Chapter 13 - Second Chances

1 0 0
                                    

Sa mga sandaling iyon hindi batid ni Jeremy na nasasaksihan lahat ni Anastacia ang paghihirap ng kanyang kalooban walang humpay ang pagpatak ng luha ni Anastacia sa bawat sigaw ni Jeremy ng kanyang pangalan "Jeremy, mahal ko patawarin mo ako..." paulit ulit nyang sinasambit ang pangalan ni Jeremy habang umiiyak. "Anastacia, lalo ka lamang mahihirapan kung lagi mo siyang babantayan" wika ng kanyang Amang Hari "Ama, nagkamali po ba ako ng aking desisyon?" niyakap ng maghigpit si Anastacia ng kanyang Amang Hari "Anastacia, malalapagsan mo rin ito magtiwala ka lang" agad nilayo siya ng kanyan Amang Hari upang maiwasan muna nya si Jeremy.

Sa Hardin walang humpay ang pag-tangis ni Jeremy umasa parin siyang babalikan siya ni Anastacia, "Madelaine wala bang talagang paraan para makita ko siya?" umiling lang si Madelaine at nalungkot dahil hindi nya matutulungan ang binata sa kanyang kahilingan "siguro mas makabubuti na umuwi ka muna baka nag-aalala na ang mga kaibigan mo sayu Jeremy" dahan-dahan tumayo si Jeremy at naglakad papalayo sa Hardin habang naglalakad walang tigil ang kanyang pagluha, hindi siya iniwan ni Madelaine hanggang makarating si Jeremy sa bahay ampunan. Tuloy-tuloy si Jeremy sa kanyang kwarto at doon nagkulong napansin ito ng kanyang mga kaibigan "Anu kaya ang nangyari kay Jeremy namumugto ang kanyang mga mata" pag-aalalang wika ni Justin. Nag pasya ang dalawa na puntahan ang kaibigan pagkatapos ng mga gawain bahay.

Dahan-dahan nagtungo ang magkaibigan sa kanilang kwarto upang kamustahin si Jeremy "Jeremy, bakit nagkukulong ka rito may problema ba?" wika ni Justin sa kaibigan ngunit hindi nagsalita si Jeremy at nais nya munang mapag-isa "Kung kaylangan mo ng makakausap nandito lang kami ni Raven, alam kong malalampasan mo yan..laban lang Jeremy" nagpasyang iwanan muna nila ang kaibigan hindi pa sila nakakalayo biglang nagsalita si Jeremy "Justin,kelan ba naging mali ang magmahal? Bakit kaylangan nya akong iwan?handa ko naman siyang ipaglaban kahit ganu kahirap..." sabay patak ng luha ni Jeremy, agad naman lumapit ang dalawa sa kanya at himas sa kanyang likod "Jeremy, kahit kelan hindi mali ang magmahal, baka nabigla lang siya at naguguluhan baka kaylangan lang nya ng oras para makapag-isip" napatingin si Jeremy kay Justin dahil sa kanyang mga sinabi. "baka kaylangan mo lang maghintay, at wag madaliin ang lahat" dugtong ni Justin na tahimik lamang na nakikinig si Jeremy. "Tama si Justin...Jeremy baka masyadong naging mabilis imbis na nagkukulong ka rito umisip ka na maaari mong gawin para sa kanya" batid ni Jeremy na tama ang sinasabi ni Raven at Justin. Kaya nangako siya sa mga kaibigan na susunod siya sa kusina upang tumulong sa gawain bahay.

Habang palihim naman silang pinagmamasdan ni Madelaine "mabuti naman pala ang mga kaibigan ni Jeremy, sinu kaya ang sinasabi ni Anastacia na suwail na kaibigan nya?" dahil sa nasaksihan hindi na nag-alala si Madelaine na iwanan muna si Jeremy sa kanyang mga kaibigan.

Sa kusina hindi maiiwasan pagtinginan si Jeremy dahil sa namumugto nyang mga mata ngunit hindi ito pinansin ni Jeremy nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, hanggang natapos nya ang mga gawain, agad syang nagtungo sa tabing puno. Doon sinundan siya ni Francesca para kamustahin "Hello..Jeremy may problema ka ba?nandito ako handang makinig sayo" napangiti lang si Jeremy sa kanya at sabay tingin sa kawalan "sige mukhang gusto mong mapag-isa basta kung kaylangan mo ng kausap nandito lang ako" agad naman bumalik sa loob si Francesca upang mapag-isa muna si Jeremy.

Nang biglang sumulpot si Madelaine sa kanyang tabi "Hoy!Jeremy lahat nalang ng kaibigan mo iniiwasan mo mas kaylangan mo sila ngayun" nagulat si Madelaine ng biglang tumingin sa kanya si Jeremy at umiiyak "Si Anastacia ang kaylangan ko...hindi ko na alam ang gagawin ko Madelaine ang hirap palang isipin na kahit kelan hindi na kami magkikita" panay ang patak ng luha sa mga mata ni Jeremy, na kinahabag ng loob ni Madelaine "naku..mahal na mahal na talaga ng binata na ito si Anastacia anung gagawin ko" wika nya sa sarili habang pinapakalma nya ito.

I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon