Makalipas ang sampung taon naging mahirap kay Jeremy ang pagkawala ng kanyang Nanay Esma ngunit ang pagtupad sa pangako nya kay Aling Esma ang mahalaga at nagpatibay sa kanya, nanatiling mabait at may takot sa dyos si Jeremy. Naging kalbaryo man ang kanyang buhay dahil sa pahirap at pang-aapi ni EJ sa kanya hindi ito naging dahilan para sya ay sumuko at iwanan ang bahay ampunan.
Maagang nagising si Jeremy para magluto ng umagahan ng mga bata sa ampunan sya narin ang naging katuwang ni Ate Valerie sa kusina dahil narin sa may edad na si Aling Rose. "Magandang umaga Ate Valerie, anu po ang atin lulutuin sa almusal?" napangiti si Ate Valerie sa sa masiglang bati ni Jeremy sa kanya "Naku!mukhang maganda ang gising ng mabait na bata (sabay himas sa kanyang ulo)" napaiwas si Jeremy at natawa "Ate Valerie naman hindi na ako bata binata na kaya ako" agad kinuha ang kawali para sa pag luluto ng almusal. Habang naghahanda sa pagluluto si Jeremy sinamantala ni EJ ang pagkakataon na lumabas si Ate Valerie para sirain ang araw ni Jeremy "Hoy! (sabay batok kay Jeremy) anung niluluto mo!" tumingin lang si Jeremy sa kanya "itlog na may kamatis at tinapa" tahimik na naghihiwa si Jeremy ng kamatis ng bigla ulit syang binatukan ni EJ "Hoy!sarapan mo yan!itatapon ko yan sa mukha mo kung hindi masarap!" nang biglang pumasok si Ate Valerie at narinig ang sinabi ni EJ "Bakit hindi ikaw ang magluto tutal nandito kana" patakas na sana si EJ ng hawakan siya ni Ate Valerie "Umupo ka dyan , Jeremy!Ibigay mo sa kanya yan at siya ang maghiwa" wala ng nagawa si EJ kundi ang sumunod, labis nalang ang galit nya kay Jeremy. "May problema ba tayu EJ?pagkatapos nyang isalang mo na ang kawali at si Jeremy na ang magtitimpla" nakasimangot na sumusunod si EJ at mapapansin ang masamang tingin kay Jeremy. Tahimik lang na gumagawa si Jeremy hindi nya pinapansin ang pang-iinis ni EJ, at pinagmamasdan sila ni Ate Valerie na napapailing nalang sa ginagawa ni EJ, "Jeremy simulan mo ng iluto ang kamatis at itlog, EJ ikaw naman ang magprito ng tinapa" agad naman sumunod si Jeremy at ang nakasimangot na si EJ. Pagkatapos nilang mag luto, agad inayos ni Jeremy at EJ ang hapag kainan, laking gulat ng mga bata ng makita nilang kasama ni Jeremy si EJ na naghahanda ng kanilang almusal. Galit naman ang nararamdaman ni EJ sa mga oras na yon "humanda ka sa akin Jeremy!" panay ang banta ni EJ habang nilalapag nya ang pinggan at kubyertos sa lamesa. Napansin ni Ate Valerie ang pagtataka sa mga mata ng mga bata ng makita si EJ "Magandang umaga mga bata, simula ngayun makakatulong na natin si Kuya EJ sa paghahanda ng almusal ninyo" wika ni Ate Valerie sa mga bata ngunit walang kumibo niisa sa mga bata ng biglang nag salita si Jeremy "dapat maging masaya tayu mga bata" agad sumagot ang mga bata na labis na kinainis ni EJ. "Oh sya! Mga bata magdasal muna tayu bagu kumain" wika ni Ate Valerie sa mga bata, na pinangunahan naman ni Jeremy.
Pagkatapos kumain agad sumibat si EJ para makaiwas sa mga gawain, napansin ito ni Jeremy ngunit tumahimik nalang sya at niligpit ang mga pinggan, tinulungan sya ng mga bata sa pagliligpit ng pinggan "Kuya Jeremy, anung nakain ni Kuya EJ at tumulong sya sa inyo ni Ate Valerie?" natatawang sagut ni Jeremy "wala naman baka maganda lang ang gising nya" nagtawanan ang mga bata habang nagliligpit ng mga kinainan. Agad nilang dinala sa kusina para hugasan lahat ni Jeremy at habang naghuhugas kinakanta nya ng kanyang paboritong awit. "Aba!merun ka palang boses anak, bakit ikaw lang mag-isa rito?" napatingin si Jeremy kay Nanay Rose habang papalapit sa kanya "Nay, kakain na po ba kayo ipaghahanda ko na po kayo" nang biglang nagsalita si Ate Valerie "Ako na Jeremy ituloy mo nalang yan" habang naghahanda si Ate Valerie naikwento nya ang nangyari sa kaninang umaga, panay ang tawa ni Nanay Rose sa nangyari. "Di ba Jeremy wala syang nagawa at sinabihan ko sya na araw-araw makakatulong na sya ni Jeremy" pagmamayabang ni Ate Valerie kay Aling Rose "Naku!Valerie yung kung mapapasunod mo talaga sya di ba Jeremy?baka ngayon lang yan" napangiti lang si Jeremy sa sinabi ni Aling Rose.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)
FantasiaA male version of Cinderella, a handsome man with good physical looks where every girls admired. A man with pure heart, down to earth, cheerful and he loves helping others in needs. He never met his one true love until he was given a chance to meet...