na ninakaw niya.

"I miss this" yan ang huling lumabas sa bibig ni Alice bago siya sumakay sa kanyang kotse na nasa ikalawang kanto naka park at umalis sa lugar na iyon na may ngiti sa labi.

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Alice ng makita niyang pulis car na humahabol sakanya kaya mas binilisan niya ang kanyang pag papatakbo ng sasakyan niya.

"Follow me to the hell asshole" bulong niya at lumiko.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon