PROLOGUE

23 4 0
                                    

Isang matipunong binata na pinagkaitan ng pagmamahal ng kanyang pamilya, ngunit hindi ito naging hadlang para lumaki syang may takot sa dyos, may mabuting kalooban, mapag-kumbaba at matulungin sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.Lumaki siya sa piling ng mga batang walang magulang at pamilyang mag-aaruga sa kanila sa Bahay Ampunan, salat man sa pagmamahal ng sariling pamilya, bawing bawi naman sya sa pagmamahal ni Aling Esma na tinuring nyang ina, dahil sa kanyang pinamalas na asal marami ang nagmamahal at humahanga sa kanya subalit sa kabila ng kanyang kabutihan hindi maiaalis ang mga taong walang hagad kundi ang kanyang kapahamakan.

Siya ay si Jeremy Manalo, sa apilyedo palang panalo na sa puso ng mga taong nagmamahal sa kanya maliban sa kanyang kababata na si Eric Jorge Lopez at ang kanyang barkada na sila Raven at Justin. Lagi man syang pinagtritripan ng mga ito ni minsan hindi sya nagtanim ng galit at paghihiganti sa kanila kaya ganun nalang ang inis sa kanya ni EJ (Eric Jorge).

Hanggang umabot na sa sukdulan ang pang-aapi nila kay Jeremy na muntik nyang ikamatay ngunit dahil sa busilak nyang puso na bigyan sya ng pag-kakataon makita ang kanyang Fairy God Mother, na magbibigay ng kulay at tutulong sa kanya na makamit ang kanyang pinapangarap na tunay na pag-ibig. Sa hindi sinasadyang pagkakataon mahuhulog ang loob nya sa kanyang Fairy God Mother na mahigpit na pinagbabawal sa batas ng mga Fairies, subalit hindi nya alintana ang mga kapahamakan, pag-subok at buwis buhay na kanyang pagdadaanan dahil sa tunay na pag-ibig hahamakin ang lahat makasama lang kanyang minamahal na si Anastacia.

Enjoy reading...

I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon