Kahit narinig ni Jeremy ang sinabi ni Anastacia hindi nya ito pinansin, nagpatuloy siya sa paglalakad pauwi sa bahay ampunan, dumeretyo sya agad sa kusina upang tulungan si Valerie maghanda ng hapunan ng mga bata. Pagpasok nya nakita nyang tumutulong si EJ kasama si Raven at Justin dahan-dahan lang syang pumasok upang hindi na sya mapansin ng tatlo. Nilapitan nya si Valerie para ipagpatuloy ang pag hihiwa ng mga rekado sa lulutuin na ulam para sa hapunan. "Ate Valerie, kanina pa ba gising si EJ? Bakit parang wala syang hinto sa pagtulong dito sa kusina baka kung mapano sya" ganun din ang inaaalala ni Valerie para kay EJ kaya nagpasya syang kausapin si Nanay Rose at ipaalam sa kanya ang tungkol kay EJ. "oh sya dito ka lang aakyat ako para kausapin si Nanay Rose ikaw na muna ang bahala sa pagluluto" agad umalis si Valerie at nag punta sa opisina ni Aling Rose. Habang pinagpatuloy naman ni Jeremy ang pag hahanda ng mga gagamitin sa pagluluto, halos wala ng gagawin si Jeremy dahil tapos na lahat ng tatlo ang mga gawain, sya na lamang ang magluluto ng hapunan. "EJ, wala na naman gagawin mas mabuti ata magpahinga ka muna kanina ka pa nag tratrabaho baka kung mapaano ka" pag-aalalang wika ni Jeremy sa kaibigan, kaya naupo muna si EJ habang pinapanood si Jeremy na nagluluto. "Jeremy'EJ lalabas muna kami ni Raven tawagin nyo na lamang kami kapag ihahanda na ang hapag kainan at tatawagin na ang mga bata".
Naiwan ang dalawa sa kusina habang pinapanood ni EJ si Jeremy magluto, hindi sanay si Jeremy na merun nanonood habang siya ay nagluluto at si EJ pa kaya mas lalo syang nailang "EJ, baka gusto mo munang pagpahinga sa kwarto mo tatawagin nalang kita kapag mag-hahain na" agad tumayo si EJ dahil ramdam niya na naiilang sa kanya si Jeremy "Ah! ganun ba sige aakyat muna ako" agad naman nagtungo si EJ sa kanyang kwarto "Ammp..ang laki ng pinagbago ni EJ noh!.. Anastacia!" tumahimik sandali si Jeremy para maghintay sa sagot ni Anastacia.."oo malaki nga ang pinagbago nya, pero nagkita na ba kayu ni Francesca? Bumalik na ba sya?" hindi tinantanan ni Anastacia si Jeremy tungkol kay Francesca "Hay!naku Anastacia kung yan lang pinunta mo dito wala kang mahihita sa akin wala nga yon gusto sa akin" sabay talikod kay Anastacia at nagpatuloy sya sa pagtimpla ng kanyang niluluto "Hmmmpp..suplado mo naman hindi ako pwedeng magkamali Jeremy interesado sya sayo!" parang walang naririnig si Jeremy sa mga sinasabi ni Anastacia kaya sa sobrang asar nya umalis na walang paalam si Anastacia.Hindi maintindihan ni Jeremy kung bakit pinipilit ni Anastacia si Francesca para sa kanya dahil ba kasama yon sa kanyang misyon.
Pagkatapos magluto ni Jeremy ng pang hapunan sakto rin naman baba ni Valerie, nakausap na nya si Nanay Rose at ang payo nya na hayaan lang muna nila EJ magkukusa din syang magpahinga kapag sya ay napagod. "Oh! asan si EJ? Iniwan ko lang dito kasama mo? nag-away na naman ba kayo?" natawa lang si Jeremy sa sinabi ni Valerie habang tinitikman nya ang kanyang niluto "hindi ate umakyat muna sya at nagpahinga sa kwarto nya" nagulat si Valerie sa sinabi ni Jeremy dahil kanina lang parang ayaw magpahinga ni EJ "marahil naiilang din sya sa akin Ate kaya napa payag ko sya, mas mabuti narin yon ng makapagpahinga muna sya" inutusan ni Valerie si Raven na tawagin si EJ para sa paghahain ng hapunan ngunit nagkasalubong na sila sa hadgan "oh!tamang tama papunta na sana ako sa kwarto mo para tawagin ka" sinabayan ni EJ si Raven pabalik sa kusina at agad tumulong sa pag hahain ng pang hapunan, nagsalo-salo lahat para sa hapunan hindi na nila pinapansin ang malaking pagbabago ni EJ hindi na katulad ng dati na halos umagahin si Jeremy sa paglilipit ng mga kinainan pero ngayun may oras pa syang makipagkwentuhan sa mga kaibigan at magpahinga.
Nagpasyang mag tambay si Jeremy sa tabing puno pagtapos makipagkwentuhan sa mga kaibigan, habang pinagmamasdan nya ang magandang buwan na nagbibigay liwanag sa kanya, hindi parin nagpapakita si Anastacia ng mga oras na iyon marahil naiinis sya, hindi kasi interesado si Jeremy kay Francesca kaya nahihirapan si Anastacia sa kanyang misyon na mahanapan si Jeremy ng True Love. Makalipas ang ilang oras nagpasya na syang pumasok sa bahay at magpahinga.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)
FantasyA male version of Cinderella, a handsome man with good physical looks where every girls admired. A man with pure heart, down to earth, cheerful and he loves helping others in needs. He never met his one true love until he was given a chance to meet...