Chapter 12 - Tears

4 1 0
                                    

Makalipas ang ilang oras nagpasyang bumalik si Jeremy sa bahay ampunan, bakas ang lungkot sa kanyang mga mata, agad syang nagtungo sa tabing puno upang doon magpalipas muna ng oras. Maya-maya nilapitan siya ni Justin at umupo sa kanyang tabi "kamusta napansin ko kanina na malungkot ka may nangyari ba?" nanatiling tahimik si Jeremy at halata nyang hindi pa handa magsalita ang kaibigan kaya hindi nya ito pinilit sa halip sinamahan nalang nya ito at sabay nilang pinagmasdan ang magandang tanawin.

Habang nakatanaw sa malayo ang dalawang mag kaibigan nagsimulang magsalita si Jeremy at sabay hinga ng malalim "panu kung alam mo wala naman patutunguhan ang iyong nararamdaman dahil hindi pwede...anung gagawin mo?" napatingin si Justin sa kaibigan at nabigla sa kanyang sinabi dahil bihira lang itong maglabas ng kanyang nararamdaman "panu mo malalaman na walang kakahinatnan kung hindi mo susubukan?Di ba mahal mo dapat ipaglaban mo" sabay tapik sa balikat ng kaibigan.  Alam ni Jeremy na tama si Justin kaylangan nyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Anastacia. Bagamat mahihirapan siya dahil hindi magiging madali ang kanyang pagdadaanan sa kamay ng mga Fairies.

Maya-maya nagyaya ng pumasok si Justin upang puntahan si Raven "Tara na pasok na tayu alam kong malalapasan mo ang lahat dahil mabuti kang tao Jeremy" nagmamadaling tumayo ang dalawa ng marinig ang sigaw ni Raven na naghahanap sa kanila. Habang palapit sila napansin nila ang galit na tingin ni Raven "Saan ba kayu nagpupunta? Nakakahalata na ako sa iyong dalawa!" inakbayan agad ni Justin at Jeremy si Raven papasok sa loob ng bahay "Oh!wag ka ng magtampo nasa tabing puno lang kami, tara na pasok na tayu" palambing na wika ni Justin sa kaibigan hindi na nakapagsalita si Raven at agad silang pumasok sa loob para magpahinga.

Nagkasalubong sila ni Francesca at EJ, "Jeremy, hinahanap ka pala ni Nanay Rose tungkol sa pinag-usapan nun Linggo" wika ni EJ na agad naman akyat ni Jeremy patungo sa opisina ni Nanay Rose. Pagdating sa opisina agad pinaupo si Jeremy at pinakita sa kanya ang magkakasama at magtutulungan sa kanilang naatasang responsibilidad sa bahay ampunan. "Nanay Rose, pwede bang wag nalang natin pag hiwalayin si Justin at Raven simula ng bata sila na talaga ang magkasama noon" nakita ni Nanay Rose ang pag-aalala ni Jeremy para sa dalawang magkaibigan kaya pinalitan nya ang naunang listahan "wala ka na bang nais palitan?" paninigurado ni Nanay Rose napansin nya na si Francesca at EJ ang magkasama at labis nya itong kinatuwa para sa kaibigan "wala na po Nanay Rose" sagot ni Jeremy. Si Valerie at Jeremy ang naatasan sa pagluluto at iba pang mabibigat na gawain sa bahay ampunan. Nang makisagurado na ang dalawa dinala na ni Jeremy sa baba ang listahan upang malaman na ng bawat isa ang mga naatasan resposibilidad sa kanila, makikita ang iba-ibang reaksyon ng mga bata sa bahay ampunan merun masaya at malungkot sa kanilang nakasama at responsibilidad.

Nasaksihan ni Jeremy ang masayang reaksyon ni Raven at Justin sa listahan kanyang pinaskil ngunit kapansin-pansin ang pagkalungkot ni Francesca sa nasabing listahan. Alam ni Jeremy na kaylangan na nilang mag usap ni Francesca kaya nilapitan nya ito "Hi!Francesca maaari ba kitang makausap kahit sandali?" halos hindi makasagot si Francesca sa kanya at biglang dumating si EJ "At bakit naman kayu mag-uusap hindi pa ba malinaw sayu ang listahan?" iritang wika ni EJ ngunit pinigilan ito ni Francesca "EJ anu ka ba!mag-uusap lang naman kami wala naman sigurong masama?" madiin na wika si Francesca.."may sasabihin lang naman si Jeremy sa akin sige na mauna kana sa kusina" agad naman umalis si EJ si inis rin kay Jeremy.

Nagtungo ang dalawa sa tabing puno, hindi alam ni Jeremy kung saan siya magsisimula ngunit kaylangan na nyang magsalita "Francesca, naaalala mo ba yung sinabi mo sa akin, nun galing tayu sa puntod ni Nanay Esma" tumango lang si Francesca at nakinig kay Jeremy "sana wag kang magagalit kung hindi kita nasagot nun oras na iyon dahil nabigla ako" ngunit pinigilan ito ni Francesca "wag mo ng ituloy Jeremy naiintindihan kita siguro nga masyadong naging mabilis ang lahat" hindi na muling nag salita si Jeremy at sabay nalang nilang pinagmasdan ang magandang tanawin at nag palipas muna sila ng oras tsaka bumalik sa loob ng bahay ampunan. Parang nabunutan ng tinik si Jeremy dahil nagkaayos na sila ni Francesca, ngunit merun pa siyang kaylangan harapin at ipagtapat ang kanyang nararamdaman.

I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon