Hindi magkamayaw ang saya ng dalawa na halos hindi nila napansin ang pagkagat ng dilim "Hay!nakakapagod pala maglibot dito Anastacia at parang hapon na sa laki ng mga puno natatakpan si haring araw" masaya si Anastacia dahil nagustuhan ni Jeremy ang lugar na napili nya "anu ka ba Jeremy dapit hapon na kaya, dahil na libang ka masyado hindi mo napansin ang oras" masayang wika ni Anastacia, ng laki ang mata ni Jeremy "HA! naku baka labis ng nag-aalala sila sa bahay ampunan,kaylangan ko ng umuwi Anastacia" agad tumakbo si Jeremy patungo sa labasan "mag-iingat ka Jeremy sundan mo lamang ang mga Rosas pabalik sa bahay ampunan" pasigaw na wika ni Anastacia, "Paalam Anastacia hanggang sa muli!masaya akong kasama ka". Halos nagtatakbong pabalik sa Bahay ampunan si Jeremy sa pag-aalalang hinahanap na sya ng mga kaibigan.
Pagdating sa bahay ampunan, natanaw nya sa malayo na nag-aabang na ang kanyang mga kaibigan"Naku!marahil nag-aalala na sila sa akin" agad nagmadali si Jeremy papalapit sa mga kaibigan, na agad naman syang sinalubong "Saan ka ba nanggaling Jeremy pinag-alala mo kami, lalo na si Nanay Rose at Ate Valerie" wika ni Justin na labis na nag-alala sa kanya "ako'y inyon patawarin napasarap ako sa pamamasyal sa kagubatan hanggang sa hindi ko namalayan ang oras" pagpapaliwanag ni Jeremy, at agad naman syang pumasok sa bahay ampunan upang puntahan si Nanay Rose "Jeremy!akala ko kung napaano kana saan ka ba nanggaling? Ang akala ko sa puntod ng iyong Nanay Esma?" pag-aalalang tanung ni Aling Rose, lumapit si Jeremy at humingi ng paumanhin "Sorry po Nanay Rose, opo nagdaan po ako sa puntod ni Nanay Esma at namasyal sa kagubatan ako'y labis na namangha sa kapaligiran kaya hindi ko po napansin ang oras" malumanay na wika ni Jeremy, hinimas ni Aling Rose ang ulo ni Jeremy "ang importante nakabalik ka ng ligtas at buo, basta ipangako mo na hindi na ito mauulit" nakangiting wika ni Aling Rose, nangako naman si Jeremy kay Aling Rose at pagkatapos nilang mag-usap nagtungo si Jeremy sa kusina upang tumulong kay Ate Valerie at humingi narin sya ng sorry.
Habang tumutulong si Jeremy kay Ate Valerie hindi talaga sya tinigilan ni EJ, habang nakatalikod si Ate Valerie binatukan nya si Jeremy "aray..bakit na naman ba EJ?" napatingin si Ate Valerie sa kanila "EJ tigilan mo si Jeremy at merun kaming ginagawa!" ngunit hindi ito pinakinggan ni EJ sa halip inasar nya si Jeremy "kamusta ang feeling senyorito?akala mo siguro malaya ka ng gawin ang mga gusto mo! di lumabas din ang totoo tamad ka!" akmang babatukan niya ulit ni EJ ngunit pinigilan ito ni Ate Valerie "EJ! Hindi ka ba talaga titigil!nakakahiya naman sayu ni minsan hindi ka tumutulong dito tapos ikaw pa ang may ganang magsalita kay Jeremy!" galit na galit na wika ni Ate Valerie kay EJ "kung wala ka rin naman maitutulong umalis kana dito!" agad naman tumayo si Jeremy at pinakalma si Ate Valerie, bagu umalis si EJ pinagbataan nya si Jeremy "babalikan din kita hindi pa tayu tapos!" umiling lang si Ate Valerie sa naging asal ni EJ "bilib talaga ako sayu Jeremy, panu mo natatagalan ang katulad ni EJ? At bakit hindi ka lumalaban?" gigil na wika ni Ate Valerie, na panay ang tingin ni Jeremy sa kanya "hindi ba sya si Anastacia?marahil hindi naman dahil nangako na sya sa akin" bulong sa sarili ni Jeremy, habang tinitignan sya ni Ate Valerie "Hoy!bakit ka ganyan makatingin sa akin?" nagulat si Jeremy "Ay! Sorry po Ate Valerie na mumula po kayu kasi sa galit, tsaka hayaan nyo na po si EJ lilipas din po iyon" bumalik nalang sa gawain si Ate Valerie habang umiiling.
Pagkatapos magluto ng hapunan si Jeremy nagtungo sya sa tabing puno at naupo, "Anastacia, asan ka?" biglang lumakas ang hangin sa paligid "wag ka ng magalit sa akin akala ko naman kasi ginaya mo si Ate Valerie" muling hinintay ni Jeremy si Anastacia, alam nyang ito'y nagtatampo "sige na sorry na po" nang biglang sumulpot si Anastacia sa taas ng puno "huy!bakit ka nandyan dati naman tumatabi ka sa akin,sorry na Anastacia" hindi umiimik si Anastacia "ang daya naman pag siya ang may kasalanan okay agad sa akin tapos kapag ako papahirapan pa sige na sorry na po" paglalambing ni Jeremy kay Anastacia "hmmm..ikaw naman kasi pinagbintangan mo agad ako, di ba nangako na ako sayo marunong akong tumupad sa pangako ko!" wika ni Anastacia habang nakaupo siya sa taas ng puno. "kaya nga humihingi ng sorry" maamong mukha ni Jeremy, na natawa agad si Anastacia "hay! naku Jeremy basta sa susunod wag mo akong pagbibintangan" habang nakangiti na syang nakatingin kay Jeremy "so okay na tayu?di kana galit? Sige nga smile ka na mahal na prinsesa" pagbibirong wika ni Jeremy, natawa nalang si Anastacia at binilinan na wag na ulit syang tatawagin prinsesa.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)
FantasyA male version of Cinderella, a handsome man with good physical looks where every girls admired. A man with pure heart, down to earth, cheerful and he loves helping others in needs. He never met his one true love until he was given a chance to meet...