Parang batang humabol si Jeremy sa kanyang mga kaibigan, pagdating sa kusina bakas ang takot na nararamdaman ni Jeremy na agad naman itong napansin ni Ate Valerie "anung nangyari sayo Jeremy?" sabay tawanan ng mga kaibigan "Naku Ate Valerie nakakita daw sya ng isang fairy at lumulutang sa kanyang harapan" wika ni Raven at sabay tawa sa kanya ngunit ito'y pinaniwalaan ni Ate Valerie "hindi ito nakapagtataka dahil mabait si Jeremy maaaring isa itong gatimpala sa kanya" napatingin ang mga bata sa kanya pati si Jeremy "anu po ang inyong sinabi Ate? maaaring nag sasabi ng totoo si Kuya Jeremy?" tumango si Ate Valerie "mga bata sa tingin nyo ba si Kuya Jeremy ay isang sinungaling?" sumagot agad ng mabilis ang mga bata "aba! Hindi ata sinungaling ang kuya natin!" napangiti si Jeremy sa sinabi ng mga bata "ang ibig nyong sabihin Ate kapag mabait ka gagantimpalaan ka ng isang fairy?" pinagpatuloy ni Ate Valerie sa pagluluto habang kinakausap nya ang mga bata "oo naman sa katulad ni Jeremy malayong hindi sya gatimpalaan" hindi na muling niloko ng mga kaibigan si Jeremy tungkol sa fairy na nakikita nya agad nag pasalamat si Jeremy kay Ate Valerie "salamat po sa pagtatanggol sa akin nagsasabi po talaga ako ng totoo Ate Valerie" napatingin si Valerie sa kanya "sinu ba ang nagsasabing nag sisinungaling ka?" sabay kindat sa kanya ni Ate Valerie at kumislap ang kanyang mga mata napa atras si Jeremy sa kanyang nakita, "Hoy! Jeremy anung nangyari sayu?" wika ni Ate Valerie sa kanya "Ho? Nagkislap po ang mga mata mo kanina Ate Valerie" napailing lang sya sa sinabi ni Jeremy "Naku! Ikaw lalaki ka kung anu-anu mga sinasabi mo sige na lumabas kana at mag hain ng almusal ng mga bata" lumabas na panay ang tingin ni Jeremy kay Ate Valarie "anu bang nangyayari sa akin? Simula ng nagpunta ako sa kagubatan ganito na ako pagbalik" labis ang pag-aalala ni Jeremy sa nangyayari sa kanya hindi narin sya makapunta mag-isa sa kwarto panay ang pasama nya kay Raven at Justin.
Habang nasa kwarto panay ang tingin ni Jeremy sa paligid "hoy! Jeremy tigilan mo nga yan sabi naman ni Ate Valerie hindi ka dapat matakot kasi mababait ang mga fairy" parang walang narinig si Jeremy sa mga sinabi ni Raven panay parin ang tingin nya sa paligid "Raven, aakyat muna ako sa taas tutulungan ko lang si Ate Valerie mag linis ng bahay".
Agad umakyat si Jeremy para tulungan si Ate Valerie maglinis ng bahay ampunan, pagkatapos maglinis nagpaalam si Jeremy na dadalaw muli sya puntod ni Aling Esma, bagu siya makarating sa sementeryo namitas ng bulaklak si Jeremy para ialay sa puntod ni Aling Esma pagdating nya na naupo sya tapat ng puntod "Hello Nay Esma nandito na naman ako namimiss na kita kamusta kana dyan sa heaven?" ligid sa kanyang kaalaman pinagmamasdan sya ng ni Anastacia "hmmm..maalalahanin pala talaga si Jeremy kahit yumao na ang kanyang Nanay Esma hindi nya ito nakakalimutan alayan ng bulaklak". Habang nakaupo si Jeremy may narinig sya ng kaluskos sa paligid "Nay, ikaw ba yan? Wag mo naman akong tatakutin medyo itong nakaraan araw may kababalaghan ng nangyari sa akin" napaurong si Jeremy sa puntod ni Aling Esma at panay lingon sa paligid "naku!natatakot na naman sya anu bang gagawin ko para hindi sya matakot hayz!" pinagmasdan nalang nya muna si Jeremy at nagpasyang wag magpakita o magparamdam.
Makalipas ang ilang oras nagpaalam na si Jeremy at muling bumalik sa bahay ampunan pagdating doon agad syang tumulong sa paghahanda ng hapunan ng mga bata "Ate Valerie ako na po ang mag hahanda ng mga rekado" agad naman binigay sa kanya ang mga gulay nagagamitin sa lulutuin ng biglang pumasok na naman si EJ para manggulo habang nasa labas si Ate Valerie "hoy! (sabay batok kay Jeremy) akala mo ba papalampasin ko ang ginawa mo sa akin kagabi ha! " napatingin lang si Jeremy sa kanya at hindi sya pinatulan sa asar nya binatukan nya ulit si Jeremy "anu ba EJ wala naman akong ginagawa sayo at kaylangan ko pang tapusin ito" muli syang inikutan ni EJ at ng akma nyang babatukan si Jeremy ngunit muling winasiwas ni Anastacia ang kanyang magic wand at may biglang bumatok kay EJ "Aray! sinu yon!" nagulat si Jeremy sa nangyari kay EJ at napatayo sya "oh wala akong ginagawa sayu" panay ang lingon ni EJ sa paligid "Lintik ka Jeremy sinu ba ang kasabwat mo ha!" muling may bumatok kay EJ sa takot nya napatakbo siya ng mabilis "sige takbo salbahe kang bata ka!" narinig ni Jeremy ang tinig ni Anastacia "sinu ka?ikaw ba ang gumawa nun kay EJ" natahimik si Anastacia sa pagtawa "sinu ka magsalita ka? bakit mo sa kanya ginagawa yon?" nanatiling tahimik si Anastacia at hindi nagsalita "Bakit hindi ka nagsasalita? Di ba masama ang manakit ng kapwa? Bakit mo yon ginagawa kay EJ?" hindi na makapagpigil si Anastacia kaya napilitan syang magsalita "salbahe kasi syang lalaki kaya binigyan ko lang sya ng leksyon" nagulat si Jeremy sa tinig na kanyang narinig "Ikaw ba yung Fairy God Mother ko na nakausap ko sa kagubatan?" naghintay ng ilang minuto si Anastacia bagu sumagot "Oo bakit natatakot ka na naman ba sa akin?" nilakasan ni Jeremy ang kanyang loob para makausap ang Fairy "medyo pero ngayun konti nalang bakit mo ba ako sinusundan?" panay tingin sa paligid si Jeremy "dahil ako ang nakatalaga sa iyo para gabayan, tulungan at protektahan" napatango si Jeremy sa sinabi ni Anastacia "maaaari ko bang tapusin muna ang akin Gawain para makapag-usap tayu ng maayus?" napangiti si Anastacia sa kanyang sinabi "sige Jeremy tapusin mo na muna yan at mag-usap nalang tayu mamaya..Hayz salamat hindi na sya takot sa akin" at pinagpatuloy ni Jeremy ang mag hihiwa ng mga gulay para sa hapunan ng mga bata at tamang tama sa pagbalik ni Ate Valerie "Ate Valerie tapus ko na pong hinawain ang mga gulay ihahanda ko lang po ang hapagkainan" agad lumabas si Jeremy para ayusin ang mga pinggan, kubyertos at lamesa, kasama ang kanyang mga kaibigan habang pinagmamasdan sya ni Anastacia "napakabuti mo talaga Jeremy kaya siguro ako ang inatasan maging Fairy God Mother mo".
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)
FantasyA male version of Cinderella, a handsome man with good physical looks where every girls admired. A man with pure heart, down to earth, cheerful and he loves helping others in needs. He never met his one true love until he was given a chance to meet...