Sheez. Exited na ako sa pagcocross ng landas nina Ella at Lexther.<3
Lex point of view. Yadeey.
___________________________________________________________________
Chapter 5
Lexther's POV
Sobrang aga kung nagising dahil ang ingay agad ng mga mokong na ito.
Nasa iisang hotel lang kasi kami.
Hindi muna kasi kami umuwi kagabi sa mga bahay namin.
Lumabas naman ako sa sala nitong hotel.
"Grabe talaga pre. Akala ko pa naman babae mo yung bartender na yun"- natatawang sabi ni Jas
Mga gag* talaga to'
Pinaguusapan pa rin talaga nila yung babae kagabi?
Maganda naman siya, morena ang kulay. Pero halatang inosente sa lahat ng bagay, sa dami ba naman ng nakasam kung babae malamang nalalaman ko na kung malandi, inosente, pasex moves. Mga ganun ba!
At isa pa, curly ang buhok ni Ms. Bartender.
Di ko type.
"Uy pero chicks kaya"- sabi naman ni Tyler
"Loko talaga kayo. Wag nga kayo, Tsaka ikaw Tyler may babae kana."- sabi ni Brix.
Tinutukoy niyang babae ni Tyler ay si Tonet.
MU sila.
Malanding Ugnayan.
"Aga niyo magingay"- sabi ko at dumiretso sa minnie bar.
Kumuha naman ako ng beer sa Ref at ininom ito.
"Aga mo rin uminom"- bungad naman sakin ni Zusette.
Panira ng umaga.
Di ko siya pinansin.
Lagi kaming nagbabangayan niyan , ganun naman talaga pag barkada.
Sa totoo niyan apat lang talaga kami dati. Pero dumagdag itong dalawang nanay namin.
Kaya kami tinatawag na P4 it means ’Pure4’ kung baga.
Pure kasi ang samahan namin.
Since elementary days magkakaibigan na kaming apat.
Nadagdag lang si tonet at zusette dahil binu-bully sila dati tapos tinulungan namin.
Ampapanget kasi niyan dati.
>______<
Hindi naman talaga sana namin tutulungan kundi lang dahil kay Tyler.
Matagal na niyang gusto si Antonette. Kaya yun!
By the way. My name is Kirk Lexther Benavidez. But you can call me Lex or Lexther. Wag lang ang first name ko.
May pasok kami ngayon sa RU (Ruizo University)
Actually kaya lang naman kami pumunta sa US para magbakasyon.
Hindi sumama samin si Brix dahil ayaw malayo sa girlfriend niya.
Tss? Ina-under masyado.
Mahal na mahal kasi ni Brix yung si Jobbele ba yun?
Basta yung jowa niya.
Hindi pa sana ako uuwi dahil andun yung girlfriend ko pero wala eh. Kailangan kung umuwi para makapag-aral kahit wala naman akong panahon sa study.
YOU ARE READING
Love the Second time Around (Kathniel Story)
Fiksi RemajaIf you love someone kahit nasaktan kana niya ng paulit-ulit. You give him/her the second time or chance.